Six

1585 Words
He's enjoying his rocky road flavor ice cream. Nangalumbaba ako sa mesa at nag-iisip ng pwedeng sabihin para makumbinsi siya na 'wag sabihin kahit na kanino ang lahat ng alam niya. He looks like the nosy-type of guy. Wala akong tiwala sa kanya. "Pinapatay mo na ba ako sa isipan mo?" tanong niya na parang nahuhulaan kung ano ang laman ng ulo ko. Pasimple akong umirap bago ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya. "Hindi, ah. Bakit naman sana?" Ngumiwi siya saka umiling-iling. He didn't talk and continued eating his ice cream like I'm not here in front of him. Ako naman ay abala sa pag-iisip kung ano ang pwedeng sabihin o gawin para masiguradong tatahimik siya. "Saang clan ka galing?" I asked. Sigurado naman ako na hindi siya basta-basta makakapasok sa RPP kung hindi siya sa malaki o makapangyarihang angkan nanggaling. Hindi niya ako sinagot ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Inis akong bumuntong-hininga saka ginaya nalang siya at kumain din ng ice cream. Pero nakakatatlong subo pa lang ako ay ayaw ko na. How come he's now almost finishing up the gallon of ice cream? Ang tamis at ang lamig. At sure ako na hindi ito healthy. Sumandal ako sa likod ng upuan habang magka-krus ang dalawang braso at pinapanood siya, bahagyang naiinip at naiinis na dahil pakiramdam ko ay lalo niyang binabagalan. Maya't maya ang pabalik-balik na tingin ko sa wall clock na nasa may bandang likod niya at harapan ko. "Done," he said, finally. Pinunasan niya ng tissue ang bibig bago itinulak ang wala ng laman na lalagyanan ng ice cream sa gitna ng mesa namin. Sinilip niya ang pagkain ko. "Nagsasayang ka ng pera, hindi ka naman pala kakain," anito. "Paki mo?" Iritadong sambit ko. "Wala naman akong pakielam. Sinabi ko lang." Inipon ko ang hangin sa loob ng bunganga habang pinipigilan ang bibig na magsalita pa ng kung ano dahil baka mauwi pa sa away ang dapat na pakiusap ko. "Nilibre kita--" Natigil ako sa pagsasalita nang mag-ring ang phone niya. He looked at his phone then he looked up to me, as if waiting for me to give him permission to answer the call. Wala na rin naman akong choice kaya tumango ako. He stood up and clicked the answer button. "Excuse me," sabi nito bago naglakad palayo kung saan hindi ko maririnig kung sino ang kausap at ano ang pinag-uusapan nila. Ha! Akala niya sa akin, chismosa? 'Di hamak naman na mas hindi siya katiwa-tiwala kaysa sa akin. Psh. Wala pang limang minuto ay bumalik ito. "I have to go," sabi nito bago naglapag ng pera sa mesa at patakbong umalis. "Ano?" Tiyak na hindi niya na ako narinig dahil nakatalikod na ito sa akin at naglalakad na palayo nang magsalita ako. Ha! He'll just ditch me like that? Tiningnan ko ng masama ang pera na ibinaba niya. Anger slowly consumed me. Bakit pakiramdam ko ay ang baba ng tingin niya sa akin dahil dito? This is supposed to be my treat so why the heck he'd pay for it? Padabog kong kinuha ang pera saka nagbayad. At walang sabi-sabi na tinalikuran ang cashier. "Ma'am, sukli niyo po," tawag nito pero hindi na ako lumingon pa. Why would I get it? Hindi ko nga pera iyon. Mas malaking insulto iyon kung pati ang sukli ay gagamitin ko pa sa ibang bagay. Wait... Shit! Hindi pa kami nakapag-usap tungkol sa sitwasyon ko. So far siya pala ang nakakaalam ng totoo. For sure naman na sa mga matatanda niya narinig ang balita na iyon. Sana lang talaga ay hindi niya ipagsabi kung kani-kanino. Ugh! I just wasted my precious time here. Hindi na ako bumalik sa ukay-ukay-an dahil marami-rami ng tao. I don't want to be seen in there. Kaya yung pera na dapat panlilibre ko ng ice cream sa lalaki na iyon ay ipinamasahe ko nalang pauwi. My parents aren't home yet when I arrived. Dumiretso ako sa kwarto at naglinis at nag-ayos ng katawan bago kinuha ang laptop at patalon na nagtungo sa kama. Sinandal ko ang likod sa headboard saka ipinatong ang unan sa lap ko. Ipinatong ko ang laptop sa unan at nag-log in ng social media accounts ko. Notifications. Never ending likes and comments. Honestly, hindi naman numero ang hanap ko. I do blogs to inspire ladies. Wala akong kapatid kaya sa ganoong paraan ko inilalagay ang mga advice ko when it comes to fashion and lifestyle. And blogging is my life. Fashion is my life. And those two comes along with money. Sa halip na pansinin ang mga iyon ay nag-search ako ng mga online jobs na pwedeng pasukan. Sure, my blog earns, pero maliit lang. I don't use much ads on it. Malaki lang ang kita minsan kapag sponsored ang product- though I barely do that. Dahil nga hindi naman para sa pera at trabaho kaya ako nagba-blog. It was just some sort of refreshment from the toxic reality. Double your money within 10 days. Check this out. Natigil ang pag-i-scroll ng mata ko nang mabasa iyon. Walang pagdadalawang-isip na pinindot ko ang link at napadpad sa isa pang sss post. May mga comments doon at maraming likes. Seems legit. Magco-comment na sana ako nang maalala na makikita iyon ng mga tao kaya naisipan kong gumawa ng dummy account para roon. Inubos ko ang oras sa paggawa ng sss at pag-i-inquire sa dapat na gawin. Basically, you'll invest lang. You will give money and then wait for the return of your investment which is one hundred percent. Kapag nag-invest ka ng fifty ay magiging one hundred. Pretty nice offer. Sinali nila ako sa group chat at so far parang maayos naman ang policies doon. I invested fifty thousand, probably almost all of my unrestricted savings. Ni-restrict ni mom ang savings ko kaya hindi ko iyon magagalaw for now. In fairness advance siya mag-iisip. Nakangiti akong natulog nang araw na iyon, ini-imagine ang mangyayari kapag nakuha ko na ang another fifty thousand ko. Pagkatapos ay i-i-invest ko ulit iyon ng madoble nang madoble. I'm so brilliant. I woke up late the next day. Wala na akong oras para mag-social media at agad nagmadaling kumilos. Nanlumo ako nang makita ang note ni mommy sa ref na nauna na raw sila at mag-commute nalang ako. Argh! Ito ang ayaw ko sa pagsabay-sabay sa kanila, eh. Habang nagbe-breakfast ay nakaisip ako ng isang desisyon na hindi ko alam kung magiging okay ba o hindi. In the end, I chose to follow my heart. Hinanap ko ang susi ng sariling kotse. Yes, I'll ride my car to school. Nevermind the gasoline fee, kapag nakuha ko na ang investment return ko ay madali nalang lusutan ang galit ni mom. "I missed seeing you with your car," salubong ni Leia sa akin. Magkasama sila ni Audrey at nakasabay ko sa pagpa-park. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob at sumakay ng elevator patungo sa first class namin. "I missed riding my car, too," sagot ko na na-e-excite sa mga susunod pang mangyayari. I can buy bags, skin cares, and soon, I can travel again. Great, right? Super! Tiyak na magiging proud sila mommy sa akin. "Ang saya natin, ah?" Audrey said beside me. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na kami at sabay-sabay pa rin na naglakad pero si Leia ay lumiko na rin agad dahil hindi namin siya kaklase. Audrey, on the other hand, is my classmate kaya sabay kaming pupunta sa room. "Ha?" Nakangiti akong bumaling sa kanya. Hindi ko talaga mapigilang hindi ma-excite. "Naka-receive lang ako ng good news." "Ano iyon?" Umiling ako. "Basta." Gustuhin ko mang i-kwento ay maguguluhan lang siya kung bakit kailangan ko pang kumita ng pera. And from that, she'll ask another and another and another question. Naroon na si Alexa nang pumasok kami at halos kasunod din namin si Ma'am. Umayos na rin kami agad ng upo at hindi na nakapag-usap. After morning class, nagtipon-tipon kami lahat sa cafeteria at laking pasasalamat ko nang wala naman masyadong eksena na nangyayari roon. I don't wanna ruin this moment. I don't wanna ruin my mood. Isa pa, lunes na lunes kaya sana naman ay buong araw na maging maayos. "Saw your car," Stella uttered. Alam ko na agad na ako ang kausap niya. "You drove?" I nodded. Hindi na ako sumagot dahil kasalukuyan kaming kumakain. "Congrats for your blogs, girl," sabi naman ni Alexa sa tabi ko. "And ha, for the info, binasa ko iyon." Ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Love you!" Tahimik lang si Paris, palagi naman. Si Leia ay abala sa pagbabasa ng libro habang kumakain. Si Andrea ay nakikipag-usap kay Stella. Si Audrey ay medyo malalim ang iniisip. Honestly, I have no idea kung bakit kami-kami ang magkakasama ngayon. Basta nangyari nalang. My bestfriend is actually Leia. Audrey and Alexa are my closest ones next to Leia. Si Stella at Andrea... well, I can say that we're friends but not close enough to be called "close". Natapos ang buong araw na wala naman masyadong nangyari. Early out kami ngayon dahil ganoon ang schedule namin. Dumiretso ako sa Starbucks para tumambay, I have my car naman so it's fine. Hindi ko na kailangan pa na mag-commute. I texted mom na hindi na nila ako kailangang sunduin mamaya. She didn't reply but I know she received it. Tamad mag-reply iyon. Habang hinihintay ko ang order sa starbucks ay chineck ko ang dummy account na ginawa ko kagabi. I also checked the GC but to my shock... A contact removed you from the group.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD