"Mag-po-post ako ng picture mo sa i********:," sabi nito habang nakaupo kami sa living room ng condo niya. Katatapos ng huling klase ko at hinintay niya ako dahil morning lang ang class niya. Dumiretso kami rito sa condo niya para makapag-plano para sa party na dadaluhan namin next next week. For sure kasi ay tatanungin kami pareho ng kung ano-ano and basically, aside sa masasamang ugali ng isa't isa ay wala na kaming alam na pwedeng ibahagi sa kanila. "Wait!" Kinuha ko ang cellphone niya na ngayon ay nasa account ko na sa i********:. "Hindi naman pwedeng manguha ka nalang ng kung anong picture diyan. Baka mamaya ay makahalata sila." "Anong ipo-post ko?" anito saka inagaw muli ang phone niya sa akin. "Mag-selfie nalang tayo," suhestyon ko. "Para rin malaman nila na magkasama tayo ngay