Nagtataka kong tiningnan si Alexa. Totoong nakahinga ako ng maluwag na siya ang nagbayad para sa amin pero bakit niya iyon ginawa? I mean... I'm not even asking. Nang mapansin ang kanina ko pang tingin ay ngumiti ito at lumapit ng kaunti. "Bakit? Ayaw mo yung order ko? It's chicken and--" "Bakit mo binayaran?" Mahinang tanong ko, natatakot na marinig ng iba. "You're still grounded, right? Alam ko naman na pinagkakasya mo ang allowance mo ngayon kaya ayos kang. My treat." Tila nabawasan ang problemang nakadagan sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. She thinks I have no enough money because I'm grounded and not because we're bankrupt. Nag-vibrate ang phone ko at tiningnan kung sino iyon. From: Jerk Katatapos ng quiz namin. Magkano? Nasaan ka? Ngumiwi ako. Ngayon pa siya magre