Kabanata 3 – Ang Kanyang Paghuhusga

1520 Words
Or maybe he was. Kinabukasan rin ay muling nagpakita ang dalaga. Melissa is fuming in anger. Hindi siya nagpadala ng pera! Maghapon siyang naghintay pero walang dumating. Akala niya ay malinaw ang pagkakasabi niya pero bingi yata ang isang ‘to. Kailangan niya ng pera. Now na! “Mamaya pa ang dating ng abogado. Napaaga ka yata ng dating.” Saad ni Klyde matapos makinig sa nakaiirita nyang boses as she ranted. It was so irritating he has half a mind to call security and throw her out the building. Saglit na natigilan si Melissa sa sinabi ng lalaki. “If you don’t behave yourself, I swear I’ll have you dragged out of my office. I didn’t think you would be scandalous.” Dagdag pa nito na halos irapan siya habang may binubuklat na mga papeles. “Me? Scandalous? We’re in private. It’s only scandalous when uninvolved people see.” Melissa rolled her eyes at him. “Why don’t you wait outside? Nakaaabala ka. Itanong mo sa secretary ko kung anong oras ang dating ng abogado. I can’t remember if it’s at ten or eleven.” Nakakunot noong nagpatuloy lang ito sa ginagawa, ni hindi man lang siya tinapunan muli ng tingin. “Gaano ba kahirap na padalhan ako ng pera? Simpleng bank transfer lang yun. Bilyonaryo ka, hindi ba? I’m sure kaya mo ‘kong bigyan ng ilang libo.” Napapikit ang binata sa tinis ng boses niya. Sinamaan niya ito ng tingin bago nagsalita. “Di ba twenty-three ka na? Naka-graduate ka na. You have a bachelor’s degree. I’m sure you can find a job and earn some money.” Anak ng patola! Sobrang nakakainis na talaga siya. Halos gustuhin na niyang sumigaw. Ang hirap naman kausap ng ulupong na ‘to. Melissa huffed before turning around and exiting his office. Huminga ng malalim si Klyde. Her presence alone drains his energy. Ilang minuto lang silang nagkausap pero pakiramdam niya ay sobrang napagod siya. Saglit niyang minasahe ang gilid ng kanyang ulo bago bumalik sa trabaho. Si Melissa naman, umupo siya sa couch sa labas ng opisina nito at mariing pumikit. Sinubukan niyang kontrolin ang kanyang paghinga. Sa totoo lang, nagsisimula na siyang mag-panic. Ito ang unang pagkakataon na nahuli siya sa pagbabayad ng kanyang mga bayarin. Hindi siya sigurado kung ano ang aasahan. Kaninang umaga, nakatanggap siya ng abiso para sa kanyang apartment. Ito ay medyo high-end at kahit na mayroon pa siyang dalawang buwang halaga ng paunang bayad, sakto lang yun sa late payments nya. Bukod roon ay may ibabawas din silang halaga for repairs and maintenance. Hindi niya maitatanggi na may mga nasira siya nitong mga nakaraang buwan. Nakakainis lang na hindi siya siningil noon, noong mayroon pa siyang pera. Nabayaran sana niya. Ngayon, sinasabi nila na kung hindi siya makabayad sa katapusan ng buwan ay kailangan niyang umalis. Halos isang linggo na lang mula ngayon. May utang pa talaga siya. At kung paalisin man siya, kailangan niyang humanap ng malilipatan. Oo na, masyado siyang umasa sa bigay ng ama niya. Malay ba niyang mawawala ito nang maaga? Sa ngayon, hindi niya alam kung anong gagawin. Saan siya kukuha ng pera? Ano’ng gagastusin niya? Saan siya titira? Paano siya kakain? May kotse pa siya, at late na din ang amortization niya. Isama mo pa ang pang-gas. Nakakaloka na. Sa kanyang pangamba, pinag-iisipan din niya kung ibebenta niya yung iba niyang mga gamit. Madami siyang mga branded bags, clothes and shoes. Jewelries din. Hindi niya akalain na aabot siya sa puntong ito. Her circle of friends wouldn’t believe it. Kukutyain lang siya. Nakakahiya. In the end, she didn’t want to do that. Pero kung hindi siya magkakapera in the next seven days, baka gawin din niya. Pero paano? She couldn’t let her circle of friends know. Sinubukan niyang magresearch how to sell stuff online, pero nakakalito. Her mind was a mess and she couldn’t absorb anything. Sinubukan niyang makaisip ng ibang paraan, pero ang hirap. Wala siyang maisip na matino. Mainly, mas mainam kung makakuha man lang siya ng karampot na kabahagi ng kanyang mana mula kay Klyde. Allowance man lang, please? Naghintay siya ng halos dalawang oras, but the lawyer wasn’t very helpful. The conditions made on the will are valid, saad nito. Nang itanong niyang muli ang patungkol sa monthly allowance, hindi ito makasagot ng diretso. “Ano? Did ba sabi mo nung minsan, okay lang?” The lawyer maintained his serious expression, “I didn’t. I said it would depend on Mr. Henderson, since he’s the one managing the whole thing now.” Nilipat nito ang tingin kay Klyde bago nagpatuloy, “I suppose pwede mo siyang bigyan ng monthly support. It’s your discretion. Sabi ko nga, you’ll essentially act like a trustee of her inheritance. Hindi ikaw ang actual beneficiary, but you can earn from it. It’s only fair that you receive compensation from your efforts.” Biglang sumingit si Melissa, “Wait, how does he earn from it?” Hindi siya masyadong knowledgeable on how trust funds work, pero curious siya kung magkano ang kikitain ng lalaking ito mula sa kanyang mana. Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw siyang bigyan nito ng pera? Paghihintayin ba siya nito hanggang sa mag-thirty years old siya? Well, sorry siya. Hindi siya makapaghihintay pa. “Well, like a normal trust fund manager.” Sagot ng abogado na walang balak i-explain pa sa kanya. He assumed she knew. Napairap ang dalaga. “How exactly?” Napahinga ng malalim ang nakatatandang lalaki, “He manages the fund, and that will require time and effort. Nararapat lang na may kitain din siya dahil doon, lalo na’t kikita ang buong trust fund dahil sa kanya. If it wasn’t for him, I don’t think it would earn much. Without a trust, pwede mo sigurong ilagay into savings and other safe investments like bonds. Pero maliit lang ang earnings sa mga iyon. Low risk, low return. I assume you’re familiar with this adage? Dahil bihasa naman si Mr. Henderson sa pagpapatakbo ng mga kumpanya, he can use the funds and make them profitable. Mas kikita ng malaki. He gets a certain percentage of the earnings, and the rest gets added to the fund, which is yours.” “Oh.” Naunawaan naman ni Melissa ang simpleng explanation na ‘yon. And she did realize na mas magbebenefit pa nga siya sa arrangement na ganoon. Ayaw man niyang aminin kay Klyde ay alam niyang mas mabuti kung ito ang magmamanage ng funds kaysa siya. But still… she needs money now! Is that too much to ask? Pinagmasdan siya ng binata bago turan ang abogado, “I think dapat rin niyang malaman na hindi puro cash ang minana niya. Majority of it ay valuation ng kumpanyang naiwan ni William. Mayroon ding long-term and short-term investments. Napakaliit lang ng cash kumpara sa mga iyon.” She glared at the man. Bakit hindi na lang niya diretsong sabihin sa kanya? Ipapadaan pa niya talaga sa abogado? Wow, ha. Kunti lang ang alam niya sa business pero hindi naman siya bobo o mangmang. “Hoy, excuse me lang. Naiintindihan ko naman yun, ano. But I’m sure, milyones pa rin yung part na cash, right?” The man merely grunted as a response. “Ah, yes. I believe so. Also, there’s a condition in the will that the company cannot be sold until you’re thirty or when you receive the full amount of your inheritance.” Napakunot-noo ang dalaga. “What do you mean? Pwede kong matanggap yung mana ko before I turn thirty?” “Yes, if Mr. Henderson believes you are already capable of managing it on your own.” Klyde cleared his throat, “And right now, I don’t think you would fault me in saying you’re sorely not capable yet. You don’t even have a job, woman. You don’t have savings or investments, not even an emergency fund.” Napangiwi na lamang siya. She couldn’t refute his words. Oo na, tama naman siya. “Oo na nga, di ba? Hindi ko naman hinihingi sayo nang buo. Kunting monthly allowance lang? Pambayad ko sa bahay, sa kotse, sa mga bills ko, pangkain at panggala. You know?” The lawyer cleared his throat. “Since Mr. Henderson is currently the manager of it, the discretion is his. Kung magbibigay siya at kung magkano ang ibibigay niya.” Labas na siya sa mapag-uusapan nila. “Narinig mo naman, di ba?” Paghahamon ni Klyde sa dalaga, at wari niya’y hindi siya bibigyan nito kahit na singko. “Get a job, woman.” Pagtatapos nito bago tumayo. Ganoon din ang ginawa ng abogado and they shook hands. Nakipagkamay din naman sa kanya ang abogado bago ito tuluyang umalis. “I still have a meeting later. You can go.” Pagdidismiss ng lalaki na muling naupo sa likuran ng kanyang office desk. The heck. Ano na ang gagawin niya ngayon? She has half a mind to tell him her situation in great detail. Baka sakaling maawa ito at pagbigyan siya. But there’s something about the guy that tells her hindi ito sasang-ayon sa mga gusto niya. /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD