Kabanata 2 – Ang Kanyang Pagbisita

1089 Words
Napatingin si Klyde sa dalagang naghihintay sa kanya sa kanyang office. Ipinakilala siya ng kanyang sekretarya as Melissa Franklin. Nang marinig niya ang pangalan nito ay alam na niya kung ano ang layunin nito. Ito na pala ang anak ni William. Nakahinga nang maluwag si Melissa dahil mukhang kilala naman siya nito. Bagamat ito ang una nilang pagkikita. Yun nga lang, halatang hindi nito ikinatuwa ang pagsulpot niya. His expression was cold at para bang minamaliit siya nito. Pakiramdam niya ay hinuhusgahan siya ng lalaki. She rolled her eyes and glared at him. Ang kapal ng mukha. Just who is he to judge? She’s sure he knows nothing about her. Hindi niya ito binati, and he merely gestured for her to take a seat. “To what do I owe this visit?” Tanong nito sa tonong nangungutya. Inirapan niya ito. Hindi ba’t matanda na siya? “You still have to ask? Alam kong alam mo kung bakit.” Huh, napatigil sandali si Klyde. Hindi niya gusto ang tono ng babaeng ito. May pagkamaldita nga, gaya ng nabanggit ni Wiliam. Naupo siya at nagtaas ng kilay. “Do I? I don’t recall anything. I have another meeting in thirty minutes and you’re eating up my break time. Get to the point.” Ugh. Nakakabwisit pala ang lalaking ito. Gwapo sana at hindi halatang mahigit kwarenta na ang edad. Pero, please lang… makisama ka naman. “My allowance for this month? Send it to my bank account.” Diretsahan niyang sinabi. “Allowance? What are you, thirteen?” Klyde raised an eyebrow again. This girl is surprising in her own way. “I’m twenty-three.” Ayan na, mukhang galit na siya. “Twenty-three, and you’re still asking for allowance?” Although he already knows this, iba pa rin yung marinig niya mismo mula sa bibig ng babaeng ito. Huminga ng malalim si Melissa, sinusubukang kalmahin ang sarili. “My dad sends me money every month. Since you’re handling his fortune, send me my money.” Kumunot ang noo ni Klyde at napatitig lang, pinag-aaralang mabuti ang babaeng nasa harapan niya. Naramdaman ni Melissa ang paggala ng tingin nito sa katawan niya. “Are you checking me out?” Hindi niya maiwasang magtanong, she's wearing a tight dress that show off her body figure. Ang palda ay nakatakip lamang sa kalaghatian ng kanyang mga hita. Hindi siya sigurado kung ano ang mararamdaman. Ang lalaki ay matalik na kaibigan ng kanyang ama, but sure... he looks hot and not too old. Hindi nakasagot agad ang binata. After a minute, sumandal siya sa kanyang upuan. “Since you’re old enough, don’t you have work? What’s your source of income?” “My dad? I don’t work.” Isang taon na mula nang makatapos siya sa unibersidad, ngunit hindi siya pursigido na makakuha ng trabaho. Dalawang beses niyang sinubukang mag-apply, ngunit tinanggihan siya. Gayon pa man, naniniwala siya na hindi rin niya magugustuhan ang trabaho sa opisina. Binalewala lang niya iyon. Isang ngisi ang lumitaw sa mukha ni Klyde, habang napapailing. Walang alam sa buhay ang babaeng ito, ganun ba? “Well, you better start working, then. In the will, I was only tasked to manage your father’s existing businesses until you’re thirty. There’s no stipulation there that I should disburse funds to you.” Napabusangot si Melissa na ikinangiti naman ng lalaki. Her annoyance is amusing. "Nagbibiro ka ba? Palagi akong tumatanggap ng buwanang allowance from my dad since high school. Bakit hindi mo na lang ipagpatuloy iyon? Hindi mo basta-basta pwedeng itigil na lang." Nagsimula na nga siyang kabahan. Hindi pwedeng wala siyang matatanggap. "Well, naiintindihan ko na biglaan ang pagkamatay ng ama mo. Hindi mo inaasahan na mangyayari ito, hindi ba? Kakausapin ko ang abogado kapag may oras ako at kukumpirmahin ko sa kanya kung kailangan ko bang bigyan ka nga ng allowance. I can see now why William didn’t let you inherit his wealth at this stage. You’re just going to waste all of it.” Sumenyas siya upang paalisin na ang babae. He still needs to go over a document for his next meeting. Tuluyang nang nainis si Melissa. "Bakit hindi mo siya kausapin ngayon? Sigurado akong mayroon kang contact number niya. I need the money today, mahirap bang intindihin yun? I’m behind on rent and bills. I was expecting money on my bank ten days ago.” Nairita na rin si Klyde sa kanyang boses sa puntong ito. Bahagya siyang tumingin sa direksyon niya. "Wala ka bang ipon? Mga investments na maaari mong ibenta? Don't tell me hindi ka handa para sa tag-ulan? Hindi sa lahat ng oras ay may pera ka. Wala ka man lang contingency fund?" Melissa huffed, pilit na pinipigilan ang sarili na huwag sumabog sa galit. This situation really caught her off guard. Pinanood lang siya ni Klyde. Nakakatuwa at nakakadismaya ang sitwasyon ng babae. William hasn’t taught her daughter basic finance principles? That’s a pity. Alam niyang hindi malapit sa isa’t isa ang mag-ama, pero para humantong siya sa ganito? Hindi niya maiwasang isipin na nabigo si William bilang isang ama. Ang solusyon niya ay magtapon ng pera sa paanan ng kanyang anak buwan-buwan? Kung siya ang ama ng babaeng ito, high school pa lamang ay tuturuan na niya itong magtrabaho. “Bibigyan mo ba ako ng pera, o hindi? Ganito ang gawin natin. You can give it to me now, you discuss it with the lawyer later, and you reimburse yourself from my father’s fortune. Sigurado akong papayag rin naman ang abogado. I’ll leave my bank details with your secretary. I’m sure it’s not something you do on your own. Nagkakaintindihan ba tayo, Mr. Henderson?” Hindi niya talaga hinintay ang sagot nito. Tumalikod na siya at lumabas ng opisina niya. Sa labas, huminga siya ng malalim bago humarap sa sekretarya at isinulat ang mga detalye ng kanyang bank account sa isang memo pad. Ngumiti siya sa babae bago umalis sa kumpanyang iyon. He was difficult to deal with. Umaasa siya na may matatanggap siyang pera sa araw na iyon. Pero walang balak si Klyde na gawin ang hinihiling niya. Bata kung umasta ang babae, hindi kanais-nais ang ugali, marahil ay talagang inispoil ni William at hindi naturuan ng tama. Nakasanayan nitong gawin ang mga bagay sa sarili niyang paraan ngunit oras na para mapagtanto nito na hindi ganoon ang takbo ng mundo. She has to learn. He asked his secretary to arrange a meeting with William’s lawyer. Inaasahan niyang babalik ang dalaga sa linggong iyon. At hindi nga siya nagkamali. /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD