Kabanata 4 – Ang Kanyang Plano

1307 Words
“Wait, sure ka? Wala pa siyang asawa at anak?” Manghang tanong ni Melissa sa kanyang matalik na kaibigang si Lily. How could that guy still be single? “Mahigit isang oras na akong naghahanap dito, bes. Itong isang article from last month, named him one of the most eligible bachelors at the moment. Rich, hot and sexy. Damn, ganito ba talaga ang hitsura niya noong nakita mo? Mapang-akit, Mel.” Biro ng kaniyang kaibigan. Inikutan niya lang ng mata ang kaibigan. Sure, she also noticed, pero hindi yun ang focus niya sa ngayon. Her inheritance, yun ang habol niya sa lalaki. She was thinking of blackmailing him, pero hindi niya akalaing walang butas siyang makikita. Balak niya sanang akitin ang lalaki tapos isusumbong niya sa asawa nito kapag hindi ito pumayag na bigyan siya ng allowance buwan-buwan. Nakakainis. Bakit wala ka pang asawa? Yang tanda mong iyan? Damn. Pero he looks young pa rin naman. Melissa shook her head. That’s not important right now. Medyo nakakaloka ang mga kaganapan sa buhay niya sa kasalukuyan, but she’s glad to have a friend like Lily. Mapagkakatiwalan niya at hindi siya huhusgahan. May pagkamaldita din minsan pero nasa lugar naman. Lily listened to all her rants. Nagkusa pa nga itong pahiramin siya ng pera, pero tinanggihan niya. Never siyang nangutang before and she’s not starting now. “Hindi kita gets. Ayaw mong magtrabaho, paano ka magkakapera? Ayaw mo ring mangutang? Akala mo ba habangbuhay na mayroong magbibigay sayo ng pera? Mel, that’s unrealistic. You’re not living a reality. Itong nararanasan mo ngayon, yan ang nararanasan ng mga karaniwang tao. This is what reality is like. Kailangang mong magtrabaho if you want to earn a living. Mahirap magkapera.” “Yeah, napansin ko nga.” Gayunpaman, hindi madali para sa kanya ang mag-adjust bigla-bigla. Nakasanayan na nya ang ganoong lifestyle sa loob ng maraming taon. For her to suddenly work a job… ugh. Hindi niya alam kung paano sisimulan. Anong gagawin niya sa opisina? How could she work for a boss? Hindi madali para sa kanya ang maging sunud-sunuran. She does what she wants. Si Lily, realistic. Minsan, rebellious din. She may be a wild child, but she knows her limits. Hindi naman siya ipinanganak na kasing yaman ni Melissa. Alam niya kung hanggang saan lang ang pwede niyang gawin. This is how and why she became friends with Melissa in the first place. Medyo magkatulad sila ng ugali, pero mas matigas ang ulo ni Melissa. “So, anong plano mo ngayon? Ang gwapo ni Klyde, ha? Is he as fit as in the pictures? He doesn’t look his age. Mukhang bata pa, probably mid-thirties, ganyan. He looks hot as well.” Nagtaas-baba ang mga kilay ni Lily, inaasar si Melissa. “Hot, sure. Pero walang puso. Ni hindi man lang nahabag sa kalagayan ko. Ang kuripot. Ilang libo lang, hindi pa ako mabigyan.” Naupo si Melissa sa kama, tapos bigla ring nahiga. She’s sleeping over at Lily’s place. Napaawang ang labi ni Lily. “Nahabag talaga? Girl, hindi naman nakakaawa ang sitwasyon mo. You can work your ass off.” Melissa groaned. May mga panahon na ayaw niyang makakinig ng lecture mula sa kaibigan. She could sound like her mom. Lily changed tact, alam niyang nagsisimula nang mainis sa kanya si Mel. “Anyway, hindi ikaw yung tipong sumusuko agad. Pahirapan mo siya, alam kong maparaan ka. Expert ka diyan, di ba? Minsan, nakakalimutan mo lang gamitin yang utak mo." Pang-aasar niya in a sweet way. Napatigil si Melissa bago napatitig kay Lily. Then, she grinned. Hindi pa nakuntento ay tumawa pa ito. “Oh, baliw na yan?” Sabay tapon ni Lily ng unan sa kanya. Maya-maya, tumigil rin siya sa pagtawa. “Napasobra yata ako ng pag-aalala. Medyo nataranta. Hindi tuloy gumana yung utak ko. Inexpect ko na tutulungan niya ako kaagad kaya hindi na ko nag-isip ng kung ano-anong plano. I had no time. Pero dahil nagmamatigas siya ngayon, he’ll learn what I can do.” She felt better with a plan. Nakangiti siyang napaupo. Medyo excited at nangingislap ang mga mata. “Oh, ang bilis ah? May naisip ka na agad niyan? Sabihin mo sakin, anong plano mo?” At dun na nga nagsimula ang balak niyang pangbablackmail. They spent hours to do some research about him. Ampotek lang, bakit wala siyang asawa? “How about a girlfriend? Wala bang nachichismis diyan na naka-date niya or something?” Pag-uusisa niya sa kaibigan. This can’t be. Paano na lang ang plano niyang akitin ito at bulagbugin ang wari’y tahimik nitong buhay? It would be easy to threaten his marriage, yun ay kung kasal siya at may asawa. Kainis. “Mas bata naman siya sa dad mo, di ba?” Lily’s eyes are on the computer again. “Probably.” Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita muli si Lily. “Oh, he’s four years younger than your dad.” Napakunot ng noo si Melissa, “So? He’s still twice my age. Nung kaedad niya ako, hindi pa ako pinapanganak! Imagine that.” “Not exactly twice your age. He’s forty-five. You’re twenty-three.” “Lily, kanino ka bang kakampi?” Hinampas niya ito ng unan, na nagpatawa lamang dito. “I’m just teasing you. Pero aminin mo, nakakatukso ang isang ‘to.” Tinitigan ni Melissa ang picture ng lalaki sa screen. He looked immaculate in it. Napailing siya, walang balak na sumang-ayon sa kaibigan. “I’ll try to dig some dirt on him na pwede mong gamitin. But I can’t guarantee anything. Malay ko ba kung malinis na tao ‘to?” Nagpalit siya ng tab at muling naghalukay ng mga news and articles about Klyde Henderson and his companies. Natahimik silang dalawa. Mel was trying hard to come up with other ideas. But it all boils down to seducing him. Maganda ang pangangatawan niya at mapang-akit rin ang kanyang hitsura. Marami na siyang naging boyfriends before at lahat sila ay nahalina sa kanya. “Mukhang flings lang yung mga babaeng napabalitang naka-date niya. Look, it’s a different woman every month.” Saad ni Lily after a while. Bahagya niyang sinulyapan ang mga litrato. Tahimik lang si Mel, naniningkit ang mga mata habang nag-iisip. Well, pwede pa rin naman niyang akitin ang lalaki. He thought she’s scandalous? She can whip a scandal with him and taint his reputation. As for herself, wala naman siyang pakialam. Hindi naman siya kilalang tao. Wala siyang pinoprotektahan na kompanya o kung ano pa man. Kung may girlfriend man ito, eh di mas maganda. Pagseselosin niya ang babae hanggang sa mamroblema ang lalaki. Although, it’s doubtful. Mukhang hindi naman seryosong makipagrelasyon ang binata base sa mga nababasa niyang articles. “Hoy, hitsura mo. Ayusin mo nga.” Pangungutya ni Lily nang makitang nakangisi ang kaibigan. “What?” “Anong klaseng plano ba yan? Parang nakakakilabot.” Medyo nanlamig pa nga siya at hinaplos ang braso. “Hoy, grabe ka. Bibigyan ko lang naman siya ng maraming problema kapag hindi niya ibinigay ang mga hinihingi ko.” “Girl, yang hitsurang yan, alindog mo na naman ba ang puhunan?” Helpless na tanong ni Lily. Nagkibit-balikat lang si Mel habang nakangiti. “Ingat lang bes, baka ikaw ang maakit.” Kinindatan siya nito at medyo napangiwi siya. “Heck, no.” Mariing sambit ni Mel. Tinawanan siya nito. "Sabihin mo sa akin kung kailangan mo ng tulong ko. Walang dahilan para mahiya ka. Matagal na tayong magkaibigan, hoy. You may not have your inheritance right now, pero tagapagmana ka pa rin. Hindi ka mahirap." "Wala lang pera, right?" "Alam mo, try mo pa ring iconsider ang paghahanap ng trabaho…”, natigil siya ng pandilatan siya ng kaibigan. “Pero syempre, depende sayo. Kapag handa ka na. I’ll let you know kapag may opening sa pinagtatrabahuhan ko.” /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD