Kabanata 3

1024 Words
Kabanata 3 “Woah! Woah!” bulalas ni Peter habang nakatutok pa rin sa kaniyang leeg ang espada nito. Gustuhin man niyang gumalaw upang makalayo rito ay hindi naman siya makagalaw. Dahil na rin sa takot na totohanin ng lalaki ang pagpugot sa kaniyang ulo. Totoo ngang hindi siya sigurado kung nasaan siya. Maaaring narito pa rin siya sa Pilipinas at talagang pinag-ti-tripan lang siya ng mga taong ito. Pero malaki pa rin ang posibilidad na totoo nga ang espadang hawak niya at kaya nitong pugutin ang ulo niya sa oras na may gawin siyang mali. Hindi niya maaatim na mamatay bago pa man malaman ang mga sagot sa mga tanong niya. “Sagutin mo ang tanong ko, Ginoo, hangga’t hindi pa nagbabago ang isip ko. Unahin mo sa pagbanggit ng tunay mong pangalan.” Malalim ang boses nito at seryoso. Ang titig nito sa kaniya ay para bang humuhukay sa kaniyang bungo sa sobrang talim. Dahil dito ay mas lalong bumilis ang t***k ng kaniyang puso sa nerbyos. “Peter,” agad niyang sagot, “Peter ang pangalan ko, at hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko rito. Ang alam ko lang ay may tinatakasan ako bago ako mapadpad sa lugar na 'to.” “At sino ang tinatakasan mo? Isa kang kriminal, tama ba ako? At tinatakbuhan mo ang mga kawal na dapat ay huhuli sa 'yo." "Hindi! Hindi ako kriminal, maniwala ka. Tinatakasan ko lang si Tristan, pero pinagkakautangan ko lang siya ng pera. Wala akong ginagawang masama. Pangako!" Dahil na rin sa desperasyong nararamdaman ay hindi na niya mapigilan pa ang dila na magsalita ng kung ano-anong bagay. Tumango lang ang lalaki ngunit hindi na muling nagsalita. Hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakatutok ng espada sa kaniya kaya hindi pa rin siya makahinga nang maluwag. Alam niyang wala pa rin siyang takas sa ngayon, at kailangan na niyang makaisip ng paraan. Kumunot naman ang noo niya nang maalala ang huling tanong nito. Hindi niya sigurado kung tama ang dinig niya ngunit kailangan niyang kumpirmahin bago ang lahat. “Ano nga ulit ang huling tanong mo?” Bumuntonghininga ang lalaki bago muling nagsalita, "Nasaan ang unang prinsipe ng Murklin Empire at bakit ikaw ang narito? May masama bang nangyari sa prinsipe?" Mas lalong kumunot ang noo niya sa binanggit. "Empire? Murklin? Paano mo nalaman 'yan? Isa ka rin ba sa mga nagbabasa ng nobelang sinusulat ko?" Sa pagkakataong ito ay ang lalaki naman sa kaniyang harapan ang napakunot ang noo. "Anong nobela ang sinasabi mo?" "The Murklin Empire's First Prince, ang nobelang sinusulat ko ngayon. Ang kauna-unahang libro na isinulat ko sa wikang ingles. Nabanggit mo ang pangalan ng bida ko kaya natanong ko." "Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi mo." Mas lalong lumapit ang espada niya sa leeg nito hanggang sa dumikit ito at lumikha ng maliit na sugat sa kaliwang bahagi ng kaniyang leeg. Napagtanto niyang baka nililinlang na lamang siya nito at hindi siya makapapayag na mangyari iyon. "Paanong hindi?" bulalas ni Peter. "Binanggit mo ang unang prinsipe ng Murklin Empire. Hindi ba at si Chronos Frederick ang tinutukoy mo? Siya ang tinutukoy mo, 'di ba?" Mas lalong dumiin ang espada sa kaniyang leeg na ikinangiwi niya. Nagbago rin ang ekspresyon ng kaniyang kausap. Mula seryosong mukha ay nagdilim ito at masama siyang tiningnan. "Hangal! Sino ka para banggitin ang unang prinsipe sa kaniyang tunay na pangalan?" "Huh? Pero isa lang siyang bida sa kwento ko, isang kathang-isip. Ano naman kung tawagin ko siya kung ako naman ang gumawa ng karakter niya?" Magsasalita pa sana ang lalaki upang singhalan siya nang may isang panibago na bisita ang pumasok sa silid. Gaya ng lalaki sa kaniyang harapan ay kakaiba rin ang suot nito na para bang nanggaling sa sinaunang panahon. Ngunit ang kinaibahan ay mas magarbo ang suot nito at puno ng alahas ang katawan. May suot din itong maliit na korona sa ibabaw ng mahaba at kulot nitong buhok. Ang pang-itaas niya ay isang kulay asul na flowy dress na umaabot sa kaniyang talampakan. May kulay pula rin siyang toga na nakapatong sa damit na iyon na madalas makita ni Peter sa mga sinaunang tao noong Byzantine period. Ngunit masyado nang makaluma ang mga ganitong damit. At kung nasa Pilipinas nga siya, tiyak na kapag ganito ang isinusuot ng mga tao ay wala pang ilang segundo, tatagaktak na panigurado ang mga pawis nila.  Ngunit nang matitigan ang bagong dating, mukhang komportable pa ito at nakataas pa ang baba na tila mataas ang kompyansa sa sarili. Sa hindi malamang dahilan ay mabilis na binawi ng lalaki kanina ang kaniyang espada at isinuksok sa lalagyan nito. Nakayuko na rin ito sa bagong dating at tila isang lion na biglang naging isang maamong tuta.  Sa akto nito, mukhang isang mahalaga na tao ang isang ito. Hindi naman niya ito kilala na ikinabahala niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin sa mga oras na ito. Magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo? Aakto ba siya na parang walang alam o aakto bilang si Chronos na isang malaking kalokohan para sa kaniya. "Gising ka na pala, mahal kong kapatid," bungad ng bagong dating. Kapatid? Siya na si Churchill Cedrick? sa isip ni Peter. Sinuri niya ang kabuoan nito at napagtanto nga ang pagkakahawig sa ginawa niyang karakter. Mahaba ang kulot na buhok at kulay tsokolate gaya ng sa kapatid at ama nito.  Natural din itong nakangiti sa kaniya na may halong pag-aalala. At ang singkit nitong mga mata ay nadedepina ng makakapal na kilay na tila ginuhit lamang sa kaniyang mukha. Ngunit hindi siya nagbigay ng kahit anong ekspresyon sa kaniyang mukha. Kung ito nga ang kapatid ni Chronos, alam na alam niya kung ano ang tunay nitong ugali. Sa likod ng mala-anghel na mga ngiti nito ay nakatago ang isang lalaki na puno ng ambisyon, makamundo at makasariling ambisyon. Dahil sa inis sa sariling karakter, isang itim na usok ang lumabas malapit kay Peter. Nagitla pa siya sa nangyari at nagtaasan ang mga balahibo niya. Dahil sa usok na ito, isa lang ang nakumpirma niya... Ako nga si Chronos, at isa akong Murklin sa mundong 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD