Kabanata 19 Sinipat ni Kinro nang mabuti ang brotse na inabot sa kaniya ni Peter. Noong una ay akala niya, isa lamang replika ang brotse na binebenta ng mga mortal. Ngunit nang sipatin at makita ang bawat guhit nito ay napakunot na lang ang noo niya. May kaniya-kaniyang brotse ang mga imortal, at nagkakaiba-iba rin ang mga iyon depende sa kung saang kaharian o imperyo nanggaling ang mga ito. Gawa sa kakaibang materyales ang mga brotse na makikita lamang sa kani-kanilang mga lugar. Ang brotse ng mga murklin, partikular ng Imperyong Helios, ay gawa sa kakaibang ore na namimina lamang sa bundok ng Vadon. Hindi lamang iyon, masyado ring detalyado ang pagkakagawa ng brotse para masabing replika lamang ito. Ang bawat linya ng korona ay kuhang-kuha. Miski ang ahas na nakapalibot doon at ang i