Kabanata 20 Malamig ang simoy ng hangin sa bundok ng Vadon. May mangilan-ngilang mga ibon ang dumadapo sa mga puno, tila pinanonood sina Sphere at Jikan sa kanilang paglalakbay bago lumipad paalis. Naririnig nila ang tunog ng kuliglig sa paligid at ang marahang paghampas ng hangin. Pero maliban doon ay wala na silang marinig pa. Nakatuon lang ang atensyon nila sa pag-akyat sa taas gaya ng napag-usapan nila dahil may kataasan ito. Wala naman silang ibang pagpipilian dahil ito lang ang tanging daan para makatawid at makapunta sa baryo ng Vadon na nasa kabilang dulo pa ng bundok. Ang Caligo ay nahahati ng isang mahabang bundok, ang Vadon. Ang unang kalahati ay naroon ang baryo ng Ered, Aonaran, kalahating bahagi ng Agersia, at ilan pang mga baryo. Sa kabilang banda naman ay ang isang kalah