Kabanata 18

1505 Words

Kabanata 18 Tumalikod na si Sphere at nagsimulang umalis. Tinitigan pa sila ni Jikan panandalian, partikular si Kinro, bago sumunod sa babae nang walang sinasabi. Ngunit para bang alam na agad ng titan ang sinabi ni Jikan kahit sa mga titig lang. Wala siyang sinabi. Nakatitig lang din si Kinro sa mga ito habang naglalakad papaalis bago binalik kay Peter ang kaniyang tingin. Inunahan na siya ni Peter na magsalita. “Alam ko. Pagalitan mo na ako pero sasabihin ko na ngayon pa lang na may pakialam ako. Ayoko lang sabihin sa kanila kung ano ang nahanap ko dahil wala akong tiwala sa kanila. Alam kong ganoon din ang nararamdaman mo.” Nagtiim-bagang si Kinro. Totoo naman ang sinabi nito, pero kinikilabutan pa rin talaga siya sa tuwing alam nito kung ano ang nararamdaman niya. Kahit kailan ay h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD