Kabanata 21 Habol-hininga sina Jikan at Sphere habang pababa ng bundok. Hindi na sila tumingin pa sa kanilang likuran dahil wala na silang pagkakataon pa para gawin iyon. Kailangan nilang makalayo sa bundok upang makapagtago o hindi kaya naman ay makahingi ng tulong sa mga murklin. Kahit sinuman ang makaharap ng isang bagong silang na murklin ay tiyak na makararamdam din ng takot gaya nila. Tanging ang mga imortal lang na may karanasan ang makapipigil at nakaalam kung paano sila harapin. At tiyak silang ang mga murklin lang ang tangi nilang pag-asa sa mga oras na ‘to at wala nang iba. Kalmado lang itong naglalakad sa kanilang likuran ngunit para bang mas mabilis pa rin ang usad nito kumpara sa kanilang dalawa. Dahil na rin sa tulong ng itim na usok ay naging posible iyon. Ngunit hindi n