Kabanata 10 Gaya ng napag-usapan ay sa Hilaga nagtungo si Peter. Wala rin siyang napansing kakaiba sa lugar maliban sa sobrang katahimikan ng lugar. Wala siyang kahit sinong mortal na nakikita na nakababahala dahil miski kahit anong emosyon ay wala siyang maramdaman. Kahit natutulog ang isang mortal ay dapat nakararamdaman pa rin siya ng kahit ano lalo pa at nasa baryo sila ng Fract. Ang Tribo ng Vad ay mga maingat na mortal. Kahit na tulog sila o tila walang pakialam sa kanilang paligid, mataas pa rin ang depensa nila. Ang kanilang baryo ang pinakamababang uri ng mga mortal. Isa ito sa mga dahilan kaya madalas silang puntiryahin ng ibang mga mortal, at ng mga kriminal na imortal. Dahil sila ang tinuturing na pinakamahinang mga mortal ay sila ang laging puntirya ng mga ito. Ito ang dah