Kabanata 11

1214 Words

Kabanata 11 “Mahal na prinsipe!” bulalas ni Kinro na kararating lang ilang minuto bago umalis sina Sphere at ang kasama nito. Naupo siya sa tabi ng prinsipe at sinipat ang lagay niya. “Ayos ka lang?” Naupo siya sa sahig nang maramdamang naroon na rin si Churchill kasama nila. Sinisipat niya ang mga mortal na kanina lang ay pinatulog ni Peter. Isa-isa silang tumayo at nalilitong tumingin sa paligid. Wala ni isa sa kanila ang nakaaalala kung ano ang eksaktong nangyari bukod sa pagpunta nila sa lugar. Hinanap din nila si Sphere na siyang nag-utos sa kanila na pumunta sa lugar at atakihin ang sinumang makita nilang gumagala sa lugar. Matapos niyon ay wala na silang maalala pa. “Ayos lang ako,” sagot ni Peter bago tumayo. Nagsimula siyang maglakad palayo ngunit sumunod sa kaniya si Kinro.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD