Kabanata 12 Nakaharap si Peter sa isang salamin habang inaayos ang kaniyang suot. Pinatong niya ang isang cloak sa ibabaw ng kaniyang tunic at sinipat kung ano pa ang kulang. Mabuti na lang talaga at pinag-aralan niya kung paano ito isuot. Hindi na dapat niya papansinin pero naiilang na siya sa kakaibang titig ni Kinro mula sa salamin. “Ano ‘yon?” tanong niya nang hindi lumilingon dito. “Kanina mo pa ako tinititigan. Medyo nakakailang na rin.” Bumuntonghininga ito bago tiningnan ang pinto na kanina pa nakasara, tila inaalam kung may tao roon. “Ano ang nangyari sa ekspedisyon?” “Anong ekspedisyon?” Kumunot ang noo nito. “Ang ekspedisyon kung saan kasama mo si Prinsipe Churchill. Ang huling ekspedisyon kung saan ka nanggaling at bumalik ng may dugo sa damit mo at sugat.” Hinarap siya