Kabanata 22

1118 Words

Kabanata 22 Pinawalang-bisa ni Peter ang kaniyang itim na usok matapos ihiga ang dalawa sa bakanteng kama. Napansin niyang bukod sa kama nito ay may maliit pang sofa sa gilid ngunit walang sandalan. Nakadikit lang ito sa pader kaya roon inihiga ni Peter si Jikan. Agad naman siyang pinaalis ni Merlin sa kwarto upang masimulan na ang paggamot. “Mas gusto kong magtrabaho nang mag-isa,” ani Merlin habang inaayos ang mga kagamitan sa isang lamesa na gawa sa kahoy. “Nagpainit ako ng tubig sa labas kaya ikaw na ang bahala sa sarili mo. Hindi na kita maaasikaso pa.” Tumango-tango ito. “Kaya ko na ang sarili ko kaya huwag mo akong alalahanin. Pagtuonan mo na lang ng pansin ang paggamot sa kanila at ayos na ‘ko.” Nilingon siya nito mula sa kaniyang balikat. “Ano pa ang hinihintay mo? Labas na.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD