Kabanata 17 “Kilala mo sila?” tanong ni Kinro habang nakatingin pa rin sa dalawa. Hindi niya rin inalis ang tingin sa mga ito, nagbabaka sakali na may hindi ito gawing maganda. Nang tanggapin niya ang trabaho na maging titan ni Prinsipe Chonos noong bata pa lamang sila ay nangako siyang poprotektahan ito. Kaya kahit may tiwala na ang prinsipe sa kahit sino ay bukas pa rin ang isip niya sa posibilidad na maaari nilang lokohin ang prinsipe. At sa tuwing mangyayari ‘yon ay narito siya upang ayusin ang anumang gusot na mangyayari. Hindi naman naging problema ‘yon kay Kinro nitong mga nakaraang taon dahil mailap ang prinsipe. Wala ito masyadong kinakausap at malimit kung may mapalapit man sa kaniya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o dapat na mabahala. Ngunit nang mapagtantong nagbabag