"Why did you leave me at the mall? I look like a fool waiting for you there, you know that?" Galit na si Laureen ang sumalubong kay Draco, hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa loob ng kaniyang opisina ay kinompronta na agad siya nito. Nang makita niya si Lara sa mall kahapon ay nakalimutan na niyang kasama pala niya ang nobya. Naalala na lang niya ito kaninang umaga ng magbukas siya ng cellphone at bumungad sa kaniya ang nakakalula sa daming text messages nito at missed calls. Alam niyang aawayin siya nito kung sakaling magkita sila pero hindi niya naisip na sasadyain siya nito sa kaniyang opisina para lang doon. "I had an emergency yesterday. I have to leave right away," kalmadong sabi niya. Umupo siya sa kaniyang swivel chair at binuksan ang kaniyang laptop para magsimula ng magtr