Maaga pa lang ay nasa MCC University na si Lara. Ito ang itinakdang araw para kumuha siya ng entrance exam sa nasabing unibersidad. Sa apat na eskwelahan na kaniyang napili para kumuha ng pagsusulit ay ito ang pinaka nagustuhan niya, bukod sa maganda ang facilities ng paaralan ay napakalawak at linis pa ng campus. Panay ang dasal niya na sana ay alam niya ang mga sagot sa tanong. Nalula siya sa test na umabot hanggang 300 questions. Ang kagandahan lang ay sa computer na sila sumasagot kaya pagkatapos na pagkatapos ng exam ay maghihintay na lang sila ng ilang minuto at ia-announce na ang mga nakapasa. Habang naghihintay sa waiting area ay hindi maiwasan ni Lara na pasadahan ng tingin ang mga tao sa paligid na katulad niya ay umaasa na makapasa rin dahil baka kapag pinalad na makasama sa