Mula sa pagkakakandong sa binata ay binuhat siya nito at ibinaba sa malambot na kama. Matapos niyon ay sumampa ito sa higaan at dumagan sa dalaga. Mabilis siya nitong ginawaran ng halik sa labi at agad din sanang lalayo ngunit maagap si Lara, kumapit siya sa batok nito at hinabol ang labi ng binata. Nalasahan niya ang matamis na labi ni Marcus at nagustuhan niya iyon ng husto kaya naman siya na ang gumawa ng daan para mapahaba pa ang halik na iyon. Parang sabik na sabik siya, ngayon lang naman ito nangyari sa kanila ngunit pakiramdam niya ay matagal na niyang natikman ang labing iyon. Narinig niya ang pag ungol ng binata habang nag e-espadahan ang kanilang mga dila, kaya mas lalo niyang ginalingan ang pakikipag eskrima rito. Sa pagitan ng mainit na halik na iyon ay natigilan siya. Alam