Kararating lang ni Draco sa airport. Ngayong araw ang uwi ni Laureen. Si Laureen ang kaniyang kababata na naka-base sa Australia. Halos sampung taon narin mula ng huli silang magkita. "What took you so long? Kung alam ko lang na matatagalan ka, sana nag-taxi na lang ako pauwi. Inugat na ang mga paa ko kakahintay sa 'yo," inis na sabi nito ng salubungin ni Draco. "Chill! I'm already here. You never changed, still a brat. Here, get this." Kinuha niya ang dalawang kamay nito at iniabot ang pumpon ng bulaklak na hawak niya rito. Lalo naman itong napasimangot sa ginawi niya. "Hmmp! Ganiyan ka ba talaga? Para ka lang nag abot ng basura sa akin, ah. Wala man lang ka sweet-sweet," nakasimangot na sabi habang tinitingnan ang mga pulang rosas sa kaniyang kamay. "It came from my mom, not mine. Do