Maaga pa lang ay bihis na si Lara. Papunta siya ng bayan para mamalengke, gusto niyang bumili ng mga sariwang karne, isda, gulay at prutas. Tulog pa si Draco, hindi na niya ito inabalang gisingin para magpaalam, nagsulat na lamang siya sa kapirasong papel ng mensahe para rito na nagsasabing siya ay aalis para bumili ng kanilang pagkain. Naglakad siya ng halos isang oras para makarating sa paradahan ng tricycle na maghahatid sa kaniya sa bayan. Nang makabayad sa driver ay nagmamadali na siyang bumaba at pinuntahan ang kaniyang mga suking tindera. Pamilyar na siya sa mga ito dahil tuwing ikalawang linggo ay nagagawi siya roon. Naging abala siya sa pamimili. Lahat ng hanap niya ay nasa lugar na iyon. Ito ang pinakasentrong palengke sa isla ng San Vicencio. Walang kaalam-alam si Lara na