Tarantang hinalungkat ni Lara ang laman ng kaniyang kabinet. Inilabas na niya ang lahat ng damit na naroon ngunit hindi pa rin niya makita ang kaniyang hinahanap. Bumaba siya upang tunguhin ang likod bahay, tiningala niya ang sampayan ngunit wala pa rin ito roon. Napaigtad siya nang bigla na lang may kumalabit sa kaniyang balikat mula sa likuran. "Huh!" pumihit siya paharap upang mapag sino iyon. "Are you looking for this?" Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Draco na bitbit ang mga bra niya na kanina pa niya hinahanap. "Bakit nasa iyo 'yan?" naguguluhan na tanong niya. "Kanina pa ako hanap nang hanap na sa 'yo lang pala." Namaywang pa ito habang pinandidilatan ng mga mata ang binata. Ngumisi si Draco. "From now on you are not allowed to wear a bra. I will keep this with me," pil