Nang sumapit ang alas diyes ng umaga ay natapos na si Lara sa paglalaba. Dahil maaga pa naman ay napagpasiyahan niyang maglinis muna ng bahay. Maraming kalat lalo na sa gawing kusina, may mga hugasin na hindi pa nahuhugasan. Kahit kailan talaga ay hindi maasahan sa bahay si Draco. Nasanay itong may mga nakasunod sa bawat kilos nito at nagliligpit ng mga ikinakalat nito. Nalibang siya sa paglilinis at hindi niya namalayan ang oras. Winalis din niya ang mga tuyong dahon sa bakuran. Nang masiguro niyang maayos na ang lahat sa labas ay bumalik siya sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig. Ipinasya niyang umuwi na dahil mukhang wala pang balak bumangon sa kaniyang higaan si Draco. Palabas na siya ng kusina ay siya namang pagpasok ni Draco. Nakaligo na ito, preskong-presko at napakabango. N