Ilang araw na ring nasa Santa Isabel si Draco at hindi pa rin masanay-sanay si Lara sa presensya nito. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya kung ano ang nangyari rito at tila ba nawala ang alaala nito? Sa tatlong taong lumipas na hindi sila nagkita, natuloy kaya ang kasal nito kay Laureen? May anak na kaya ang mga ito? Tuwing gabi kapag hindi siya dalawin ng antok ay si Draco ang pumapasok sa kaniyang isipan at ang mga tanong na iyon ang lagi na lang niyang hinahanapan ng kasagutan. "Lara, nakahanda na ang pagkain ni Sir Draco. Pwede bang ikaw muna ang maghatid? Inaatake na naman itong rayuma ko sa kamay, hindi ko kayang magbitbit ng mabigat," daing ni Azon sa pamangkin. Tiningnan ni Lara ang kaniyang tiyahin. Kahit ayaw niyang magpakita kay Draco ay wala naman siyang magagaw