Ilang araw na rin simula ng bumalik si Draco sa kaniyang pamilya. Sa kabutihang palad maayos na ang kalagayan ng kaniyang ina. Nang makita nito si Draco ay bigla itong lumakas. Nagpapagaling na lang ngayon sa ospital ang ginang. Ilang araw na pilitan ang naganap sa pagitan ni Beatriz at ng kaniyang pamangkin na si Draco. Hinikayat nito ang binata na mag pagupit na ng buhok at mag ahit ng bigote at balbas. Ngayon ay nasa isang sikat na salon ang dalawa, pinasara iyon ni Beatriz para sa pamangkin. "Tita, do I have to do this? I'm more comfortable this way," reklamo ni Draco. Tumango si Beatriz. " Yes! You need a makeover so badly. Your brothers are throwing a party for you. You've been gone for so long, people in the circulation almost forgot you. You have to look presentable in front