LAST CHAPTER

1674 Words
“SO, paano po sir, I have to go na po, may trababaho pa po kasi ako bukas. Baka gabihin pa ako sa pag-uwe.” Paalam ko sa ama ni Mica. Alas tress na nang hapon iyon. Kung babyahe siya ngayon 5:00pm na ako makakauwe. Pero parang ayaw ko nang iwan dito si Mica, pero hindi naman puwede dahil na miss nilang mag-ama ang isa't isa kaya kailangan nila ng panahon para mapagsulo. “Thank you verry much hijo, sa pag-aalaga mo dito sa aking prinsesa. Ipaabot mo din kina Felicia at Micheal ang aking pasasalamat at sabihin mong matagal na akong walang galit sa kanila.” nakangiting saad nito, kaya napangiti rin akong tumango kaya tinapik nito ang balikat ko. “Oh, sige na anak. Ihatid mo na si Theon sa kanyang sasakyan at ako'y magpapahinga na alam mo na tumatanda na rin ako.” Paalam nito at niyakap ako nito at may binulong na nagpangiti sa akin. Nasa labas na kami ni Mica, parang ayaw ko muna sana umalis kaya lang may mga kailangan din akong gawin. “Salamat Theon sa lahat ng tulong mo, sana hindi mo ako kalimutan." Saad ni Mica. "Bakit naman kita kakalimutan, dadalaw ako dito tuwing weekend para manligaw sa iyo,” birong totoo ko dito na ikinapula ng pisngi nito. “Ano nga pala ang balak mo kay Joeven at sa kabit niya, hahayaan mo na lang ba sila na maging masaya at habang ikaw ay nahihirapan?” lakas loob kong tanong dito. “Wala na akong pakialam sa kanila, Si Nanay Thalia ang gusto kong tulungan. Pakiabot mo naman ito kay nanay Thalia sulat ito at may kalakip na pera. Hiningi ko ito kay Daddy ilihim mo itong ibigay sa kanya, para makapagpa-opera siya." Paki-usap niya sa akin. “Oo, naman napakabuti mo talaga, Mica. Kahit sinaktan ka na ni Joeven, inaalala mo pa din ang Nanay niya." ako. “Wala naman kinalaman si Nanay Thalia, sa kagagawan ng anak niya.” si Mica. “Ay Isa pa pala, Theon last na ito?” ito ulit. “Ano iyon?” ako. “Puwede mo ba ako tulungan na magpagawa ng devorse paper, para sa amin ni Joeven, Theon?” siya. “Why, sigurado ka na ba?” ako ulit. “Noong magduda ako sa panlalamig niya. Sinabi ko sa sarili ko. Humanda sila dahil matitikman nila ang galit ko, pero hindi ko kayang sirain ang buhay ni Nanay Thalia. Kung ipapakulong ko si Joeven. Saka ayaw ko nang magkaroon ng ugnayan at makilala ang babae niya at baka ano lang ang magawa ko doon.” sagot nito. “S-sige, kong iyan ang gusto mo. O, paano i have to go bibisita na lang ako dito. Kung okay lang sa'yo?” Ngumiti muna ito sa akin at saka sumangayon. “Yes, welcome ka dito. Pagnaka-pagdevorse na kami ni Joeven ay malaya mo na akong maliligawan, pero 'wag mo muna asahan na sasagutin agad kita, Theon. Dahil mag-tatapos muna ako sa koliheyo, bago ako mag boboyfriend ulit ayoko nang biguin ang a Daddy ko. Gusto ko balang araw ay may ipagmamalaki na ako sa kanya. Kaya sana makapaghintay ka?" paliwanag nito. Kahit ganoon ay nabuhayan ako ng loob, mas mabuti nga iyon. Para gumanda na ang buhay nito sa lahat ng naranasan niya ay deserve naman nitong maging masaya. Nagyakapan kami nito ng ilang sandali, bago ako tuluyang umuwi ng araw na iyon na masayang masaya. NAGPATULOY ang pag aaral ni Mica sa unibersidad sa Taguig din at tinupad ni Theon ang ipinangako nitong tuwing weekend ay manliligae ito sa kanya. Halos araw-araw ay may supresa ito sa kanya na lalong nagpatibay nang nararamdaman niya dito. Ilang beses na ring kasama nito sa panliligaw ang mga magulang nito at tuluyan na nang nagkapatawaran ang kani-kanilang mga magulang. Minsan dinadalaw sila ng magkapatid na Gerald at Geraldine na tuluyang naputol ang pagkakaibigan nila kay Joeven. Humingi rin ako ng tawad sa dalawa, at naunawaan naman nila ako. Dahil nagmahal lang naman daw ako ng sobra kaya lang sa maling tao na sinang-ayunan ko naman. Isang araw ay may nagpadala sa kanya ng isang mahalagang papeles na naaprobahan ng kurte ang devorse paper na isampa ni Mica sa asawa. Tuluyan na ngang nakalaya siya sa asawa na balita niyang hindi ito na kapagtapos ng pag-aaral. Habang natuklasan naman nitong hindi talaga buntis si Alira. Kalahating taon nang kanilang pagsasama ay namatay ito, dahil nakunan ito sa totoo na nilang anak ng minsang gumimik ito kasama ang mga kaibigan. Ang balita naman niya kay Nanay Thalia ay gumaling na ito. Na ikinatuwa ni Mica paminsan minsan ay tinatawagan niya ito para kumustahin. Abot-abot naman ang paghingi nito ng sorry dahil sa ginawa ng kanyang anak sinabi naman nitong wala itong kasalanan at napatawad na niya ang anak nito kahit hindi na lubusan. Makalipas ang isang taon. ANG balita tungkol kay Joeven ang nagpashock sa aming lahat na nahawahan daw ito ng HIV at naging positibo. Kumalat ito sa buong campus kaya pinatalsik ito sa eskuwelahan namin. Namatay si Alira dahil na kunan ito. At doon din nalaman na si Alira ang nakahawa sa kanya. Ipinagtapat iyon ng kaibigan ni Alira na si Nichole. Patuloy akong nakikipag-ugnayan kay Mica dahil pariho kaming nag-aaral sa parehong lugar at isang buwan na lang ay makakagraduate na kami. Siya bilang abogada at ako ay isang seaman o kapitan ng barko. Nalulungkot ako sa sinapit ni Joeven, pero wala na silang magagawa. Sadyang hindi natin alam ang mangyayari sa atin kung ano ang ibibigay sa atin ng Panginoon na magiging kapalaran natin. DAHIL mahaba naman ang pinagsamahan namin at dahil nakakaawa si Nanay Thalia na ilang taon ko ding tinuring na Nanay ay nag offer akong ipagamot si Joeven, hindi dahil may pagmamahal pa ako sa kanya kundi dahil lamang sa nanay nito na naging mabuti sa akin. Pinagtulungan namin nina Gerald at Theon na ambangan ang pagpapagamot nito para gumaling sa sakit na HIV. Tinanggap naman nito nang may pag-aalinlangan ngunit wala itong nagawa para tumutol lalo nang isinusumbat ko dito ang ginawa niya sa akin, para makabawi ito sa kasalanan niya sa akin ay tanggapin na nito ang pera sa pagpapagamot niya alang-alang na lamang sa nanay nito na mahal na mahal siya. Tinulungan ko siyang makakuha ng trabaho. Kasalukuyan itong nagtretreatment upang tuluyan na itong gumaling. Makalipas ang tatlong taon ay nakarecover ito sa kanyang sakit. At kasalukyang ka relasyon niya ang kaibigan ni Alira na si Nichole. Isang araw ay binisita ko ito. Sa pakiusap na rin nitong makausap daw ako at makahingi ito ng kapatawaran sa akin. Kasalukuyan naman na kami na ni Theon noon, nagpaalam ako dito para makipagkita sa dati kong asawa na hindi naman nito tinutulan. Dahil panahon na raw para magkaroon kami ng closure sa isa't isa. NANG makita ko si Joeven ay na ngayayat ito, hindi ko man dapat maramdaman ito. Pero naawa ako dito, tuluyan na ngang nawala ang pagmamahal ko sa kanya awa na lang ang nararamdaman ko dito. May pinag-samahan naman kami kahit papaano kaya masasabi kong napatawad ko na ito nang lubusan. Lumuhod itong humihingi ng tawad sa akin kaya ngumiti ako at pinatayo ito. "’Wag mo nang gawin iyan, matagal na kitang napatawad hindi ko lang sinabi sa iyo ng harapan dahil medyo may kaunti pa akong galit noon. Pero ngayon wala na, kaya pinapatawad na kita. Siguro ganyan talaga ang buhay akala ko ikaw na talaga ang nakatadhana sa akin, pero hindi pala. Ikaw lang ang binigay sa akin ng Panginoon na pagsubok upang makita ko ang halaga ko, at sa nangyari sa atin ay naging-aral ito na hindi ko kailangan mag madali na magkaroon ng pamilya dahil kusa itong darating, kapag kaya munang mahalin ang sarili mo." mahaba kung paliwanag dito. Sa huling pagkakataon ay niyakap namin ang isa't isa masaya kaming naghiwalay na wala nang galit sa puso ko. MAKALIPAS ang tatlong taon ay nagpakasal kami ni Theon. Masaya naman kaming nagsama, ngunit isang pangyayari ang nagpaguho sa buhay ko na aksidente ito habang papunta sa abroud para sa isang conference para sa kanyang company. Halos gumuho ang mundo ko hindi ako makakain o makatulog ang kaisa-isang taong nagmahal sa akin at nagparamdam sa akin na kung gaano ako kahalaga ay binawi sa akin agad ng Maykapal, sadya talagang MAPAGLARO ANG PAG-IBIG. Dalawang beses akong nabigo sa pag-ibig. Pero sabi nga nila ay habang may buhay ay may pag-asa, at habang madami ang nagmamahal sa iyo. 'Wag mawalan ng pag-asa, bumangon ulit ako at nagpatuloy sa buhay nandyan naman sina mama at papa mga magulang ni Theon at si Daddy na laging nakaagapay sa akin. Ang mga kaibigan kong sina Geraldine at Gerald na lalong hindi ako iniwan sa gitna nang pagluluksa ko at si Joeven na may masaya ng pamilya sa piling ni Nichole na naging mabuti ko na ring mga kaibigan at sa aking pinakamamahal na anak na si Ethan Theon. Ang tanging-alala na iniwan sa akin ng aking pinakamamahal na asawa na si Theon, at sa mga kleyente kong natutulungan ko na biktima nang mapang-abusong mga asawa nila. Sila rin ang nagiging lakas ko upang ipagpatuloy ang aking buhay. Sa ngayon ay mag-aapat na taon na ang aking anak, at hindi ninyo mapapaniwalaan na si Gerald talaga ang nakatadhana sa akin matigayaga ako nitong niligawan hanggang sa sinagot ko ito. Matagal na itong may pagtingin sa akin. Dahil sa kabaitan nito at sa pagiging matiyaga at dahil alam kong mabuting tao ito ay sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan. Maiintindihan naman siguro ako ni Theon kong sa ika'tlong pagkakataon ay muli akong iibig. Ikinasal kami sa araw ng kapanganakan ng aking anak wala naman naging problema sa lahat ng mga mahal ko sa buhay na muli akong ikasal at magmahal. Ang importanti ay masaya raw ako at ang aking anak sa pinili naming mamahalin. Masaya na ako ngayon sa piling ni Gerald at ng aking anak at sa magiging anak namin ni Gerald. Ako si Mica Isabella De Ocampo at ito ang aking kuwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD