SPECIAL CHAPTER

2447 Words
MATAGAL na akong may pagtatangi kay Mica mga highschool pa lang kami ay mahal ko na siya. Ngunit dahil sa katurpihan ko ay naunahan ako ni Joeven na kaibigan ko. Actually hindi naman namin kaklase noon ni Joeven si Mica, kundi ang kapatid kong si Geraldine talaga ang kanyang kaklase at tunay na kaibigan nito. Mag bestfriend pa nga sila nito. Dahil dati sa taguig din nakatira sina Joeven at si nanay Thalia. Lumipat lang sila sa Metro Manila nang magpakasal sina Mica at Joeven noong mga college na kami. Noon pa man ay mahal ko na siya, kaya lang nang makilala niya si Joeven ay alam kong may lihim na itong pagtatangi sa kaibigan ko. Nasaksihan ko noon na mahal nila ang isa't isa at nasaksihan ko rin kung paano nila ipinaglaban ang pagmamahalan nila ni Joeven sa daddy ni Mica. Nagtanan pa nga ang dalawa at ako ang tumulong sa dalawa na matuloy ang pagtatanan nila. Kahit labag sa loob ko ang pagtulong ay nangibabaw pa rin sa akin ang pagmamahal ko kay Mica. Ang tanga ko hindi ba? Ganyan ako katorpe at kamarter. Akala ko talaga ay hindi niya ito sasaktan pero dumating sa punto ng isang taon nang bumalik si Joeven sa pag-aaral at nalaman kong nag sasakripisyo si Mica para lang makapagtapos si Joeven. Kaya ako ang nagsumbong kung saan sila nakatira noon. Kaya lang hindi pa rin nabawi ni Gob. De Ocampo ang anak, dahil lihim pa lang nagpakasal ang dalawa. Akala ko ay may pag-asa pa akong mabago ang kapalaran ni Mica sa buhay ni Joeven. Ngunit nabigo ako, nagpatuloy sa pag-aaral si Joeven habang si Mica ang lahat na umako sa responsibilidad na dapat kay Joeven magsalimula. Kaya wala ako nagawa kundi ang supportahan na lang ang kagustohan ng aking mga kaibigan. Lumipas ang taon na naging loyal naman si Joeven kahit magkalayo sila sa isa't isa, at panatag naman akong hindi gagawa ng anumang ikakasira ng relasyon nila ni Mica si Joeven. Dahil nandito naman ako sa tabi ni Joeven, upang siguraduhin na hindi magluluko ang kaibigan ko. Ngunit bigo na naman ako, tuluyan pa ring ginupo ng tukso si Joeven. Na dumating sa punto na ikinasira ng pagkakaibigan namin ni Joeven sa pamamagitan ng balaan ko ito, ngunit wala akong nagawa. Naaawa ako that time kay Mica, ngunit wala akong lakas upang pangunahan na sabihin ang pagluluko ng kanyang asawa, kaya lihim kong kinausap ang aking kapatid na si Geraldine na kumustahin ang kalagayan ni Mica. Doon ko na laman na wala pa ring trabaho ito kaya gumawa ako ng aksyon para magkaroon ito ng trabaho. Tamang tama naman na naghahanap ng secretary si Theon, kunyari ipinadaan ko sa asawa ng pinsan ni Joeven ang isang aplication form sa company ni Theon. Para makapasok si Mica. Alam ko namang makakapasok siya dahil matalino naman si Mica. Kaya napanatag akong nasa mabuti siyang kalagayan. Nang mabalitaan kong na hospital si Nanay Thalia ay hinintay kong tawagan ako ni Mica. Dahil alam kong magiging busy si Joeven sa babae nito pagkakataon ko nang sabihin ang kalukuhan ng kanyang asawa ngunit ng marinig ko sa boses nito na pinoproblema nito ng husto ang nanay ni Joeven ay nag bago ang isip ko. Total naman ay mag sisimbreak na naman na kami sa susunod na linggo araw ng uwian namin sa aming kanya kanyang pamilya. Doon ko na lang kakausapin ulit si Joeven para wag na nitong ituloy ang pakikipagrelasyon nito sa anak ng propesor namin na si Alira. Tuluyan na ngang nakauwi na kami sa Manila at nabalitaan kong umuwi din si Joeven para kay nanay Thalia. Isang araw ay dinalaw ko si Joeven upang kausapin na nga ito. Nakasalubong ko si Mica at kinausap ko ulit ito tungkol sa pakikipag ayos nito sa ama at iniwanan ko din siya nang makahulugang salita. Para mabalaan ito sa pinaggagawa ng asawa nito sa kanya. Dumating nga ang kinatatakutan ko. Umiiyak si Mica na nagsusumbong kay Geraldine na pinalayas daw siya ni Joeven. Galit na galit ako noon, dahil sa ginawa ni Joeven kaya itinuloy ko ang pakikipag-usap ko dito, pinapunta ko ito sa bahay para makuntrol ko ang anumang emosyon na nakapaloob sa puso ko. Nakiusap ako dito na tigilan na nito ang kahibangan sa babae niya at mahalin na lang nito ng lubusan si Mica. Ngunit nagalit lang ito sa akin dahil na ngingi-alam daw ako sa kanya, sinabi rin nitong iiwanan na nito si Mica para kay Alira, sa galit ko ay nasuntok ko ito. Kaya umabot sa puntong nagbugbugan na kami iyon naman ang naabutan ni Mica galing sa trabaho nito. Galit na galit ito na inawat ako dahil susuntukin ko ulit ito at masama ang tingin nito sa akin kahit nasampal ito ni Joeven sa pag-aawat nito sa amin. Nagulat ako nang bigla itong masampal ni Joeven, at mas lalo akong nagulat ng galit na galit si Theon kay Joeven at pinagsusuntok nito ang huli na ikinagalit pa ni Mica. Mahal na mahal talaga nito si Joeven, at sinigawan si Theon na 'wag maki-alam at umalis na lang. Pero bago ito umalis ay nagbanta pa ito na humanda raw si Joeven kapag sinaktan daw ulit nito si Mica. Nanlumo ako sa nasaksihan ko alam kong lalong wala na talaga akong pag-asa na maging kami ni Mica, dahil may Theon na ring nagmamalasakit dito at alam kong nagmamahal na rin dito. Pero ang mas masakit ay mas kinampihan pa nito si Joeven kaysa makinig sa mga paliwanag ko, kung alam lang niya na niluluko lang siya ni Joeven. Siguro mas kakampihan nito ako kaysa sa asawa nito. Pero hindi naduwag ulit akong ipaglaban si Mica kay Joeven dahil sa huli si Joeven pa rin ang mahal nito. Wala pa ring akong karapatan na pangunahan ang kapalaran nito. LUMIPAS ang mga araw na naging bulag si Mica sa pagmamahal nito kay Joeven, ngunit isang araw ay napadaan ako sa bahay ni Joeven at nakita kong nandoon si Alira na nakausap si Nanay Thalia. Nahimatay ito kaya nagtago ako sa bakod nila upang silipin kung ano ang gagawin ni Alira. Sapilitan nitong ipinasok si Nanay Thalia, nang makapasok ay dahan-dahan akong pumasok rin upang sumilip sa bintana. Kung ano talaga ang kailangan nito at kung bakit nahimatay si Nanay Thalia ng makita nito si Alira. Kita kung pinapay payan nito ang matanda, pero saglit itong tumigil at lumapit sa TV nila Joeven at may kinuha na cellphone. Kinalikot nito ng kaunti at unti-unti itong nagtataype, salamat na lang at binibigkas nito ang tinatype sa cellphone kaya narinig ko lahat ng sinabi nito. Dali-dali akong umuwi at nagbihis upang puntahan si Mica at sabihin na dito ang katutuhanan. Kaya lang nang dumating ako roon ay nakauwi na si Mica, ngunit alam kong hindi pa ito tutuloy sa bahay nina Joeeven dahil sa mga oras na ito ay nabasa na nito ang text ni Alira na nag panggap na si Joeven. Mabilis ko itong tinawagan at tinanong kung nasaan ito sinagot naman nito ang phone narinig ko ang boses nito at halatang umiiyak ito. Sinabi kong wag patayin ang cellphone upang sa pamamagitan GPS ay mahanap ko, maya-maya lang ay nakita ko itong umiiyak habang nakatayo sa gilid ng kalsada agad akong bumaba ng kotse ko at niyakap ko ito ng mahigpit. Matapos nitong mahimasmasan ay niyaya ko siyang umuwi na, ngunit tumangi ito kaya isinama ko na lang ito sa Condo ko tutal wala namang nakatira doon nagagamit ko lang iyon kapag tinatamad akong umuwi sa bahay mas gusto kasi ng mama na doon ako tumira. Isang linggo ring nakitira ito doon sa mga panahon na iyon ay ipinaramdam ko dito ang pagmamahal na hindi kailanman na naibigay ni Joeven. Halos araw-araw ko itong binibista pero kailanman hindi ko nagawan ng masama ito, dahil nirerespito ko ito bilang isang babae na lalo ko pang minamahal sa pagtagal ng panahon. Ngunit sadya talagang hindi ko kapalaran na mapa-ibig ito, dahil isang araw nakausap nito si Theon at napapayag na lumipat si Mica sa bahay ng mga magulang nito. Kaya kahit labag sa puso ko ay pinayagan ko siyang sumama dito. Sa ikatlong pagkakataon nawalan na naman akong karapatang iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Hanggang sa mabalitaan ko na napapayag ni Theon na umuwe ito sa kanyang Daddy. Kaya napanatag ang puso ko na nasa mabuti nang kalagayan ito. Kaya kahit hindi man ako ang ipinalit nito sa puwesto ni Joeven sa puso ni Mica, ay masaya akong nasa tamang lalaki siya para maging maligaya na nang lubusan. Naging magkakaibigan kami sa mga panahon na nangliligaw pa lang si Theon kay Mica. Lumipas ang ilang buwan ay nag-aaral na ulit si Mica at patuloy pa ring nanliligaw si Theon dito. Wala na akong magagawa dahil iyon ang pinili ni Mica ang maging kapalaran niya si Theon. Nagkamabutihan na rin ang mga magulang nila na dating mayroon hindi pagkakaunawaan. Nagpatuloy ang buhay ko na walang babaeng naging bahagi nito dahil hanggang ngayon ay si Mica pa rin ang itinitibok ng puso ko. Nabalitaan ko naman kay Nichole ang sinapit ni Joeven kaya. kahit hindi na kami magkaibigan ay patuloy pa rin ako dito nakikibalita. Ang balita ko dito ay nahawahan daw ito ng HIV kaya pala bigla na lang nawala ito sa aming eskuwelahan. Namatay naman daw si Alira dahil nakunan ito sa unang anak nila ni Joeven dahil iyong una pala ay hindi totoong buntis ito. Sinadya nitong linlangin si Joeven upang agad hiwalayan si Mica. Mabuti nga at walang ginawang anumang laban si Mica sa asawa at kabit nito. Mabuti na lang at sobrang bait nito ang kapalit lang ay nakipagdivorce na lang si Mica at hindi na muling magpapakita si Joeven dito. Mas mainam na rin iyon dahil hindi na muling magugulo ni Joeven si Mica. Pagkalipas nang tatlong taon ay nakagraduate na ito bilang isang Attorney at ako naman ay isang seaman ng barko bilang isang kapitan. Sadya talagang marunong maningil ang nasa itaas, kapag malaki ang naging kasalanan mo sa kapwa mo at iyon ang naging kabayaran niya kay Joeven sa pangtataksil nito sa aking pinakamamahal na si Mica. Nabalitaan naman ni Mica ang nangyari kaya humingi ito ng tulong para mapaoperahan si Nanay Thalia at mapagamot si Joeven, akala ko noong una ay dahil mahal pa nito si Joeven ngunit hindi daw iyon ang dahilan para raw iyon kay Nanay Thalia, dahil wala naman daw naging kasalanan si Nanay Thalia sa kanya. Tinanggap naman nito ang pinag ambagan naming pera para sa pampagamot nito. Ayaw pa sanang tanggapin nito, pero dahil isinusumbat ni Mica ang kasalanan nito at dahil siguro sa hiya. At nag iisa na lamang sa buhay si Nanay Thalia kong mawawala pa ito ay napilitan na lamang nitong tanggapin ang tulong namin sa kanya. Doon ako mas lalong humanga kaya Mica, kung iba lang ay mawawalan na ng consern sa dating asawa dahil sa mga nagawa nito, ngunit iba si Mica hindi ito marunong tumalikod sa taong nagbigay din sa kanya ng halaga at iyon ay si Nanay Thalia. Makalipas ang ilang buwan ay nagpakasal sina Theon at ako ang best man, nasasaktan man ako ay bukal sa loob kong tinanggap ang kapalaran ko. Sinikap kong 'wag maiyak ngunit talagang ang sikip sa dibdib na makita ang taong pinakamamahal mo ay ikakasal na sa iba at masayang masaya pa. Hangang sa lumipas ang isang taon ng pagsasama ng mag-asawang Mica at Joeven ay nabalitaan kong nagkaanak na sila at ako ang kinukuhang ninong nito. Na sinang-ayunan ko naman kaagad. Nang mga panahong iyon ay kung saan-saan ako nakakarating dahil sa barko ang trabaho ko pero ni minsan ay hindi nawala sa isipan ko ang babaeng patuloy kong minamahal si Mica. Hanggang isang araw, “Oh, pare, nabalitaan mo na ba? Namatay daw sa aksidente ang isang bussines man tycoon sa ating bansa ang may pinakamalaking companya ng mga tabloids at news paper Industry." balita sa akin ng isa kung ka co-captain. Dahil sa na balitaan ko, ay nagmadali akong makauwi sa Pilipinas upang damayan si Mica, hindi ako nawala sa kanyang tabi. Kahit patuloy ako nitong itinataboy. Ipinaramdam ko dito ang pagmamalasakit ko pati ang pagmamahal ko sa mahabang panahon ko sa kanya. Hanggang sa makarecover ito at nagpatuloy sa buhay. “'Yan, ganyan nga iyan ang Ysa, na matagal ko ng kilala palaban at marunong bumangon. Kaya nga mahal na mahal kita, b-bilang isang kaibigan.” isang araw ng bisitahin ko ito sa kanyang opisina. “Dahil iyon sa tulong ninyong lahat pati na ikaw, na halos ikaw lang ata ang araw-araw na pumupukpok sa akin sa ulo ko ng mga salitang tumatagos sa puso ko, na magpatuloy ako sa buhay.” nakangiting saad nito sa akin. Isang taon ang hinintay ko para makapangbabang luksa ito sa asawa niya nang ligawan ko si Mica at ipagtapat lahat ng nararamdaman ko simula pa noong mga bata pa kami, akala ko ay magugulat siya sa mga ipinagtapat ko o magagalit. Pero sa pagkamangha ko ay ngumiti lamang ito. Matagal na raw nitong alam iyon, nang mga panahon na nakatira ito sa condo ko doon niya nalaman na may gusto ako sa kanya. Hindi naman daw siya manhid para hindi niya raw iyon maramdaman. Pero pinigilan din daw niya ang kanyang sarili na mahulog sa akin dahil nga magkaibigan na kami simulat sapol na magkakilala kami dahil kay Geraldine. Ayaw niya lang daw ipagkasapalaran ang pagkakaibigan namin. Sa mga panahon na iyon ay mas malakas ang pagmamahal niya kay Theon. Dahil mas nakita niya ang effort nito para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Pinalipas muna namin ang isang taon ng kamatayan ni Theon. Bago nagdeside si Mica na sagutin ako. Sobrang saya ang naramdaman ko noon dahil ang matagal ko ng pinapangarap na pinakamamahal na babae ay kasintahan ko na. Wala na akong paki-alam sa mga nakaraan niya dahil wagas talaga ang tunay kong nararamdaman para dito. Matagal ko nang pinapangarap ito. Makalipas ang tatlong taon sa araw ng isinilang noong si Ethan Theon na anak nila ni Theon at Mica ay ang araw din nang pag-iisang dibdib namin ni Ysa/Mica. Walang tumututol sa aming pagmamahalan masaya pa nga ang lahat ng taong nagmamahal kay Ysa/Mica. Dahil sa wakas ay natagpuan na namin ang isa't isa. Sino nga naman talaga ang makakapagsabing lahat na nagmamahal na marunong magbigay at magsakrepisyo ay mararanasan na mabigyang pansin ng taong matagal mo nang inaasam! Wala dahil hindi natin hawak ang tadhana natin, hindi ako, hindi siya at lalong hindi kayo. Kung hindi ang nasa taas lamang ang Paningoon. Ako si Gerald Santiago ang tunay na nagmamahal kay Mica at ito ang aming kuwento. WAKAS

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD