CHAPTER SEVENTEEN

1040 Words
PAPUNTA na kami sa Tauig para i-uwi na nila ako sa aking Daddy. Kabado ako sa mga oras na iyon, dahil hindi ko alam kong matatanggap pa rin ba ako ni Daddy. Matapos kong ipagpalit ito sa lalaking hindi na naman pala deserving na mahalin. Naramdaman ko ang paghawak ni Theon sa kamay ko at pagpisil niyon, kaya medyo na bawasan ang kaba ko. Tumingin ako dito at saka ngumiti. Napaka suwerte ko dahil may Theon na dumating sa buhay ko. Bago kami umalis patungo sa amin ay mayroon itong ipinagtapat. Tungkol sa tunay na dahilan ni Joeven kung bakit na nag-iba ang pakitungo niya sa akin. Pagkatapos naming mag-almusal ay dinala ako nito sa library nila. Inilapag nito sa mesa ang isang envelope na kulay brown. Nagtaka ko itong kinuha at tiningnan, mga larawan ito ng dalawang tao. Naghahalikan sa unang larawan ang dalawang iyon, pangalawa kong tiningnan ay magkayakap sa isang Restuarant at ang panghuli ay masayang namamasyal habang magkahawak kamay ang walang iba, kundi ang asawa niya at ang isang babae. “Tama nga ang kutob ko may iba na nga itong kinakasama doon sa Cebu isang buwan na ang nakakalipas.” sa isip ko, naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit at panginginig. Nanlulumo akong ibinaba ang mga iyon at umiiyak na nagtatanong na tumingin kay Theon. “Mahigit isang buwan ka nang niluluko ng asawa mo Mica. Pina-imbestigahan ko siya sa isa kong kilalang Detective kaya tunay ang mga yan,” malungkot na sagot nito sa akin. “Alam ba ito ni G-gerald?” tanong ko ulit dito. Tumango naman ito. “Yes, pinagsabihan niya ito pero hindi nakinig sa kanya. Pinagpatuloy pa rin nito ang pakikipagrelasyon sa babaeng nangangalang Alira Aguilar, anak ng isang propesor ni Joeven sa pinapasukan nitong School. Nang araw na magkausap sila ni Joeven ay imbis na makinig ay nagalit pa ito at alam na daw nito ang gagawin sa iyo ni Joeven. Hihiwalayan ka na daw niya at si Alira ang pinipili nito.” sagot pa ni Theon sa akin. Nagagalit ako sa asawa ko sa mga oras na iyon, gusto kong magwala. Pero hindi ko magawa ni hindi nga ako nakakaramdam na maiiyak ako bigla na lang namanhid ang buong katawan ko. “At ng araw na nagtext sa iyo ang asawa mo ay hindi siya iyon. Kundi si Alira at nagpanggap siya na asawa mo, para magalit ka sa asawa mo ng tuluyan. Sa ngayon ay buntis na ito at si Joeven ang ama. Kaya sana pag-isipan mo ng maigi kung ipagpapatuloy mo pa rin ang pagiging asawa niya o ipapaubaya mo na lang siya sa Alirang iyon. Kung ano ang magiging desisyon mo ay tandaan mo na nandito lang ako para sa iyo. Sinasabi ko ito sa iyo hindi dahil gusto kung mapaaga na magkahiwalay kayo ng asawa mo. Sinasabi ko ito sa iyo para naman matauhan ka at maawa ka sa sarili mo kung patuloy kang magpapakatanga sa asawa mo.” malungkot na saad nito sa akin habang niyakap ako. Napayakap na lamang ako dito at lumuha ng tahimik. Nakarating na kami sa Hacienda namin sa taguig. Lahat nang katulong ay masaya kaming sinalubong hinanap ko doon si Daddy, ngunit nabigo akong makita siya. Malungkot akong ngumiti sa matatagal na naming katulong. Masaya nila akong inisa-isang niyakap at kinumusta. Huling yumakap sa akin ay si Aling Meldred na mababakas ang pagkasabik sa akin. “Oh, Diyos ko, Iha. Sa wakas bumalik ka na dito tiyak na matutuwa ang papa mo." masayang turan nito na ikinatuwa ko. “Abay, kaguwapo naman ng lalaking kasama mo, asan ba asawa mo. Ikaw lang ba ang dumalaw?" tanong nito. Malungkot akong nagsalita. “Uuwe na po ako dito at hindi na ako aalis kailanman at wala na po kami ng husband ko.” kaswal kong saad, dahil iyon na man talaga ang nararadaman ko. Bigla na lamang nawala ang nararamdaman ko dito simula ng magtapat sa akin si Theon. “Ay, talaga salamat naman kung ganoon at natauhan ka na." dugtong nito kaya ngumiti ako dito. “Manang Meldred si Daddy?" kinakabahan kong tanong dito. Masaya itong pinatabi ang mga katulong na nakapalibot sa akin. Sabay-sabay silang nagsigilid at unti-unti kong nakita ang aking ama na nakangiti at naluluha, niyakap niya ako ng mahigpit. “God, Anak, salamat sa Diyos at bumalik ka na sa akin, miss na miss na kita." saad nito na umiiyak na. “D-Dad, Daddy, sorry po dahil hindi ako nakinig sa mga sinabi mo, promise hindi ko na babaliwalain ang mga sasabihin mo sa akin. Mahal na mahal kita Daddy at miss na miss na rin kita.” umiiyak kong sagot dito. “No, is not your fault Anak, ako dapat humingi ng tawad sa iyo ng umalis ka saka ko lang narealize ang pagkakamali ko. Pero nangyari na ang nangyari ang gawin na lang natin ay sulitin ang matagal nating hindi pagkikita. Sa nangyari sa inyong dalawa ng asawa mo, siguradong may dahilan iyon. Tara na sa loob at ipakilala mo ako sa kasama mo, gusto ko siya para sa iyo." mahinang turan nito sa huling sinabi na ikinapula nang aking mga pisngi. “Thank you, Dad.” saad ko dito at niyakap ko siya ng mahigpit. Nakangiti lang na nagmamasid si Theon sa amin. Ipinakilala ko si Theon kay Daddy at nagkakuwentuhan sila tungkol sa mga magulang ni Theon. Akala ko magagalit si Daddy, ngunit natuwa pa ito ng malamang anak ito ng dati nitong kasintahan. Matagal na raw na nakarecover ang Daddy sa una niyang pag-ibig at si Mommy na raw talaga ang mahal na nito noon pa man, na maghiwalay na ang mommy ni Theon at si Tita. Kaya ng mamatay ang mommy ay hindi na ito nag-asawang muli at ako na lang ang pinagtuunan niya ng pansin kaya naging masungit ito noon at nalulong sa trabaho, para hindi ito mangungulila sa aking Mommy. At iyong mga ginawa niya sa amin ni Joeven ay walang koneksyon sa nakaraan nito. Kundi mabigat na talaga ang dugo nito kay Joeven. At tama ito noon na hindi magiging maganda ang buhay ko dito at napatunayan ko na iyon ngayon. Sadya talagang walang makakaalam sa magiging kapalaran natin. Kundi ang nasa itaas lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD