CHAPTER SIXTEEN

1102 Words
A/N Ang eksina pong ito ay noong mabasa ni Mica ang text mula kay joeven, pero ang nagpadala talaga nang minsahe na iyon ay si Alira. Ito na pong chapter ang kasagutan kung ano ang natanggap na minsahe ni Mica kay Joeven. Enjoy reading MAPAGLARONG PAG-IBIG CHAPTER SIXTEEN ALIRA'S SIDE POV “NAKAUPO ako sa sopa at inilagay ang aking mga kamay sa aking pisngi. Nakapalumbaba ako at iniisip ko kung paano ko makukuha si Joeven ng maaga sa kanyang asawa. Magtatatlong linggo ng hindi pa bumabalik ito, dito sa Cebu. Matapos ang pangako ng pag-ibig niya, ngayon ay kakalimutan lang niya ako ni tawag at text wala, hindi ako papayag.” nagagalaiti kong pag-i-isip. “Alam ko na ang dapat kong gawin, kailangan ko itong gawin para mapasa-akin na si Joeven mahal na mahal ko lang talaga siya.” Mahal kong Joeven walang makakapaghiwalay sa atin, akin ka lang. Tumakbo ako sa aking silid. Pumili ako ng kaunting damit at isinilid sa maleta hindi na ako mapalagay na nandoon siya kasama ang asawa niya. Baka magbago ang isip nito mahirap na. Tumawag ako ng taxi upang lumuwas ng Maynila total naman malayo pa ang isang exam dalawang linggo pa tamang-tama para mapasa akin si Joeven, kahit sa anong paraan makuha ko lamang siya. Hinanap ko ang address na nakuha ko sa files na nasa school dati, madali ko naman itong natunton. Isa't kalahating oras lang ang itinagal ng aking beyahi dahil nag eroplano naman ako. Ibinababa ako ng taxi sa hindi kalakihang bahay pero sapat na ang ayos na iyon para pag-tiyagaan. Kumatok ako sa pintuan, binuksan naman ito ng may katandaan nang babae ito na ata ang Nanay ni Joeven, asan kaya ang mahal ko? Binuksan ng nanay ni Joeven ang pintuan at tinanong ako kung sino ako at kung ano daw ang ginagawa ko sa kanilang bahay. “Hi, my name is Alira, Mama, girlfriend ng anak n'yo at magiging ina ng future apo mo.” I said and posted a mischievous smile on my lips. Nagulat naman ito sa sinabi ko, kaya nawalan ito ng malay. Nang mahimatay ang nanay ni Joeven ay pinilit ko itong i-angat. Kaya kahit mabigat ay sapilitan ko itong ipinasok at baka kung ano pa isipin ng makakakita sa nangyari. Nakangiti siya habang pinapaypayan ang nanay ni Joeven. Inilibot niya ang mga mata sa kabuan ng bahay ng kanyang kasintahan may nahagip siyang selpon sa ibabaw ng TV na nakacharge pa. Saglit niyang iniwan ang matanda at nilapitan iyon. Ito iyong cellpone ni Joeven, nakilala agad niya iyon. Dahil malimit siyang maglitrato dito. Lumabas sa screen ng selpon ni Joeven ng buksan niya iyon ang isang magandang babae, ito na ata ang asawa ni Joeven. “Mas maganda pa rin ako dito. Hmmn.” sa isip ko. May pumasok sa isipan niyang kapelyahan, tenext ko si Mica. Nagpanggap akong asawa nito at tenext na tiyak na ikakagalit nito. Nakangisi akong etenype ang mga katagang iyon. “Mica, naniwala ka naman sa mga sumpaan natin na mahal na mahal kita at hindi kita kayang iwanan. Puwes binabawi ko na ang lahat ng iyon. Hindi na talaga kita mahal, nawala ang pagmamahal ko sa iyo ng makilala ko ang babaeng tunay na nagpapatibok sa puso ko. Uto-uto at tatanga tanga ka kasi dahil pinakasalan mo ako. Hihiwalayan na kita at bumalik ka na sa tatay mong matapobre, dahil may mahal na akong iba.” messages send to mica my wife. Nakangisi kong ibinaba at ibinalik sa pagkakacharge ang selpon tulad sa dati. Siguro naman sa mga tenext ko at sa sinabi ko ay hihiwalayan mo na si Joeven, dahil akin lang siya, AKIN. Bumalik siya sa pagkaka-upo ng may marinig siyang sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay ni Joeven. Naghintay siyang buksan agad ang pintuan ng kung sino man iyon at ipinagpatuloy nito ang pagpaypay kay Aling Thalia. Natuwa si Alira dahil dumating na si Joeven. Niyakap ni Alira si Joeven ng umuwi ito galing groserihan para ipagluto ang asawa nito. Para pag-uwi nito mamaya galing opisina. Naguguilty kasi ito sa ginawa kay Mica, pero buo na rin ang loob niyang makipaghiwalay ng maayos kay Mica. Nakapagdesisyon na siya na hihiwalayan na niya ito at ang pinipili na nito ay si Alira. Pero na gulat siya nang mabungaran si Alirang na nasa loob ng bahay nila at pinapaypayan ang kanyang ina na nakahiga sa sala nila. Sinuklian naman agad niya ng yakap ito kahit nalilito siya. “Bakit ka nandito?” tanong nito kay Alira. “Gusto ko lang sabihin sa iyo na magsama na tayo dahil buntis ako.” na ikinagulat ni Joeven. “Ah? Buntis ka?” si Joeven, masaya naman tumango ito. “Yes.” sagot naman nito; Kaya nahimatay nanay mo dahil sinabi ko na sa kanya, peace and sorry.” dugtong pa nito. Napangiti naman si Joeven sa narinig kaya lalong lumakas ang loob niyang hiwalayan na si Mica. NAGISING naman ang nanay niya at naiiyak na palipat-lipat nang tingin sa kanyang anak at sa babae nito. “Anong ibig sabihin nito, Nak. Totoo bang nakabuntis ka at sa babaeng ito. Anong nagawa mo? Paano na si Mica?” anito na iyak ng iyak. “Don't worry my dearest soon to be my mommy. Nasabi ko na sa text gamit ang selpon ng anak n'yo.” si Alira sabay turo nito sa selpon na nakacharge at yumakap kay Joeven. Sabay namang napalingon ang mag-ina sa selpon. Nagulat si Joeven at napaupo naman habang umiiyak ang nanay nito. “Anong ginawa mo? Bakit sinira mo ang tiwala sa iyo, ni Mica? Anak minahal ka niya nang walang kapalit at siya pa ang nagsasakrepisyo sa inyong dalawa.” sigaw ng nanay nito dahil sa awa sa manugang. “Wala na tayong magagawa Nanay, nandito na ito at nakapagdesisyon na ako. Si Alira na ang mahal ko at magkaka-anak na kami at magkakaapo na rin kayo. Mabait naman si Mica makakaunawa siya sa sitwasyong ito. 'Wag n'yo ng ipagpilitan, malaki na ako at alam ko na ang ginagawa ko.” sagot naman ng ni Joeven sa ina nito. Nanlulumong napatayo si Nanay Thalia at tumingin sa anak, nagbago na nga ang kanyang pinakamamahal na anak. Umiling iling na lamang itong sumagot muli sa anak. “Sana hindi mo pag-sisihan ang mga nagawa mo Anak, sana tama na siya ang pinili mo. Pero sana kung may konsensya ka pa o paggalang na natitira kay Mica. Hiwalayan mo siya ng maayos.” payo nito bago ito tumungo sa kuwarto nito. Naiwan namang ngingisi-ngising nakayakap kay Joeven si Alira na tuwang tuwa sa mga nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD