CHAPTER FIFTEEN

1072 Words
ANG mga sinag ng araw na sumisiwang sa mga bintana ng sa silid na iyon ang gumising sa akin. Napaungol ako at umupo mula sa aking pagkakahiga, habang nagpapakondisyon ng aking sarili. Binuksan ko ang aking mga mata at ngumiti ng maalala ko ang napag-usapan namin kagabi ni Theon. Flashback Nilalasap ko ang sariwang hangin sa harden ni tita Felicia ang gaganda at ang sarap sa matang tingnan ang mga ito. Sana sa pag-uwi ko kay Dad ay tanggapin niya ulit ako. Sa totoo lang talagang namimiss ko rin siya kahit na noon minsan niya lang ako kibuin at kausapin, hindi man niya masabi sa akin na mahal na mahal niya ako pero sa puso ko alam niya ito. Sabay hawak ko sa tapat ng dibdib ko. Napalingon ako ng may humawak sa balikat ko. Nalingunan ko si Theon kaya nginitian ko ito. “Pinuntahan kita sa kuwarto mo, para sana kumustahin kong komportable ka pero wala ka doon akala ko umalis ka. Pero tiningnan ko nandoon pa naman mga gamit mo, kaya naisipan kong nagpapahangin ka lang at hindi naman ako nabigo,” saad nito sa akin at naupo rin sa tabi ko may mesa kasi doon at mga upuan na puwedeng pahingahan habang pinagmamasdan mo ang mga halaman at bituin sa kalangitan. “Bakit ko naman gagawin iyon. Ngayon pang mas safe ako rito dahil nandito ka sa tabi ko. Nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Bakit ko gugustuhing umalis dito.” malumanay at nakangiti kong saad dito. Napalingon naman ito sa akin nagulat na gulat. “P-papaano mo nalaman na mahal kita?” tanong nito na nauutal at kinakabahan. “Hindi ko sinasadyang marinig ang mga sinabi mo kanina sa mga magulang mo.” hindi makatingin kong saad dito. “Sana h-hindi ka malito sa mga narinig mo. Kung gusto mong bawiin ko mga sinabi ko, hindi ko magagawa ang mga iyon. Dahil totoong mahal na kita, Mica.” sa pagkakataon na iyon at tiningnan ako nito sa aking mga mata. “Marahil hindi tayo puwede sa ngayon, pero balang araw ay hindi nalalayong maging akin ka. Ngunit kong hindi dumating ang araw na iyon ay mamahalin pa rin kita nang walang hanggan. Kahit na ang ating mga magulang ay hindi man magkasundo. Gagawa at gagawa ako ng paraan para magkaayos sila.” dugtong pa nito. Hinawakan niya ang nakalagay kong kamay sa aking mga lap at dinala sa kanyang dibdib. Kaya nararamdaman ko ang pagtibok nito. “Mica, kung mangyaring mahanap mo sa iyong puso na may puwang na ako diyan. Sana 'wag kang matakot na sumugal dahil, sinisigurado ko sa iyong hindi ka magkakamali pag ako ang minahal mo.” “Ang lahat nang paghihirap diyan sa puso mo ay papalitan ko ng pagmamahal ng higit pa sa pagmamahal na naramdaman mo sa asawa mo.” sabi niya at tumingin sa aking mukha. “Ngumiti ako, lahat ng mga sinabi niya ay ramdam kong totoo at may halong pagmamahal dahil tumagos ito sa kailaliman ng aking puso. Inalala ko ang mga ginawa niya sa akin kaysa sa ginawa sa akin ni Joeven. Ibang iba si Theon kay Joeven. Ako naman ang tumingin sa kanyang guwapo at kaakit-akit na mukha. “Susubukan kong buksan ang puso ko sa iyo, pero hindi ko mapapangako kung tuluyan na kitang pipiliin. Pero isa lang ang sinisigurado ko sa iyo Theon! May puwang ka na dito sa puso ko pero hindi pa buo. Kaya sana mahintay mo ako.” (Alam kong wala akong karapatang paghintayin siya pero kung tunay talaga ang pagmamahal ni Theon sa akin, ay makakapaghintay siya kahit gaano man katagal.) “Are you willing to wait for me, until my problem, I can fix everything correctly?” I ask him. Nakaramdam ulit ako ng espesyal na feelings sa kanya nang walang angal siyang tumango at nangiti pa. “Yes, I 'm willing to wait you, I love you Mica.” sagot nito at hinila ako nito palapit sa kanya at banayad niya akong hinalikan. Sabay na rin naming pinanood ang naggagandahan mga bituin sa kalangitan, habang nakasandal ako sa balikat niya. Habang siya naman ay hinahaplos ang aking buhok. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kanyang balikat. End of flashback NAPANGITI ako matapos kung alalahin ang nangyari kagabi. Sobrang sarap sa pakiramdam na may ganyang lalaki ang nagmamahal sa akin. Sana makapag hintay siya, at sana madiskubre ko na ang lihim sa akin ni Joeven. Kung may babae man siya ay wala na akong pakialam, hindi niya deserve sa pagmamahal ko. Oo naging masaya kami, pero noon iyon. Ngayon ay sira na ang tiwala ko sa kanya. Kung mapapatawad ko siya ay hindi para sa kanya pero para na lang kay nanay Thalia, na naging mabuting ina sa akin. Napalingon ako sa may pintuan ng may kumatok dito kaya nag madali na akong nag-ayos ng higaan ko. Pagkabukas ko ay nabungaran ko ang isang katulong na pinapababa na niya ako, kasi ako na lang daw ang hinihintay doon. Hindi daw kasi puwedeng watak-watak kapag oras na nang kainan. Kaya tumango ako dito at sinabi kong susunod na lang ako, dahil mag aayos ako saglit ng sarili ko. MAAGA akong nagising na alala ko ang napag usapan namin kagabi ni Mica, kaya hindi ko maipaliwanag ang aking kaligayahan ngayon. Dahil kahit papaano ay may pag-asang ibinigay sa akin si Mica. Tanga lang ang taong hindi siya seseryusuhin, maganda na mabait pa at higit sa lahat mabuting tao. Napadako ang tingin ko sa isang envelope na nilalaman ng mga katarantaduhan ni Joeven. Napailing iling ako, sayang ka Joeven, pinakawalan mo ang taong deserve na mahalin ng lubos. Napakagago mo at ipinagpalit mo lang siya sa babaeng maganda nga, pero maninira naman ng relasyon at kung sakaling matauhan ka. Wala ka ng aasahang babalikan pa dahil sinisigurado ko sa iyo na hinding hindi ko papayagang mapa sa iyo ulit si Mica. Magkasakitan na tayo. Hindi ko maiwasang isipin iyon ng makita ko ang asul na envelope na pinaglalagyan ko ng ebedinsya laban sa asawa ni Mica. Itinago ko muna iyon sa isang drawer, bukas ko na ito ipapakita kay Mica. Sa ngayon ay pupunta muna kami sa ama ni Mica. Bumaba na ako upang mag-agahan kami, tulad ng dati kapag nandito ako sa bahay ay lagi dapat kaming sabay-sabay kumakain. Kaya inutusan ko ang katulong na nakita ko sa sala na pababain si Mica, bago ako pumunta sa kitchen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD