CHAPTER FOURTEEN

1237 Words
KUNG kailan, minamahal ko na si Mica, saka naman namin malalaman na hindi pala okay ang mga magulang namin. Pero gagawin ko ang lahat para magka-ayos ang aming mga pamilya. Sana ay wala na kay Gob. De Ocampo ang lahat ng nakaraan nila nina Mommy. Mamahalin ko pa rin si Mica kahit anong manyari. Kinausap ko si mommy tungkol kay Mica, wala naman daw problema kung mamahalin ko si Mica. Ngunit mahihirapan daw ako dahil sa ama nito kung hanggang ngayon ay may galit pa rin ito sa aking mga magulang. “Sobrang mahal ko na si Mica, Mom. Kaya lahat ay kaya kong gawin para lamang matanggap din ako ng papa nito. Kung saka-sakaling hanggang ngayon ay may galit pa rin sa puso nito ay gagawin ko ang lahat para lamang mawala iyon. Baka ito pa ang maging sanhi ng pagkakaroroon ng closure o kapatawaran para sa pagitan ng mga taong nasaktan at nakasakit dahil lamang sa pag-ibig. Ngumiti sa akin si mommy at sinabi nito. “Sinusuportahan kita anak sa mga ginagawa mo alam mo yan, at kung hihingi ulit ako ng tawad kay Antonio ay gagawin ko, para lamang sa ika-liligaya mo anak,” si Mommy. “Salamat Mom, kaya mahal na mahal kita. Kasi lahat ginagawa mo para sa akin.” nakangiti kong saad dito. Mayamaya lamang ay dumating na si Daddy, nagtaka pa ito kung bakit ako nandoon. Ikinuwento lahat ni Mommy ang pag-tira muna dito ni Mica at kung sino si Mica. Tiningnan ako nito at matamang tinitigan. “So Mica is your love, right?” Dad said and I nodded; And you do everything to her?” tanong nito sa akin at tumango ulit ako; Then do it and love her. If you really love her so much, don't even remember our marriage agreement to tell you. I'm allowing Mica to be your girlfriend even if she is Antonio's child. Kung ang mommy mo ay handa ulit humingi kay Antonio ng tawad ay ganoon din ako, basta para sa iyo.” nakangiting saad ni Daddy sa akin na ikinagulat ko, akala ko ay mahihirapan akong kumbinsihin siya. Salamat naman at wala na akong problema sa mga magulang ko. “Oh, my ghad, Felicia. Sa wakas binata na talaga ang anak natin, akala ko hindi na siya magbabago pa. Pero ito ngayon at umiibig na, wala na rin ako nababalitaan na maya't maya ay may na-iinvole sa iyong babae,” sabay tingin nito sa akin. Si Mica lang pala ang katapat mo. Son.” tawa ni dad na ikinatawa naman ng aking ina. “Sabi ko na sa iyo, Hon. 'Wag ka masyadong atat na ilagay sa tahimik ang anak natin dahil para lang ikaw 'yan, eni-enjoy muna ang kabataan. Pero ng makilala mo ako abay at ikaw ay tumino din, 'di kanino nagmana anak mo? 'di sa iyo, hahaha.” natatawang sabi naman ni mommy kay daddy. “What! Hindi lang sa akin nagmana 'yan pati din sa iyo ang katigasan ng ulo niya.” natatawa ring biro ni Daddy kay Mommy at nagkulitan na ito na para bang wala ako sa harapan nila. Natawa naman ako sa mga magulang ko na miss ko ito. Ang mag-asaran ang mga magulang ko sa harapan ko at maglambingan. Ang sarap sa pakiramdam, sana noon pa dumating sa buhay ko si Mica 'di sana hindi ko nabigyan ng sama ng loob si Daddy. Ang problema ko na lang ay si Mica dahil, alam kong mahal pa nito ang asawa niya pero gagawin ko ang lahat para lamang mai-pakita kay Mica na walang kuwenta ang asawa niya. Dahil kahapon lamang naipakita na sa akin ng aking inupahang imbestigador ang files ng lahat ng nilalaman ng baho ni Joeven. Saka ko na ito ipapakita kay Mica kapag naka-ayos na sila ng daddy nito. Mabuti na lang at nasa taas na si Mica kaya nakausap ko ang aking mga magulang sa bagay na iyon. IINOM sana ako ng maulinigan ko na may mga nag uusap sa sala, bago kasi makapunta ng kusina ay kailangan mo muna dumaan sa sala. Nang makalapit na ako ay na rinig ko nang malinaw ang mga sinasabi ng mga nag-u-usap sina Theon pala iyon at ang mga magulang nito. Sumilip ako ng kaunti sa pintuan at 'di ko sinasadyang narinig lahat ng pinagsasasabi ni Theon sa mga magulang nito. Napanganga ako sa narinig ko kay Theon, m-mahal niya ako. “Ako mahal niya?”bulong ko sa aking sarili bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko iyon ang pag-inom ko sana ng tubig ay hindi ko na nagawa dahil nag madali akong umakyat sa aking silid. Kinagabihan masaya kaming naghapunan at puring puri ko talaga ang mga luto ng mama ni Theon. Tuwang tuwa naman ang ginang sa akin, naalala ko tuloy si Nanay Thalia. Hindi ako galit dito kaya kahit na umuwi na ako sa daddy ko ay tutulungan ko pa din ito sa kanyang pagpapagamot, hindi ko siya idadamay sa lahat ng ginawa sa akin ni Joeven. Nagkunwari akong wala akong narinig sa lahat ng pinag-usapan nila, kahit hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako dahil sa mga narinig ko kay Theon. Nakaakyat na kaming lahat sa silid namin pero hindi pa rin ako dalawin ng antok kaya nagdeside ako na lumabas, upang magpahangin sa gardin na naroon nakita ko kanina habang papunta ako sa dining area. Nilalasap ko ang sariwang hangin sa harden ni tita Felicia ang gaganda at ang sarap sa matang tingnan nang mga ito. Sana sa pag-uwe ko kay Dad, ay tanggapin niya ulit ako. Sa totoo lang talagang namimiss ko rin siya, kahit na noon minsan niya lang ako kibuin at kausapin. Hindi man niya masabi sa akin na mahal na mahal niya ako, pero sa puso ko alam niya ito. Sabay hawak ko sa tapat ng dibdib ko. Naalala ko nga noong medyo dalagita na ako binubully ako ng mga kalaro ko, pero ng makita nila si papa bigla na lang ito nagsialisan, nahuli ko lang naman pinaglakihan niya ang mga iyon ng mata na nagsasabing; Kapag hindi nila ako tatantanan ay kakainin niya ang mga iyon. Natawa rin nga ako ng mga oras na iyon at simula noon, doon ko na ramdamang mahal na mahal niya ako kasi sa ganoon paraan, pinakita niya ito sa akin at simula din noon ay wala ng nambully sa akin. Na pinagtaka ko. Nagulat ako ng bigla na lang may mainit na palad ang dumapi sa balikat ko, paglingon ko ay si Theon ito. Nasa tabi ko nakasandong puti lang ito at cahi short pero kahit ganoon ay litaw pa rin ang kaguwapuhan nito. Bigla na lang uminit ang pisngi ko kaya bahagya akong lumayo dito. “Pinuntahan kita sa kuwarto mo, para sana kumustahin kong komportable ka pero wala ka doon, akala ko umalis ka. Pero tiningnan ko nandoon pa naman mga gamit mo. Kaya na isipan kong nagpapahangin ka lang at hindi naman ako nabigo,” saad nito sa akin at naupo rin sa tabi ko may mesa kasi doon at mga upuan na puwedeng pahingahan habang pinagmamasdan mo ang mga halaman at bituin sa kalangitan. “Bakit ko naman gagawin iyon. Ngayon pang mas safe ako rito dahil nandito ka sa tabi ko. Nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Bakit ko gugustuhing umalis dito.” malumanay at nakangiti kong saad dito. Napalingon naman ito sa akin nagulat na gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD