CHAPTER THIRTEEN

861 Words
KINABUKASAN ay nag-impake na ako ng kakaunting gamit ko, medyo tinanghali ako ng gising kaya pagkalabas ko lang sa condo building ay nandoon na si Theon naghihintay sa akin. Ngumiti muna ito at binati ako ng “Magandang umaga,” bago ako nito pinagbukasan ng pintuan ng kotse at kinuha sa akin ang travelling bag ko at nilagay sa likod ng kotse nito, nauna na akong sumakay at maya-maya lang ay sumakay na rin ito at pinaandar na ang sasakyan patungo sa bahay ng mga magulang nito. Pagkarating namin doon ay pinatuloy na agad ako nito sa magiging silid ko, binigyan niya ako ng isang silid na maganda, na alala ko tuloy ang aking silid sa mansyon namin sa taguig. Ayos pa kaya iyon?” sa isip ko. Hindi naman nagtagal ay bumaba na ako para makita ko ang mga magulang ni Theon. Ano kaya masasabi sa akin ng mama niya mabait kaya ito. Sa susunod na linggo pala ay pupuntahan daw namin si Daddy ayaw ko sana kaya lang mapilit itong si Gerald at Theon. Kaya sumang-ayon na lang ako sa balak nila. Kaya kahit hindi pa ako handa ay kakayanin ko, pupunta pa rin kami upang makita ang aking ama. Sinundo ko si Mica sa oras na sinabi ko akala ko ay nagbago na ang isip nito dahil wala pa ito, pero maya-maya lang ay nakita ko na siyang palabas ng building ng condominium ni Gerald. Masaya ko siyang binati at magaan kong kinuha sa kanya ang kanyang travelling bag at masaya akong sumakay at pinaadar ang aking sasakyan. Makalipas lang ng kalahating oras ay nakarating na kami sa aming bahay, iniakyat ko muna siya sa magiging silid niya at sinabihan ko na bumaba dahil gusto siyang makita Mommy. Tumango naman ito, kaya tuluyan na akong bumaba at hinanap ang aking ina. Alam kung nasa kitchen na naman iyon at nagluluto ng pananghalian dahil mag eeleven thirty na ng tanghali. Masaya ako nitong tinanong kong nasundo ko na ba si Mica, ngumiti naman ako dito at tumango. “Iniakyat ko na muna siya Mommy sa kanyang magiging silid, pero maya-maya lang ay bababa na din iyon dahil sinabi ko na gusto ninyo siyang makita.” Kaya tinulungan ko na lang siyang magprepaire magluto, twenty minutes lang nang makita ko siyang kasunod sa katulong na inutusan kong tawagin siya kanina. “O, siya na ba si Mica?” tanong ni mommy nang makita nito si Mica na nakaharap sa amin. “Yes, Mom. Siya si Mica Isabella De Ocampo.” sagot ko. “Ano ang buong pangalan ng kanyang ama?” tanong ni Mommy, na lumingon pa kay Mica. “Si Governor Antonio De Ocampo po.” sagot naman ni Mica. “Sabi na nga ba na ikaw iyong nag-iisang anak na babae ni Anton. Sa kadahilanan kung paano mo siya kamukhang kamuha. Ang totoo niyan ay magkakakilala kami at magkakababata kaya lang may hindi kami pagkakaunawaan noon. Kaya naghiwalay kami na may samaan ng loob, pero matagal na iyon kaya wala na iyon sa akin, ewan ko lang sa iyong Ama.” paliwanag ni mommy sa amin. “Bakit Mommy, anong kuwento ninyo noon?” tanong ko dito. “Siya dati ang kasintahan ko noon, kaya lang nang bigla kong makita ang ama mo Theon ay nalipat sa kanya ang aking pagmamahal. Kaya nakipag hiwalay ako sa ama mo Mica. Wala naman naging problema kaya akala ko okay na ang lahat. Pero ng ikakasal na kami ng ama ni Theon noon, bigla na lang akong pinuntahan ni Anton noon sa bahay at sapilitan niya akong itatanan. Kaya lang pinaliwanag ko sa kanya na si Micheal na talaga ang mahal ko. Tinanong ko siya noon kung bakit, akala ko okay na sa kanya. Pero sabi ng ama mo Mica ay pinilit naman daw niya akong kalimutan kaya lang hindi niya raw kaya, pinagsabihan niya pa ako noon na kaya gusto ko lang pakasalan si Micheal dahil mas mayaman daw ang pamilya nito. Kaysa sa pamilya ng daddy mo Iha, aaminin ko noon nabulag ako sa karangyaan na binibigay sa akin ni Micheal. Pero habang natagal ay minahal ko na siya ng sobra at ito ang dahilan kong bakit mas pinili ko ang ama ni Theon kaysa sa ama mo. Pero sapilitan pa rin niya akong isinasama kahit sinabi ko na ang dahilan. Mabuti na lang ay may nahagip akong ballpen sa kanyang sasakyan at kinuha ko iyon at itinutok ko sa leeg ko. Sabi ko kapag pinilit niya ako ay magpapakamatay ako sa harapan niya. Kaya natauhan naman siya at humingi sa akin ng tawad, sabi ko patatawarin ko siya. Kung hindi na siya magpapakita sa amin ng ama ni Theon. Nangako naman ito na lalayo na matapos ako nitong maihatid sa simbahan kong saan ako ikakasal. Kaya simula noon ay wala na akong balita sa kanya, tapos makalipas ang labing anim na taon. Nabalitaan kung siya na ngayon ang gobernador sa taguig,” Mahabang kuwento nito sa amin. Na-ikinatulala naman ni Mica. “So, kaya siguro naging ganoon si Dad, naging mapangmata siya sa mahihirap noon. Dahil sa naranasan niya, now i know,” sabi ni Mica, bago ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD