CHAPTER TWELVE

1856 Words
NAKITA na kami ni Mica ng lumabas na ito ng canteen. Ang seryosong ekspresyon nito ay napalitan ng emosyon na hindi ko maipaliwanag kong selos ba iyon o kung ano ay hindi ko alam. “Tapos ka na ba kumain?" Tanong ko dito at tumango lang ito. By the way kaya nandito si Din. Dahil may ipinabibigay lang ang Daddy niya sa akin, tungkol sa company. Tumango lang ulit ito kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Hindi ko pala na sabi sa iyo na ang mga magulang nila at mga magulang ko ay matalik na magkakaibigan. Kaya matagal na rin kaming magkakilala nina Geraldine at ng kuya niya. Hindi nga lang kami naging malapit sa isa't isa.” Saad ko dito. Kahit 'di naman ito nagtatanong. Pagkasabi ko sa kanya niyon ay bumalik ulit ang dating seryosong mukha nito at tumango lang ulit ito. Nagpaalam na itong aakyat na sa taas upang ipagpatuloy na raw nito ang kanyang trabaho. Nagkatinginan na lang kami ni Din, nang tuluyan na itong umakyat sa taas at iniwan na kami. Umiiling-iling na lang si Din, sa inakto nang kanyang kaibigan. NAPAPAISIP talaga ako kung bakit hindi sinabi sa akin ni Theon na magkakilala na pala sila dati ni Geraldine. Pero kung hindi ko pa sila nakita. May balak kaya sanang sabihin sa akin iyon ni Theon? Kung wala man siyang balak sabihin ano naman ang pakialam ko roon. Saka bakit ako nagkakaganito nakita ko lang sila kanina na magkalapit at para bang ang close na close nilang tingan. Ay para bang sumakit ang puso ko sa nakita ko. Naninibugho ba ako, hindi wala lang iyong, nagseselos lang ako kasi galit na sa akin si Din. At hindi na ako ang pinupuntahan niya ngayon. Ano naman kung magkagustuhan sila. Bagay naman sila maganda si Din, mayaman at guwapo naman si Theon magkaibigan ang mga magulang nila. “Haysst! 'Wag mo na ngang isipin iyon Mica. Focus ka na lang sa asawa mo ‘di ba masaya ka na ngayon dahil okay na kayo nang asawa mo. Kaya 'wag ka na mag-isip nang kung ano-ano. Ang isipin mo na lang ang mga problema n'yo ngayon ni Joeven.” Kausap ko sa sarili ko at nagpatuloy na ulit ako sa pagtatrabaho. Nakabalik na rin si Theon sa kanyang opisina kaya nagpatuloy na rin ako sa aking ginagawa. Hapon na noon nakatanggap ako ng isang text message mula sa asawa ko, naghahanda na akong umuwi noon. Nauna na kasi si Theon dahil kailangan niya raw maipakita ang mga dokumento na ibinigay ni Geraldine sa kanya kanina.Tumango lang ako ng magpaalam ito sa akin kanina. Hindi ko na ito pinagkaabalahang tingnan. Masama pa rin ang loob ko sa nakita ko kahapon at sa hindi pagsabi nitong matagal na palang kakilala sina Geraldine. Binuksan ko ang cellphone ko at binasa ang text sa akin ni Joeven. Nagulat ako sa mga nabasa ko sa inbox ko. Tanga raw ako dahil nagpauto ako ulit sa kanya. Marami pang-iinsulto na hindi ko mapaniwalaan na masasabi niya iyon sa akin. Napa-upo ako sa aking mesa nang mabasa ko iyon. Agad ko itong tinawagan ngunit hindi man lang ito nag abalang sagutin. Naglalakad ako sa kalsada na wala sa aking sarili wala akong pakialam kung malayo na ang aking nilalakad. Hanggang ngayon ay nasasaktan ako sa mga nabasa ko kanina. Ano bang kasalanan ko sa kanya at sinasaktan niya ako ng ganito. Ni hindi man lang niya ako tinawagan upang sabihin na nagbibiro lang siya sa mga sinabi niya sa text o magpaliwanag man lang. Litong-lito na ako hindi ko na alam kong uuwi pa ba ako kila nanay Thalia. Matapos ng pang-iinsulto ng anak niya sa akin. Wala pa rin ako sa huwisyo ng tumunog muli ang aking cellphone. Naka ilang ring pa ito bago ako matauhan, tiningnan ko kong sino ang tumatawag sa akin. Si Gerald pala ang tumatawag napagpasyahan kong sagutin ito, kahit nakalutang pa rin ang isip ko. “H-hello,” Pumiyok ako ng subukan kong ibuka ang aking mga labi. “Thank God, Ysa, sinagot mo rin na saan ka ba? Pupuntahan kita!” Natatarantang sabi nito. Hindi na ako nag salita at humagulgol na lang ako. “Okay, don't leave kung nasaan ka man, Okay? I'll get you, okay? Don't drop your phone.” He told me, tumango na lang ako kahit alam kong hindi naman niya ito nakikita. “Okay, I'm on my way now. Stay wherever you are okay!" si Gerald ulit, tumango ulit ako. ILANG minuto lang ay may huminto sa tabi ko na pulang sasakyan si Gerald na iyon. Bumaba ito at sinalubong ako nito nang mahigpit na yakap. Yumakap naman ako rito pabalik at lumakas lalo ang iyak ko sa dibdib niya. Wala na akong pakialam kong mabasa man ang pulo nitong suot ang gusto ko lang ay umiyak ng umiyak sa mga sandaling iyon. NANDITO ako ngayon sa condo ni Gerald. Dito muna ako magpapalipas ng sama ng loob ng ilang araw o buwan ay hindi ko alam, litong-lito pa rin ako sa mga ginagawa sa akin ni Joeven. Akala ko okay na ang lahat pero hindi pa rin pala. Hindi ko talaga maintindihan ngayon ang asawa ko. Napunta lang siya ng Cebu, tapos nag kaganyan na siya. Ayaw ko man isipin ngunit may kutob na akong may iba ng mahal ito. Mahuli-huli ko lang talaga na totoong may babae siya ay patawarin ako ng Panginoon sa mga magagawa ko sa kanila. Naikuwento ko na rin kay Gerald ang lahat, pero tikom pa rin ang kanyang bibig sa lahat alam kong may alam siya, kong bakit nagkaganoon ang kanyang kaibigan. Dahil sa nangyari sa kanila noong nakaraang araw. Ang bobo ko kasi, dapat hindi ako nagalit kina Gerald at pinayagan ko sanang magpaliwanag siya kong bakit umabot sa ganoon. Siguro talagang nabulagan lang ako ng araw na iyon, dahil mahal na mahal ko talaga si Joeven. Ngayon ay gagawin ko ang lahat para lang malaman ang tunay na nangyayari sa amin. I promise to my self na kukuntrolin ko muna ang nararamdaman ko kay Joeven para magkaalaman na. Ang tatlong araw na pamamalagi ko sa condo ni Gerald ay naging okay naman, patuloy pa rin akong pumapasok sa kumpanya ni Theon, nagpanggap akong walang nangyari sa loob na tatlong araw na iyon. Ganoon pa rin tulad ng dati, trabaho at uwi lang ako. Magpapahinga lang ako ng isang linggo, at pag katapos ay gagawa na ako ng hakbang para malaman ko na ang lahat-lahat humanda ka sa akin si Joeven, oras na malaman ko na may babae ka. Humanda ka talaga sa akin, dahil hindi mo alam kong paano ako magalit. Kinahapunang ay maaga akong nagligpit upang makapag pahinga na dahil medyo masakit ang ulo ko, kahit ininuman ko na ng gamot ay 'di pa rin mawala-wala. Hindi ko na malayang nakarating na ako sa condo ni Gerald papasok na sana ako sa gusali ng may humatak sa aking braso. Nang lingunin ko ito ay si Theon ang nabungaran ko. “Bakit dito ka sa Condo ni Gerald nakatira nagsasama ba kayo dito? Akala ko okay na kayo ni Joeven pero bakit dito ka umuuwi?” sunod-sunod na tanong nito sa akin; At bakit ka kay Gerald, humingi ng tulong noong umiiyak ka at tulala noong lunes ng hapon pagkalabas mo sa office ko? Bakit hindi ka sa akin tumawag, ah?” tanong pa ulit nito na nagpakunot ng aking noo nang makita ko ang kanyang mga mata, galit or selos yata ang nakikita ko ay hindi ko alam. “Anong pakialam mo, 'di ba ay maaga kang umuwi noon dahil sabi mo ay may pupuntahan ka. At hindi ko naman tinawagan si Gerald n'on, kusa siyang tumawag sa akin, nagkataon na wala ako sa aking sarili noon dahil sa mga nabasa kong text ni Joe. . .teka, bakit mo pala alam ang senaryong iyon 'di ba umuwi ka ng maaga? Paano mong nalaman lahat nang iyon?” Pag-iiba ko sa paliwanag ko sa kanya ng marealise ko kung bakit nalaman ni Theon iyon. Tiningnan ko siya ng may pag-uusig. Tumikhim muna ito bago nito sinagot ang tanong ko. Nagkabaliktad na tuloy kami siya na ngayon ang inuusig ko. “Bumalik ako sa opisina dahil may nakalimutan ako, iyong susi ng condo ko. Nakita kitang nakayuko sa iyong mesa habang umiiyak ka at nasilip ko ang cellphone mo kaya nabasa ko ang text sa iyo ng ungas na iyon. Aaluhin sana kita kaya lang naisip kong patapusin muna kita sa pag-iyak kaya walang ingay akong pumasok muna sa opisina ko at nagmamadali akong kinuha ang susi ng condo ko, upang magpakita na sana sa'yo. Kaya lang ng pagbalik ko ay wala ka na desk mo. Kaya naisip kong baka nakababa ka na, kaya hinabol kita gamit ang kotse ko nag-aalangan pa akong lumapit sa iyo noon. Kaya hinintay na lang kita tumawag sa akin kaya lang talagang wala kang balak. Nang kinuha mo cellphone mo at sinagot mo ang tawag, akala ko Si Aling Thalia ang tumawag sa iyo kaya naisipan kong 'wag ka ng lapitan. Babantayan na lang kita hanggang sa sunduin ka niya. Kaya lang iba ang dumating at si Gerald iyon.” Mahabang paliwanag nito sa akin. “Iyon naman pala, alam mo naman pala kung bakit ako nandito. Tinatanong mo pa!” malumanay kong sabi dito at tuluyan na akong pumasok sa loob ng gusali, akala ko hindi na ito nakasunod sa akin. Pero ng papasok na ako sa elevator ay sumabay siyang pumasok at siya na ang nag pindot pasara niyon. “Mica, maari bang sa bahay ka na lang muna namin tumira, nandoon naman si Mommy at madami pangsilid doon. Kaysa nagsusumiksik ka dito sa condo ni Gerald 'di mo na rin kailangan badyetin ang iyong pera sa pagkain mo. Dahil doon madami ka makakain at hindi kita sisingilin,” sabi niya, na may pag-aalala sa kanyang mga mata. Nag-isip naman ako sa kanyang alok pero nag-aalangan ako. “Pag-iisipan ko. Kailangan ko munang kumpirmahin mula kay Gerald,” sagot ko, hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng hindi maipaliwanag na damdamin para kay Gerald, ngunit ito ay tulad lamang ng isang kapatid ang turing ko rito. Maraming beses na niya ako natulungan kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. Wala ng iba.” bulong ko sa sarili ko. Tinawagan ko si Gerald upang sabihin sa kanya ang tungkol sa sinabi sa akin ni Theon, sinabi niya kung anong daw ang nararamdaman ko ay iyon daw ang sundin ko. Kung mas comportable raw ako sa desisyon ko ay tatanggapin niya raw. Mas mainam kong kina Theon na lang ako mahirap na kasi na may asawa akong tao ay nakikipisan ako sa isang lalaki na binata pa. Mas mabuti na kina Theon. May mga katulong at nandoon pa ang ina nito hindi na masama kung ganoon. “O, anong sabi ni Gerald pumayag ba?” tanong nitong makulit sa tabi ko. Tumango na lang ako sa kanya. Ngumiti naman ito ng malapad bago lumabas ng elevator at pahabol pa itong nagsalita. “10:00 am tommorow morning, I'll get you.” sabay kindat nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD