CHAPTER ELEVEN

1528 Words
AGAD umalis si Theon matapos nitong suntukin ang asawa ko. Kaya tumayo na ako at sinampal si Gerald. “Ang sama mo, tingnan mo kung ano ang ginawa mo sa kaibigan mo?” galit kong sabi dito. “Mica, maaari bang kumalma ka at makinig muna,!” He demand on me. “I don't listen to you. Ang sama-sama mo akala ko ba kaibigan ka n'ya. Sabi mo kakausapin mo lang siya bakit mo siya sinasaktan? Dahil ba pinalayas niya ako? Ah! Kahit pinaalis niya ako, ay wala kang karapatang saktan siya, alam kong mali siya ngunit mahal ko pa rin siya at kinamumuhian kita.” sabi ko pa dito. “Mica. Bakit ka nagagalit kay kuya, hindi mo naman alam ang buong pangyayari, alamin mo muna bago ka magalit ng ganyan?” hindi makapaniwalang saad ni Geraldine. "Sapat na ang nakita ko, para hindi ko kayo pakinggan ang mga sasabihin ninyo.” taas noo kong sabi dito. Bago ko tinulungan si Joeven na tumayo at inalalayan, dinala ko siya sa isang tricycle na naroon at inutusan kong iuwi kami sa bahay ni Nanay Thalia. Ang kanyang ina ay nag-a-alala nang makita kami pinasalamatan niya ako, matapos naming mapaupo sa sofa na na roon si Joeven ay pumunta ako ng kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at madecine kit at bumalik sa sala upang gamutin ko ang mga pasa at sugat ni Joeven. Pinabili ko muna si nanay Thalia ng pagkain nila. Ginamit ko ang kaunting pera na natira sa aking wallet na pambili ng pagkain. Nagmadali naman itong lumabas ng bahay. Pinagpatuloy ko ang panggagamot ko kay Joeven. Tatanungin ko sana ito kong bakit umabot sa pananakit ang sanang pag-uusap lamang nila ni Gerald ngunit nakatulog na ito. Pinagmasdan ko ito habang natutulog. Hinaplos ko ang namamaga nitong labi at magaan ko itong hinalikan. Miss na miss ko na ito sa totoo lang pero bakit? Ang masaya sanang pagsasama namin sa nalalabing araw nito bago ito bumalik sa cebu ay naging isang malungkot na araw para sa akin. Kinaumagahan ay ginising niya ako. Nakatulog pala ako sa tabi niya. “Mica, paumanhin sa lahat na nagawa ko sa iyo, at pagpapalayas ko sa'yo. Ngunit ipinapangako ko na hindi na ulit ako gagawa ng hakbang na ganyan.” Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Inalis ko ang pagkakayakap nito sa akin at inilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang mga labi at hinalikan ko siya ng buong pagkasabik. Ayaw ko siyang nakikitang may lungkot ang kanyang mga mata. Alam ko namang hindi niya intensiyon ang saktan at palayasin ako. “Pinapatawad na kita, ayokong nagagalit ka sa akin alam mo na mang mahal na mahal kita at kailanman ay hindi ko kayang lukuhin ka. Kung may problema ka pag-usapan natin ito ng maayos. Para hindi na umabot sa ganito.” Sabi ko dito na nakangiti na. Tumango naman ito at niyakap ako nito ng mahigpit na ginantihan ko din nang mas mahigpit pa. Kaysa sa yakap niya. PINUNTAHAN ko sina Gerald upang kunin ko ang mga gamit ko na naiwan kahapon. Galit na galit si Geraldine sa akin, ngunit wala akong pakialam. Sinubukang humingi ng tawad at magpaliwanag ni Gerald sa akin, ngunit pinigilan ito ni Geraldine. “Hayaan mo siya kuya. Bakit ka hihingi ng tawad sa kanya gayong si Kuya Joe naman ang nauna?Hayaan mo na siyang umalis dito tutal si kuya Joe lang ang pinakikingan niya mula ngayon. Hayaan mo siyang magpakatanga sa walang kuwentang asawa niya na may ba. . . Nahinto sa pagsasalita si Geraldine ng sikuhin ito ni Gerald. “Anong sinasabi mo?” tanong ko dito ngunit inirapan lang ako nito. “All right Mica, you can leave as you want. Hopefully you won't regret it, sana bumalik ka na lang sa Daddy mo, instead of going back to Joeven again.” sabi ni Gerald at hinila na nito sa Geraldine palabas sa guest room na iyon. I took a deep breath and walked away on this house. All I wanted was my husband and he was there for me. NALULUNGKOT ako sa ginawa kay Mica nang kanyang asawa na si Joeven. Pumasok si Mica sa kabila ng lahat na nangyari kahapon, bakat pa sa makinis na pisngi nito ang pagkakasampal sa kanya. Magalang naman ako nitong binati kanina bago ito nagsimula sa kanyang trabaho. Nagalangan akong batiin ito, ngunit ng ngumiti ito sa akin ay napanatag ang aking loob. Hindi naman pala ito nagalit sa akin sa ginawa ko sa asawa niya. Mukha pa nga itong masaya dahil wala naman bakas sa maganda nitong mukha ang lungkot mukhang masaya pa nga ito. Ano kaya ang nangyari kahapon matapos ang lahat na naganap? Lunch time na nang imungkahi ko dito na sabay na kaming kakain sa kantina sa baba. Tumango naman ito at sabay kaming bumaba. Si Mica ay isang mabuting babae, nararapat lang itong tratuhin ng maganda at may paggalang kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya ito sa abot ng aking makakaya. At tutulungan ko din itong magkaayos silang mag-ama. Sisiguraduhin kong makakalaya ito sa asawa nito na walang alam gawin, kundi saktan siya at ipapakita ko kay Mica na mali ang taong kanyang piniling mahalin at makasama. Sapat na ang nakita ko sa kanyang asawa na hindi ito mabuti para sa kanya. Malaman ko lang ang dahilan ng lahat ng pasakit na ibinigay nito kay Mica ay ako na mismo ang gagawa ng paraan upang ipamulat kay Mica na hindi mabuti ang pagkatao nang kanyang asawa. WALA na akong pera ang pag-asa ko na lang ay si Theon, kaya 'di ako puwede magalit sa kanya. Pero kahit nagawang saktan ni Theon si Joe, ay wala rin naman akong makapa sa aking dibdib na nagagalit ako sa kanya. Ewan ko ba simula nang maging close na kami ni Theon ay ang gaan-gaan na nang loob ko sa kanya. Lumapit sa akin si Theon nang oras na para mag lunch break niyaya ako nitong sabay kaming mananghalian hindi ko naman ito tinanggihan at maluwag ko itong sinabayan pababa sa patungong canteen. Nang makarating na kami sa canteen ay sasabihin ko na sana na mag cacash advance ako dahil kailangan na ni Nanay Thalia ang mga gamot dahil paubos na ito. Magsasalita na sana ako nang mapahinto ako sa aking sasabihin ng makita ko si Geraldine na patungo ito sa aming puwesto at nilapitan si Theon. Kailan pa naging close si Geraldine kay Theon? Dahil umupo ito sa tabi ni Theon at binati nito ang huli na ngumiti naman at bumati din pabalik si Theon kay Geraldine. Nagtatanong akong tumingin kay Theon, ngunit umiwas lang ito nang tingin sa akin. Maya-maya lang ay nag excuse ang dalawa sa akin at umalis ang mga ito. Naiwan akong naguguluhan. “Do you think Kuya Theon? Gagana ang gagawin ko kay Mica? Aawayin ko siya at hindi papansinin para wala sa kanya mag comfort, kapag naipakita muna na may babae talaga si Kuya Joeven?” “Oo, para no choice siya talaga, kundi umuwi sa kanila at mag bagong buhay na siya para naman matuloy na niya ang pag-aaral niya. Kapag wala siyang matakbuhan na kaibigan maiisip niya na mas mainam na umuwi na lang siya at ipagpatuloy ang buhay niya noon.” sagot sa akin ni Kuya Theon. “Tama ka naman kuya. But nakakaawa si Mica hindi ko akalain na kayang lukuhin ni Kuya Joeven ang asawa nito, saksi kami ni kuya Gerald kong paano niya minahal si Mica at kung paano nila pinaglaban ang pagmamahalan nila. Tunay nga ang kasabihan na “Kahit gaano katibay ang pagsasama, kapag tukso na ang kalaban nawawalan ka ng lakas para labanan ito. At dapat'wag kang matukso lalo na kong makamandag ang ahas na lilingkis sa iyo. Pero paano kung malayo sila sa isa't isa. Walang pipigil sa tuksong iyon. Kaya dapat malapit si Mica kay kuya Joe. Para siya mismo ang nakakita ng pagtataksil ng asawa nito. “I know, Din. Kaya nga ito lang ang paraan natin para ma-i-ayos si Mica.” Natahimik naman ako sa sinabi nito. “Pupunta lang sana ako dito para makipag-ayos kay Mica. Mabuti natawagan mo agad ako at nasabi ang mga plano mo sa kanya.” dagdag ko dito. “Kaya sana Din, tikisin mo muna na si Mica ah, alam kong kaya mo 'yan. Pagkatapos naman ng lahat ng ito. Babalik din naman kayo sa dati.” nakangiting saad nito. “Kaya sana makaya ko alang-alang sa matalik kong kaibigan kakayanin ko. Salamat kuya Theon, dahil nagmamalasakit ka kay Mica. Tunay ka ngang ka-ibigan niya.” panunudyo kong sabi dito na sinamahan ko pa ng pagtapik sa kanyang dibdib. Iyon ang nakita ni Mica nang lumabas ito sa cateen dahil siguro ay tapos na ito kumain, sinadya namin talaga iyon ni Kuya Theon na pumuwesto kami sa medyo daanan nang mga lalabas at papasok sa kantina para makita talaga kami ni Mica. Saglit itong napatunganga at nagbago ang eksprisyon ng mukha nito na parang nasasaktan. Kung selos iyong nakita ko sa mga mata ni Mica ay 'di ko alam. Pero saglit lang ito at bumalik na sa seryoso tingin ang tingin nito sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD