CHAPTER TEN

1448 Words
“SIGURADO ka ba anak, sa mga ibinibintang mo kay Mica? Alam mo ba kung anong sinakripesyo niya sa atin. Para pagbintangan mo siya nang ganyan?” tanong ni Nanay sa akin. Nang maka-akyat na si Mica sa aming silid. “Alinman sa mga nagawa niya ay malaki ang utang na loob natin sa kanya. Alam ko iyon, nay. Pero wala pa rin siyang karapatan na sagot-sagutin ako, Nay.” sabi ko dito ng hindi ako tumitingin dito. Naglakad na ako palabas ng bahay kahit hindi pa tumutugon ito. “Joeven! Joeven! Anak, hindi pa tayo tapos mag-usap bumalik ka ditong bata ka, saan ka pupunta?” tawag sa akin ni Nanay, ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang paglabas ng bahay. “Huwag kang mag-isip ng ganyan kay Mica, anak wala siyang ginagawang mali.” rinig ko pang sambit ni Nanay bago ako tuluyang makalabas. “Alam kong wala siyang ginagawang mali. Ngunit iyon lang ang paraan ko, para magalit sa akin si Mica at upang hindi ko na siya masaktan at kusa na siyang makipaghiwalay sa akin. Dahil buo na ang desisyon ko. Hihiwalayan ko na siya dahil kay Alira.” NAHIHIRAPAN akong tanggapin na maniwala na pinauwi ako ni Joeven, sinubukan ni Gerald at Geraldine na mapasaya ako. Ngunit wala akong gana, ang isip ko ay na kay Joeven. Sobrang mahal ko siya at wala akong alam na ginawa ko para ganituhin niya ako ng ganito. Inihatid ako nina Geraldine sa trabaho, kaninang umaga bago ito pumasok sa kanyang klase. Ang magulang nila ay napakabuti sa akin, doon muna ako tumutuloy kina Gerald dahil hindi ko pa kayang umuwi sa amin dahil kay Daddy. Ayaw ko muna marinig ang mga makakasakit na pagsusumbat sa akin ng aking ama dahil mukhang tama ito sa kilatis niya kay Joeven. Masakit pa ang ginawa sa akin ni Joeven, ayaw ko muna dagdagan ito. Sinamahan kami ni Gerald sa paghatid sa amin ni Geraldine. Kotse nito ang ginamit naming tatlo. Bago ito pumunta kay Joeven para kausapin, ayaw ko muna nga siya, sana mamagitan sa aming problemang mag-asawa. Kaya lang mabuti na iyon. Baka mapabago pa ang isip ni Joeven kapag nakausap siya ni Gerald. Dahil nasa work ako ay pinanatili ko ang maging okay sa harap ng mga katrabaho ko tulad ng dati. Ngunit kay Theon ay hindi nakalagpas sa mapanuri nitong pakiramdam ang aking kalungkutan kaya kinausap ako nito. “Nakikita mo na kung bakit sinabi ko sa iyo na bumalik ka na lang sa iyong Ama. Kaming mga lalaki nagkakaroon ng desisyon na kung minsan pinaninindigan na namin talaga at hindi na binabawi.” sabi niya. Nandito kami ni Theon sa isang sulok kumakain ng tanghalian. Lunch break namin kasi ngayon. “Huwag mo nang alalahin ang mga bagay na kami lang mag-asawa ang dapat namamagitan.” “Theon, magiging maayos kami ni Joeven, mahal ako ni Joeven. Siguro na e-stress na siya sa pag-aaral niya kaya nakakapagdesisyon siya na hindi iniisip ang mga mangyayari. Babalik din kami sa dati. Kaya kalimutan ko mo na lang ang mga ipinayo mo sa akin," sabi ko. “Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo. Baka may nakita ng ibang babae si Joeven sa kanyang pinuntahan kaya narito siya upang hiwalayan ka. Kaya gumagawa lang siya ng issue tungkol sa'yo na walang katutuhanan, para iwan mo siya.” dagdag pa nito. “H-Hindi magagawa sa akin 'yan ni Joeven. Mahal niya ako.” Pagtatanggol ko sa asawa ko, pero kahit 'di ko aminin, iyon din ang nararamdaman ko. Pero ayaw ko na mang pagdudahan ang pagmamahal nito sa akin. “Mabuti pa bumalik na ako sa mga gagawin ko ubos na ang oras nang lunchbreak ko. Excuse me,” sabi ko at nagmamadali na akong umakyat sa opisina nito. Lahat ng oras, kaligayahan ko, pagmamahal ko para kay Joeven ay ibinuhos ko dito. Hindi ko kayang bigla na lang masayang ang lahat. Kaya hindi ako mag-a-aksaya ng panahon. Kailangan kong gumawa ng paraan upang maayos ang gusot o problema sa aming pagsasama kahit 'di ko alam kung mababago ko pa ang lahat. HINDI ako nasisiyahan sa nangyari kay Mica, parang gusto kong makita ang taong iyon at suntokin ang walang hiyang iyon. Sa kadahilanang hindi siya karapat-dapat kay Mica. Aalamin ko kung bakit naging ganoon ang pakikitungo niya kay Mica, lalaki din ako at malakas ang pakiramdam kong may babae ito. Kahit hindi ko gaano napagmasdan maigi ang hilasta ng pagmumukha nito. Sa buong pag-iisip ko sa kung paano haharapin ang asawa ni Mica. Ay hindi ko namalayan na mag a-ala sais na pala ng gabi. Kaya niligpit ko na ang mga gamit sa aking table at inayos ko na ang aking laptop at isinilid sa aking attachecase na lagi kong dala-dala. Napagpasyahan kong isabay si Mica pauwe, kahit na naisip kong hindi pumayag ito. Pagkatapos kasi nang pag-uusap namin kanina baka nagalit ito sa mga sinabi ko. Kaya sana pumayag siya. Malayo-layo pa lamang kami sa bahay nina Gerald nang may makita kaming dalawang lalaki na nagsusuntukan habang sinubukan nang mga tao na paghiwalayin ang dalawa. Noong una ay binaliwala ko lang iyong ngunit habang papalapit na kami ni Theon sa bahay nina Geraldine ay nakilala kong si Joeven at Gerald pala ang dalawang lalaking nagsusuntukan. Kaya inutusan kong bilisan na ni Theon, ang pagmamaniho upang makalapit na kami doon. Pagkaparada lang ng kotse ni Theon ay hindi ko nahinintay na mamatay ang makina ng sasakyan nito ay agad na akong bumaba at nilapitan ang dalawang magkaibigan. Inawat ko si Joeven ng subukan nitong suntukin ulit si Gerald, ngunit sampal lang ang itinugon nito sa akin na ikinagulat ko. First time akong pagbuhatan ng kamay ni Joeven. Kaya natulala lang akong nakatingin sa kanya pati na rin sina Geraldine at mga magulang nila. Natauhan na lang ako ng suntukin ito ni Theon sa mukha sanhi, upang mapasubsob ito sa kalsada. Kaya napatili akong lumapit dito. MATAPOS kong mailigpit lahat ay lumabas na ko sa office at sinilip ang puwesto ni Mica sa kanyang table. Naroon pa ito at nag-aayos na din para umuwi. Kaya nilapitan ko ito. Bahagya pa itong nagulat ng magsalita ako sa kanyang likuran. “Uuwi ka na ba kailangan mo ba ng tulong?” tanong ko dito. Umiling lang ito at ipinagpatuloy ang pagliligpit nito. “Look, I'm sorry about what i am saying kanina. Mica, I know i'm rude to say this. But sinasabi ko lang ang posibilidad kung bakit nagawa niya iyon." apologetic kong sabi dito. “Alam kong concern ka lang, pero masakit isipin sa side ko na iyon nga ang dahilan kong bakit naging malamig ang pakikitungo sa akin ni Joeven. Pero ayaw ko na iyon nga ang dahilan dahil masasaktan ako ng sobra.” malungkot na sabi nito sa akin. Tapos na itong ligpitin lahat ng gamit nito kaya lumakad na ito papuntang Elevator. Sumabay ako sa kanya. “But your forgiven now.” nakangiti na ito ng humarap sa akin. “’Yan, dapat ganyan maganda ka kapag nakangiti, and again im sorry sa mga sinabi ko sa'yo. Promise 'di na mauulit.” Nag cross sign pa ako sa kanya. “Ngayon na bati na tayo puwede na ba kitang ihatid sa tinutuluyan mo ngayon?" I ask her with my puppy eyes look at her. “Sige na nga, baka maglupasay ka pa diyan. Kapag 'di kita napagbigyan.” nakangiting saad nito sa akin. Kaya napangiti na rin ako at sabay na kaming sumakay ng elevator pababa ng groundfloor kung saan doon nakaparada ang aking itim na toyota. Masaya kaming nag-uusap habang nasa biyahe parang hindi dumaan sa kalungkutan si Mica ng sandaling iyon. Maaliwalas na ang mukha nito kumpara kanina na lumalabas ang kunting gitla sa makinis nitong noo. Malapit na kami bahay ng kaibigan niyang si Geraldine. “May gulo ata sa tapat ng bahay ng kaibigan mo Mica?” sabi ko dito. Habang nakatanaw ito sa bintana na nasa tabi niya. Noong una ay tiningnan niya lang ito, pero napabalik ang tingin niya ulit doon at napakunot ang noo. “Theon bilisan mo nga nang kaunti ang takbo ng sasakyan mo, dali si Gerald at asawa ko ata ang nagsusuntukan.” utos nito sa akin kaya pinatakbo ko ng mabilis ang kotse ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay na iyon. Hindi ko pa nga napapatay ang makina ay bumaba na agad ito sa kotse at patakbong inawat nito ang asawa niya. Alam kong asawa niya iyon dahil kilala ko na man ang isa pang lalaking kasuntukan nito na si Gerald. Kaya imposibleng ito ang asawa ni Mica. Agad kong pinatay ang makina ng aking kotse at nagmamadali din akong bumaba dahil sa nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD