CHAPTER NINE

1413 Words
IBINUHOS ko ang aking sarili sa pagta-trabaho matapos kung makausap si Theon. Hindi ko sinagot ang hiling niya sa akin. Pero pinag-iisapan ko lahat ng pinag-usapan namin, inaalala ko rin ang mga araw na kasama ko si Joeven. Ibang iba na nga siya ang dating malambing at palangiti kong asawa ay tuluyan na ngang nanlamig sa akin. Kahit anong isipin ko, kung bakit bigla na lang siyang nagbago ay wala akong maisip na nagawa kung kasalanan sa kanya. Kaya bigla na lang siyang naging ibang tao. Isinantabi ko muna ang aking iniisip tungkol sa aming mag-asawa at iniisip ko muna si Nanay Thalia, kung saan ako kukuha ng pampagamot sa kanya. Kahit papaano ay naging mabuting ina sa akin ang aking biyenan. Itinuring niya akong anak na hindi ko naramdaman sa aking ina na maagang nawala sa mundong ito. I was 8 year old nang mamatay sa isang car accident ito. Simula noon ay nangungulila ako sa aruga ng isang ina, na natagpuan ko kay Nanay Thaila. Kaya gagawin ko ang lahat para lamang gumaling ito. Hindi ko namalayan, oras na pala ng uwian kung hindi pa ako kinausap ni Theon kung sasabay ako sa kanya pauwi. Nalimutan ko na, nasa trabaho pala ako dahil sa mga bumabagabag sa aking isipan. Pumayag na akong makisabay sa kanya dahil wala na rin naman akong masasakyan at nagtitipid din ako, dahil kunting-kunti na lang talaga ang pera ko. Habang nasasakyan kami ay wala pa rin akong imik at ganoon din naman siya sa akin. Nakikiramdam lang siguro ito, kung iimikan ko siya o tuluyan na akong tatahimik. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng aming bahay. Nagtaka ako kung bakit nalaman niya kung saan ako nakatira. Wala naman akong natandaan na isinama ko na ito roon. Hindi ako nakatiis at inusisa ko ito kung bakit alam niya ang tinutuluyan ko. “Bakit pala alam mo kung asan kami nakatira?” sabi ko. “Natatandaan mo ba noong una tayong nagkita noon, sinundan kita dahil nag-aalala ako sa'yo noon kahit na sinungitan mo ako. Dahil alam kong wala ka sa sarili noon. Baka kasi mapahamak ka kaya ayon.” nahihiyang sagot nito sa akin. Napataas ang kilay ko sa sagot niya sa akin. “Kahit pala nasungitan kita ay nagawa mo pa akong ihatid sa aking tinutuluyan.” napapangiti kong saad dito. Napakamot na lamang ito ng kanyang ulo dahil sa pagkapahiya. Pinasalamatan ko siya hindi, dahil hinatid niya ako ngayon kundi dahil sa sinabi niya kanina. Nakakatuwa naman na kahit sinupladuhan ko ito ay nagawa nito akong sundan, para lamang makita nitong walang mangyayaring masama sa akin. Ngayon ko lang napatunayan na kahit arogante ito ay may mabuti din pala itong puso. Dati ay kinaiinisan ko ito pero habang nakikilala ko siya ng lubusan ay humahanga na ako dito ngayon, at itinuturing ko nang isang kaibigan ang lalaking ito. “Sige, bumaba kana at baka kanina kapa hinihintay ng asawa mo. Baka magalit pa iyon sa'yo. Salamat pala at hindi muna ako ngayon tinanggihan.” Nginitian ko siya nang tunay na ngiti at nagpasalamat ulit dito. Bumaba na ako sa kanyang sasakyan, ngunit hindi ko pa nasasara ang pintuan ng magsalita ulit ito. Sana pag-isipan mo ng maayos ang offer ko sa'yo, Mica. hindi para sa asawa mo at sa ama mo kundi para sa sarili mo. Sana makapagdesisyon ka ng tama na hindi mo pagsisihan sa bandang huli. Napatingin ako sa kanya ng mataaman at ngumiti ako ng magaan at nagwika. “Thank you, sa mga payo mo at sige, pag-iisapan ko ito ng maigi para sa sarili ko maraming salamat kaibigan." Isinara ko na ang pintuan at tuluyan na nitong pinaandar ang kotse, nanatili akong tinatanaw ang kanyang sasakyan hanggang sa mawala sa aking paningin si Theon. Napaharap ako sa aking likuran ng mag-salita si Joeven, hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya. “Kanina ka pa diyan?” I ask him. “Sapat lang para makita kitang nakikipag-ngitian sa boss mo, o boss mo nga lang ba s'ya?” “Of course, boss ko siya at kaibigan na rin.” sagot ko, hindi ko gusto ang ipinahihiwatig niya sa tanong niya sa akin. “May boss bang ihahatid ka pa? Lalake ako Mica, alam ko kung hanggang katrabaho lang ang tingin niya at alam ko din na may gusto sa'yo ang boss mong iyon. Tapos, ikaw parang gusto mo pa at nakikipagngitian ka pa sa kanya.” nag-a-akusang paliwanag nito. “Ano bang nangyayari sa'yo? Magkaibigan lang kami ng boss ko pero kung ayaw mong maniwala wala na akong magagawa.” pagkasabi ko niyon ay pumasok na ako sa bahay na abutan kong nanunuod ng T.V si Nanay Thalia, nagmano ako dito. Aakyat na sana ako, sa silid namin ni Joeven nang magsalita ulit ito nakalimutan kong nakasunod pala siya sa akin. Baka naman gusto mo rin na hinahatid ka ng boss mo, kasi may kotse dahil namimiss mo na ang buhay mo noon. Na hindi mo na nagagawa ngayon o kaya dahil may gusto ka din sa kanya. Don't you.” saad nito. Na ikinalingon ko sa kanya. 'Di ko inaasahan na paparatangan ako ni Joeven ng gan'on sa harap ng kanyang ina. “Kailan mo pa ako pinag-iisipan ng ganyang mga bagay, ah, Joe? Alam ng tao na may asawa na ako, at hindi ko ikinakaila iyon. Kahit kaninong tao.” deritso kong saad dito. “Joeven, anak ano bang nangyayari sa'yo? Alam mo kung paano siya nagdusa nang suwayin niya ang kanyang papa, upang makasama ka lamang. Kahit hindi sanay sa hirap si Mica, anak ay nakaya niyang makisalamuha sa atin. Tapos ngayon ay nagagawa mong paratangan siya na niloloko kaya n'ya.” tanong ng kanyang ina sa malamig na mahinang boses. “Ina, sa tingin mo ba mahal talaga ako ni Mica, Kung mahal niya talaga ako bakit siya nagpapahatid sa kanyang boss ilang buwan lang akong nawala, iyan na ang pinag-gagawa niya.” walang galang na sagot niya kay nanay Thalia. “Mahal kita, at alam mo yan lahat ginagawa ko para patunayan 'yon. Pero ngayong makakapagtapos ka lang, ganyan na kababa ang tingin mo sa akin.” naiiyak na sumbat ko sa kanya. “’Di ba tama naman ako? Kung hindi mo gusto ang mga pinagsasabi ko ay umalis ka na lang dito, 'di kita kailangan sa buhay ko, kaya ko naman makapagtapos ng pag-aaral kahit wala ka.” nagagalit na sagot nito sa akin, hindi ako makapaniwala na pinapaalis na ako nito. “Itigil mo nga 'yan. Pinagsasabi mo ano bang nangyayari sa'yo. Sinasabi ko lang lahat ng napapasin ko sa'yo, simula ng umuwi ka!” Sigaw ko, “Nakita n'yo na nagagawa na niya akong sigawan nagbago na nga siya.” si Joeven. “Ikaw ang nag bago sa ating dalawa, Joeven. Ilang buwan kang nawala, naging madalang na ang pagtawag mo sa akin. Kapag sinasagot mo ang mga tawag ko sasabihin mo pagod ka kaya kailangan mo magpahinga, putsa naman inunawa kita naging maunawain ako. Tapos ito isang beses lang niya ako hinatid, nag-iisip ka na agad nang masama. Simula ng mawala ka. Alam ng Diyos na wala akong ginagawang masama. Ikaw ang nalamig sa akin Joeven, kaya 'wag mong baliktarin ang sitwasyon.” pagkasabi ko nito ay tumakbo na ako paakyat sa kuwarto ko. Naging bastos man ako sa harapan ni Nanay Thalia, ay wala na akong pakialam. Bakit nagkakaganon si Joeven. Kahit 'di ko man aminin alam kong may nagbago sa kanya. Alam ko! Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Wala pa rin si Joeven sa kuwarto namin, hindi ko alam kung saan ito pumunta. Biglang tumunog ang aking cell phone, tiningnan ko ito kung sinong tumatawag si Gerald. “Hello!” sagot ko sa tawag niya. Bakit kaya tumawag ito ng ganoon oras? Ngunit ibinaba nito ulit, naguguluhan tuloy ako kung bakit ito tumawag sa akin. Ibinaba ko na lang ang aking cell phone at natulog na ako. Hindi ko na lang hinintay si Joeven. Ayaw ko na din naman muna itong makaharap. Kinabukasan ay maaga akong umalis sinadya kong 'di ko muna ito makita dahil masama pa rin ang loob ko dito. Sinubukan ni Theon ang kanyang makakaya upang pasayahin ako ngunit hindi ko mai-ngiti ang mga labi ko, hanggang sa matapos ang buong araw namin ni Theon. Sinubukan nitong alukin akong sumabay ako dito, ngunit tinanggihan ko ito. Kailangan ko munang umiwas sa kanya upang wala nang masabi sa akin si Joeven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD