CHAPTER EIGHT

1184 Words
NATUTUWA ako dahil umuwi si Joeven para kay nanay Thalia, inilabas na namin ito mula sa ospital. She was allowed to be discharged from the Hospital and he was banned from doing much work and taking medication on time. Sa makalawa na ang kanyang pagpapa-opera hanggang ngayon ay namomroblema pa kami kung saan kukuha ng limangdaang libong piso. Nagtataka ako kung bakit naging malamig sa akin si Joeven, nitong huli. I don't know the reason why? Maybe that he is tired because he has so many activities at his school. Gumising ako ng maaga upang gawin ang kanyang paboritong pagkain at inumin na tsaa. Matapos kong makapaggayak. Pumunta ako sa kanyang silid upang bigay iyon sa kanya, naabutan ko siyang natutulog pa rin kaya ibinaba ko muna sa single table ang mga pagkain at ginising ko ito. Tinapik ko siya ng magaan sa kanyang pisngi. “O, Ano? Hindi mo ba nakikita na natutulog ako?” buong saad nito. “Sorry, gumawa ako ng paborito mong agahan tinawag kita kaya lang 'di ka bumababa kaya naisipan kung dalhin ko na lang dito.” turan ko. “Wala pa akong ganang kumain, kaya ibaba muna ang mga iyan.” Walang ganang sagot nito at humiga ulit. “Pasensya na,” sabi ko at kinuha ko na ang mga dala ko, na nadidismaya akong lumabas ng kuwarto namin. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Kinuha ko na lang ang aking bag para magtungo sa trabaho. Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Gerald kaya't nakahanap ako ng pagkakataon na magtanong tungkol sa biglaang pagbabago sa akin ni Joeven. “Well hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Joeven, ngunit sa palagay ko dapat kang kumilos nang maaga bago pa mahuli ang lahat.” Makahulugang sabi niya. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko. “Ang akin lang Ysa, Bakit 'di ka na lang makipag-ayos sa iyong ama ng hindi ka nahihirapan sa sitwasyon mo kila Joeven. Humingi ka ng tawad sa iyong ama, is this how you want to live? Mayaman kayo. Bakit ka nagpapakahirap?" tanong niya. “Hindi gusto ni Daddy si Joeven at alam mong mahal ko siya, ang aking ama ay laban sa aming relasyon sanhi na si Joeven ay mahirap lamang.” sagot ko. “Bakit, 'di ka maging praktikal muna Ysa, mag-aral ka muna magtapos at kapag naging matagumpay ka saka muna lang balikan si Joeven?" “Gerald hindi ko maintindihan kung bakit bigla ka atang naging totol sa relasyon namin ng kaibigan mo, hindi ka ba masaya para sa amin?” Tanong ko dito na naguguluhan, dati naman ay pumapabor siya sa aming relasyon. ”Masaya ako syempre, pero mas magiging masaya ako kung kasama mo ang iyong Ama, at nasa mabuti kang kalagayan.” sagot niya. “Hindi kadali ang mga naiisip mo, Gerald mahal ko si Joeven at nangako kami sa harap ng Diyos na magsasama kami sa hirap at ginhawa at magdadamayan.” sabi ko dito; At hangga't hindi sumusuko sa akin si Joeven ay 'di ko rin s'ya susukuan. Kung gan'ong hindi mo iyon maintindihan mas mabuti nang 'wag ka na lang makialam. Pagkasabi ko niyon ay iniwan ko na siyang nakatayo roon. Nagtataka ako kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin kay Gerald. Nagtatanong lang naman ako kung bakit naging malamig sa akin si Joeven. Napailing na lang ako. Ano ba ang nang yayari sa magkaibigan na iyon? PAGKARATING ko sa opisina ni Theon ay nandoon na ito. Binati ko ito at binati rin naman niya ako pabalik. “Good morning din Mica." Nakangiting bati nito sa akin, pagkatapos ng insidente sa ospital si Theon at ako ay naging magkaibigan na nang tuluyan. Nang tawagan ako nito ay sinagot ko sa pag-a-akala kong si Joeven ang tumatawag sakto naman na tinawag ako ng doctor na tumingin kay Nanay Thalia at kinausap ako tungkol sa kalagayan nito. Narinig lahat iyon ni Theon na hindi ko namalayan na hindi ko pala na off ang cell phone ko. Kaya nagulat na lang ako nang makita ko ito doon sa hospital. At siya na ang nagbayad ng bell namin doon. “Nasaan na ang pangako mo sa akin Mica?" tanong nito sa akin. “Ah?” tanong ko. Nakalimutan ko pa lang magkukuwento ako kung bakit nandoon ako sa hospital kasama ang nanay Thalia. Pero bakit mo gustong malaman tungkol doon?" Tanong ko. “Dahil magkaibigan na tayo at kailangan kong malaman tungkol sa aking impleyada para sa susunod na absent ka ay may valid reason ka ng idadahilan sa akin.” birong totoong sagot nito. “Okay, anong gusto mong malaman, tanungin mo lang ako at sasagutin kita.” sabi ko. “Sino ang iyong mga magulang. Kung ang nanay Thalia mo ay magulang ng Asawa mo?" tanong niya. “Si Mrs at Mr. De Ocampo." sagot ko “Oh, sabi ko na nga ba? Bakit noong una itinanggi mo iyon." tanong niya na hindi na nagulat. “Pasensya na may family essue, kasi ako kaya gan'on. Kilala mo ba sila?” tanong ko. “Oo, naman sino ba ang hindi makakakilala sa pinakamayamang Gobernador sa Taguig, Anong dahilan at napapadpad ka dito upang magtrabaho kong mayaman ka naman pala?" tanong ulit nito. Bukal sa loob kong Isinalaysay ang lahat sa kanya, kung paano ako pinalayas ni daddy dahil kay Joeven. “Masyadong masama ang nangyari sa'yo. Sorry for that but hindi naman ata tama ang ginawa sa'yo ng Daddy mo. Nagmahal ka lang naman. Pero may tanong ako sa iyo Mica, Answer me iyong totoo. Sino ang mas mahal mo ang taong tatlong taon mo palang nakakasama na asawa mo na ngayon? O ang Daddy mo na nag-aruga sa iyo nang maraming taon?” tanong niya. “Syempre mahal ko sila pariho. At ayaw ko pumili sa kanila." sagot ko dito nang hindi kumukurap. “Talaga?" sabi nito, “Of course I love two of them.” Sabi ko. Tumango ito at pagkatapos ay nagsalita ulit ito. Maaari mo ba akong gawan ng isang pabor?” tanong niya. “Oo naman, basta kaya ko?” Sagot ko na handang gumawa ng anumang bagay para sa kanya ganyan ang magkakaibigan. “Bumalik ka sa iyong Ama, at humingi ng tawad sa kanya. Bibigyan ko ang asawa mo nang pampa-opera ng kanyang ina, pero sa isang kondisyon. Lalayuan mo muna si Joeven. Magtatapos ka muna ng pag-aaral habang nagtatrabaho ka sa akin. At kapag may sinasabi na kayo pariho sa buhay at kapag mahal n'yo pa ang isa't isa saka kayo mag-sama. Magagawa mo ba iyon ah, Mica?” paghahamon nito sa akin. “A-Are you out of your mind? Bakit gagawin ko iyon at anong kasiguraduhan kong kami parin hanggang sa huli ni Joeven?" tanong ko na naiinis. “Kung mahal ka niya at mahal mo siya, kahit gaano pa katagal na magkahiwalay kayo. Kayo at kayo pa rin hanggang sa huli. At kung pariho mo silang mahal magsasakripisyo ka para sa mga taong mahal mo.” paliwanag nito sa akin. Napabuntong hininga ako sa tinuran niya. Tama naman siya ang tanong kakayanin ko kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD