Aalis na kami rito sa probinsiya. Ilang araw na lang ang hintayin hindi na kami magkikita. Hindi ko na makikita si Martin kaya para saan pa kung magiging mahigpit ako sa kanya. Baka paasahin ko lang din siya. Ayaw kong mangako dahil hindi ko alam kung mautupad ko ba. Siguro hahayaan ko na lang na silang dalawa ni Joanna ang magkatuluyan. I will let him go. Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa naisip. Kaya ko bang mapunta siya sa ibang babad gayong alam ko sa sarili na gustong-gusto ko siya? "Iha? Bukas na ang uwi natin pa balik ng Manila. Nakapag handa ka na ba? Did you pack your things?" My dad asked me. Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang pumasok si Daddy sa kuwarto ko at tinanong iyon. These past few days wala ako sa sarili. Parang ang isip ko nandoon pa rin sa peryahan kung saa