Ramona 6

1650 Words
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa pantry at kumuha ng mga malalaking sitserya na naka-stock at mga inumin bago umupo sa sofa sa sala at binuksan ang tv. I am too beautiful para magmukmok sa kwarto ko at umiyak dahil lang nahuli ko ang magaling kong ex na may ibang babae. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang gaya niya. Mas mabuti pang magpakabusog kesa umiyak dahil sa love story kong maagang nausog. Isa pa bakit ako iiyak dahil sa kanya? Hindi siya kawalan, kayang-kaya ko siyang palitan. Para ngang nagkatotoo ang sinabi ni ate Ren na sa una lang masaya. Feeling ko tuloy talagang sinumpa niya ako kanina. Nagkatotoo agad ang sinabi niya, baka nga witch talaga siya. Ang lakas pa ng loob ko na ipangako sa sarili ko na magtatagal kami iyon pala ending na agad. Gael is not worth it. Sinayang niya ang oras ko. Kung hindi pala niya kayang maging tapat dapat hindi na lang siya nanligaw sa akin una pa lang. Kung hindi pala siya seryoso, dapat hindi na lang siya nangakong ako lang ang mamahalin niya. Umasa ako, tapos eksaktong isang buwan pa lang mahuhuli ko na siyang may babae. Nakakatawa. Hindi ko maisipang matawa ng mapakla kapag naalala ko kung paano siya magmakaawa para lang mapansin ko. Dapat pala una pa lang hindi ko na siya pinansin. Ilang beses kong pinalipat-lipat ang tv dahil wala akong makitang magandang palabas hanggang sa mapadpad ako sa isang chanel kung saan may live broadcast ng performance ng paborito kong banda. Bigla akong napatayo. "Why so hot, bebeloves!" I squealed in front of the tv while watching my favorite idols performing. Mabuti pang mabaliw sa mga lalaking nasa screen kaysa sa mga lalaking sa una lang magaling. Mas mabuti pang sa kanila na lang ako kiligin. Sinasabayan ko na rin ang pagsayaw nila. Todo kembot at ikot ako sa sala. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin at isipin na nababaliw na ako. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano kaya kailangan kong i-entertain ang sarili ko sa bagay na magpapasaya sa akin. "What are you doing? Daig mo pa ang bulateng naasinan." Naiiling na patamad na naupo sa sofa si Ate Renata habang nakatingin sa akin. Kumuha ito ng isang snacks na nakakalat sa center table. Ipinnatong nito ang paa sa centerr table bago nagtatakang tiningnan ako na patuloy pa rin sa pagsasayaw. Inirapan ko siya. "Kj." "They look like gays." "THEY ARE NOT!" Bigla akong napahinto sa pagsasayaw at humarap ako sa kan'ya. Binigyan siya ng matalim na tingin. Masyado talagang matalas ang dila ng isang ito. Nakakainis siya. Lahat na lang hinuhusgahan niya. "Are you sure? They wearing too thick makeups and the filter makes them more like a fairy than a princes." Pinagkrus pa nito ang mga binti at naghahamon na tumingin sa akin. Tila wala siyang pakialam kahit naasar ako dahil sa sinasabi niya. "Jugdemental lang?" "Fangirl malala lang?" "Paki mo ba? Inggit ka?" "Bakit naman ako maiingit? I am not fan of flower boys. I want someone with overflowing of testosterone." "So? I am not you. Kaya pwede ba, stop calling them gays. They are just feminine and what's wrong being gays?" "Why are you angry? I just stated my opinions based on what I see. I just said that they look like gays but I did not say something bad against them, right?" " You judge them!" "Stop acting like a kid, Ramona. Daig mo pa ang Katipunera na handang sumabak sa gyera para sa mga idolo mo. Sinabi ko lang na mukha na silang bakla sa kapal ng makeups at filter nila pero hindi ko sinabing bakla sila. Sa kakapangirl mo, humina na comprehension mo. Itigil mo na iyan," anito at sumubo ng hawak na snack. Gusto ko siyang sungalngalin pero alam ko na kung merong tao na hindi marunong magpatalo ito ay ang taong nasa harapan ko. Kung ang babae ni Gael walang hirap kung naingudngod kanina, si ate Renata baka ako ang pahalikin nito sa sahig kapag naasar sa akin. Mas mahaba sungay nito sa akin. Nakakaasar siya. Hindi naman mukhang bakla ang mga idols ko. Ang cute nga nila. "Why are you here by the way?" Nagdududang tingin ang binigay nito sa akin. Hindi ko sinalubong ang tingin niya. "What do you mean?" Pa-inosenteng tanong ko. Ikiniling ko pa ang ulo ko para tingnan siya na kunwari wala akong alam sa sinasabi niya. "You have a date, right? Wala pang isang oras mula ng umalis ka pero bakit nandito ka ulit agad? Tell me the truth. Is it over?" May mapanuyang ngiti ito sa mga labi habang matamang nakatingin sa akin. Umupo akong muli at itinaas ang aking mga paa sa sofa bago tumingin sa kanya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Anong over?" "I am not stupid, Ramona. Maaga kang umalis to meet your so-called boyfriend and then you came back after an hour. It is easy to predict that something wrong happened." Bakit ba masyado siyang observative? Lahat na lang napapansin niya. "I caught him cheating on me." wala na akong nagawa kundi umamin sa kanya. Alam ko naman na hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo. "Oh." "Ang kapal ng mukha niya. Hindi naman siya ubod ng gwapo pero nagawa niyang magloko. Pasalamat nga siya pinatulan ko siya," pagngingitngit ko. Oo pangit si Gael. Dahil sa ginawa niya pangit na siya sa paningin ko at hindi na iyon magbabago. Kung kaharap ko lang siguro si Gael ngayon baka nasaktan ko na naman ito. Nangangati na naman ang kamay kong manakit kapag naalala ko ang nakita ko kanina. "What did you do then?" curious na tanong nito. Mataman itong nakatingin sa akin at naghihintay ng isasagot ko. "I followed your advice." Ngumiti ito sa naging sagot ko. "How many blow?" "Once." "Once is not enough. Dapat mga tatlong beses mo siyang sinapak." Bakas ang disappointment sa mukha nito. "Why do you want me to be violent?" "Sometimes, punching a cheater is not a bad idea. Bakit kasi bigla kang nag-switch? Akala ko ba si Nero lang ang gusto mo tapos malalaman namin may boyfriend kana." Sinamaan ko ng tingin si ate Ren. Brokenhearted na nga ako tapos ipapaalala pa niya sa akin si Kuya Nero. Yung sugat na nararamdaman ko parang pinatakan pa niya ng asin. Isa talaga sa pinagsisihan ko na ipagsigawang crush ko si Kuya Nero noon dahil ginagamit na lang iyon ni ate Ren palagi para asarin ako. "Ilang beses ko bang sasabihin ayoko na kay Kuya Nero," nakasimangot na saad ko. Ang kulit niya. "Kuya?" natatawang ulit niya. Nasa mukha niya ang pang-aasar. "You called him Kuya? I thought you don't need an older brother?" "Ate, ano ba?!" hindi ko mapigilang mapasigaw sa asar sa kanya. "Dapat kino-comfort mo ako ngayon. Broken ako, okay? Niloko ako ng pangit kong ex. Nahuli ko siyang may kasamang babae sa apartment niya. But instead of comforting me, you chose to tease me. Ate ba talaga kita?" Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko ang luha ko. Bakit ba parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Kanina ko pa gustong umiyak kaya nga nilibang ko ang sarili ko sa kakafangirl pero tinawag naman niyang mukhang bakla mga idols ko. Tapos ngayon pinipilit niya akong tuksuhin kay kuya Nero. Itinirik nito ang mata. "Huwag ako, Ramona. Itigil mo iyang kaartehan mo. Disappointed ka sure ako pero hindi ka broken. I know that you are just using that jerk to forget Nero. You never love that guy because it is always Nero. You can deny it but you can't hide it. You are a user and he is a cheater what a perfect combination." Bahagya pa itong natawa sa sinabi nito. Kinuha ko ang throw pillow na nasa tabi ko at malakas siyang binato. Dahilan para mapayuko ito sa lakas ng impact ng pagkakatama ng unan sa ulo niya. Nakakaasar siya. Walang pakisama. Nangigigil ako sa kanya pero hindi ko naman siya magawang saktan dahil alam kong gaganti siya. "Did I hit the bulleye." "I did not use him. At first yeah but-" "But you like him now? How fake." "How can you be so sure that I am just faking everything? Hawak mo ba ang feelings ko?" Balewalang sumubo ito ng sitseryang hawak bago tumingin sa akin. Naasar talaga ako kapag parang binabalewa niya ang mga sinasabi ko. "Then tell him that you love your ex. What is his name by the way? Nag-break na kayo at lahat hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Sa lahat ng niloko ikaw ang pinakakalmado" No way. Mabuti nga hindi ko ipinakilala sa kanila si Gael. Nakakahiya, ipapahiya lang ako ng lalaking iyon kung sakali. Hindi rin ako kalmado. Nagawa ko na ngang manapak, manabunot at manuntok tapos kalmado pa ako sa lagay na ito? Paano pa kaya kung di ako kalmado? "You don't have to know his name. Burado na siya sa buhay kaya huwag kana maging interesado na malaman ang pangalan niya." Ngumiti na naman ito. Tuwing ngingiti ito hindi ko maiwasang magduda sa susunod na sasabihin nito, "So balik Nero kana ulit?" Sabi na nga ba. Wala siyang sasabihing matino. Humugot ako ng malalim na hininga bago tumayo. "Listen. HINDI.KO.NA.CRUSH.SI.KUYA.NERO. AYOKO NA SA KANYA. Naiintindihan mo?" may diin ang bawat salitang binitiwan ko para naman pumasok sa kukute ng magaling kong ate. Para tantanan na niya ako. "Yeah, I understand." Sabay kaming napatingin ni ate Ren sa front door dahil taong sumagot sa sinabi. Nakita ko ang seryosong mukha ni ate Rob pero nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Biglang tinakasan ng dugo ang mukha ko ng makita ko si Kuya Nero na nakangiti na sa akin habang nakatayo sa tabi nito si ate Rob na seryoso pa rin gaya ng dati. Anong ginagawa niya dito? Wala na bang imamalas ang araw na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD