Daig ko pa ang tinakasan ng dugo nang makita ko si Nero na malapad ang ngiti.
Hindi ko alam pero biglang kumabog ang puso ko nang magtama ang mata naming dalawa. Gusto kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko alam ang aking sasabihin. Kung pwede lang bumuka ang kinatatayuan ko ngayon at lamunin ako ng buhay ay magpapasalamat pa ako.
"Hi, Nero. Why you look good today?" bati ni ate Ren dito. Kahit naka-casual attire lang naman si Kuya Nero. Ganyan lang talaga si ate Ren, minsan matalas ang dila, minsan naman mabulaklak na daig pa ang budol-budol na nang-uuto.
"I always look good, Ms. Renata Escalante." Namuti ang mata ni ate sa sagot ni Kuya Nero. Maliban kay ate Rob na bestfriend ni Kuya Nero, close din siya kay ate Ren at ate raf. Sa akin lang talaga hindi kasi iniiwasan nya ako madalas. Saklap di ba?
"Oh, anong nangyari sayo? Nakita mo lang si Kuya Nero mo, nanahimik kana," puna ni ate Ren para bang wala itong alam.
Kung malapit lang siya sa pwesto baka nahila ko na ang buhok niya dahil sa pagiging atribida niya. Alam ko na inaasar lang niya ako pero hindi ba pwedeng manahimik na lang siya? Huwag na niyang dagdagan ang kahihiyang nararamdaman ko.
"May dapat ba akong sabihin?" mataray na tanong ko ng makabawi ako bago muling naupo sa sofa.
Nakita kong dumiretso si ate Rob sa kwarto niya habang naupo naman si Kuya Nero sa pang-isahang sofa katapat ni ate Ren. Ang pwesto namin, si Ate Ren, ako na nasa malaking sofa at si Kuya Nero. Bali nasa magkabilang gilid ko sila naka-pwesto.
Sinusubukan kong iwasan na mapatingin kay kuya Nero kaya itinutok ko ang mata sa telebisyon kahit na wala naman akong naiintindihan sa pinapanood ko.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero ramdam ko ang tinging ibinabato niya sa akin. Bahagya kong iginalaw-galaw ang ulo ko para alisin ang pagka-ilang. Bago mataray na tumingin sa kanya. Muntik kong mahugot ang aking hininga ng magtama ang aming mga mata.
"Why are you staring at me?" nakataas ang isang kilay na tanong ko dito.
Sinusubukan kong magtaray sa kanya para alisin ang pagkailang na nararamdaman ko.
He chuckled then he shook his head. "Why are you mad?" inosenteng tanong nito.
Pasimple ko siyang inirapan. Tinatanong ko siya tapos tanong din ibabalik niya sa akin.
"I am not. Bakit naman ako magagalit? I just can feel your stare." and it's makes me feel uncommfortable. Gusto ko sanang idagdag pero hindi ko kayang sabihin iyon lalo na at nasa kalapit lang namin si ate Ren na alam kung kahit busy sa selpon niya ay nakikinig sa usapan namin. Number one na tsismosa yata ang kapatid ko na ito.
"Nothing. I just find you different today."
Tumikwas ang kilay ko sa sinabi niya.
"What do you mean?"
Hindi naman ito sumagot at nagkibit balikat lang na ikina-frustrate ko. Pag-iisipin pa ako, kung ano ang nais nitong sabihin.
Sabay naman kaming napatingin kay ate Ren nang bigla itong tumayo habang tutok pa rin sa selpon niya.
"I'll go out. Enjoy your talk, guys" sarkastikong paalam nito bago matamis na ngumiti sa amin. Inirapan ko lang siya habang tumango lang naman si Kuya Nero dito.
Biglang tumahimik ng tuluyan nang makaalis si ate Ren. Kahit na may sounds ang tv para bang sobrang tahimik pa rin ng paligid.
Gusto ko nang umalis pero natatakot akong gumalaw sa kinauupuan ko. Yung tipong gusto kong tumakas pero gusto ko rin manatili. Masyadong magulo ang nararamdaman ko.
Napatingin ako kay Kuya Nero ng bigla itong tila nag-aalis ng bara sa lalamunan.
"How's your boyfriend?"
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Kailan pa siya naging interesado padating sa akin?
I remembered he asked me about Gael weeks ago pero mula noon hindi na ulit nagtanong pa kahit nagkikita kami.
Saka ano naman pakialam niya sa lovelife ko? Lagi naman siyan walang pakialam kapag tungkol sa akin. Bakit ngayon nagtatanong siya na para bang normal lang sa kanya?
"I don't have a boyfriend," matabang na sagot ko habang diretso pa rin ang tingin sa tv.
"But you said you are dating him."
Bigla akong napatingin sa kanya. Seryoso pa rin ang mukha nito.
"That was weeks ago."
"Exactly, that was just weeks ago. Already over?" Nakataas ang isang kilay nito pero may maliit na ngiti sa labi. Hindi ko alam kung natatawa ba ito sa akin o ano.
Siguro palihim akong pinagtatawanan nito dahil hindi tumagal ang relasyong ipinagyayabang ko dito. Hindi ko naman kasalanan na manloloko pala si Gael.
"So? Why do you care now when you always don't care about me before?" tanong ko habang diretsong nakatingin dito. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple nito bago sinalubong ang mga mata ko.
"I always care for you, Ramona."
Pagak akong natawa dahil sa sinabi niya. "Yeah, you always care for me as little sister. Nothing more, nothing less. I got it Kuya Nero."
He smirked. "Kuya Nero," ulit nito. Hindi ito umimik. Mataman lang itong nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin ng hindi ko matagalang laban ang mga titig niya.
Tangna, akala ko ba wala na siyang epekto sa akin? Bakit kumakabog pa rin ang dibdib ko tuwing magtatagpo ang mga mata namin? Mahirap ba talaga siyang i-uncrush?
Pinatay ko ang tv at tumayo na ako. Malapit na akong mabingisa katahimikan. Bakit ba kasi ang tagal bumaba ni ate Rob mula sa kwarto niya? Ang awkward tuloy. Dati naman hindi ako nauubusan ng kwento kapag nandito si Kuya Nero pero mula ng magpasya akong kalimutan ang nararamdam ko sa kanya at humanap ng iba sinubkan ko na siyang iwasan. Kaso palpak nahanap ko. At ngayon parang naiilang na ako sa kanya dahil sobrang proud ko pa noong mga nakaraang araw na naka get over na ako. Mali pala ako.
"Are you avoiding me?" biglang tanong nito nang tumayo na ako at nagsimulang talikuran siya ng walang paalam.
"Isn't that what you want?"
"Did I say that?"
Napabuga ako ng hangin dahil sa sagot niya. What's wrong with him? Bakit ang hirap niyang intindihin? He does not like me pero bakit parang nagtatampo siya na iniiwasan ko siya?
"Are you playing with my feelings? Are you hapy now that I broke up with my boyfriend? The last time I checked you are not happy about it. Now are you happy?" hindi ko na maiwasang itago ang inis sa boses ko.
"I am not happy that you are brokenhearted--"
"I am not broken, I am more of disappointed. Why all the guys I like can't like me back? Why the guy I chose to trust, betrayed me? Am I not pretty? Am I not likeable? What's wrong with me?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Inilabas ko ang sama ng loob na kanina ko pa kinikimkim.
Bakit nga ba parang ang malas ko naman yata sa lalaki? Baka nga bata pa talaga ako kaya hindi pa ako maalam pumipili.
"You are beautiful, Ramona. Always remember that." Kulang na lang ay may lumabas na ugat sa leeg nito habang sinasabi iyon.
"Yeah, I know, but not beautiful enough to be your girl," matabang na sagot ko.
Muling gumalaw ang adam apple nito, maging ang mga panga nito tila may nais itong sabihin peron nanatiing tikom ang bibig nito.
Tinalikuran ko na siya bago pa man tumulo ang luha ko at makita niya.
Kay Gael ako nakipag-break. Si Gael ang ex-boyfriend ko. Si Gael ang nahuli kong niloloko ako pero sa huli si Nero pa rin ang iniiyakan ko.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni ate Rob ng makasalubong ko ito. Kalalabas lang nito ng kwarto habang papalapit pa lang ako sa pinto ng kwarto ko.
Nakabihis ito. Marahil naligo pa ito kaya matagal bumaba sa sla. Siguro may pupuntahan sila ni Kuya Nero.
"Wala. Napuwing lang," pagdadahilan ko at mabilis na pumasok sa kwarto ko.
Padapa akong humiga sa kama bago ibinuhos ang lahat ng frustration ko sa pamamagitan ng pagbuhos ng mga luha ko.
Bwesit na puso ito. Ang hirap turuan, sa akin nakakabit pero bakit kay Nero tumitibok?