Muli akong ngumiti kay Gelay. Hindi ko na pinansin pang muli si Nero. Mukha namang nakaramdan ito na ayoko sa presensya niya kaya kusang umalis sa tabi ko.
I ordered a small flourless chocolate cake, isang capuccino at isang black coffee. Pagkalabas ko ng Mariano's ay naglakad na lang ako papunta sa building kung saan nakatira ang pakay ko. Malapad pa rin ang ngiti ko habang naglalakad at dala-dala ang mga inorder ko.
Sa sobrang saya ko pakiramdam ko mahalimuyak ang paligid kahit na alikabok lang naman ang nalalanghap ko. Para ngang gusto ko pang batiin lahat ng nakakasalubong ko ng good morning.
Nang makarating ako sa gusali ay hindi na ako hinarang pa ng mga gwardiya. This is not my first time to be here. Kaya siguro kahit papaano ay kilala na nila ako.
Mabilis akong nagtungo sa elevator. Nginitian ko muna ang may edad na babaeng nasa loob bago ko pinindot ang close button at numero kung saan akong floor pupunta.
Nang makarating ako sa seventh floor ay mabilis ako lumabas ng elevator at nagtungo sa harap ng door apartment ni Gael.
Hindi na ako kumatok dahil alam ko naman ang password ng ng apartment niya at nang subukan kong pihitin ang seradura ay hindi naman ito naka-lock. Hindi ko mapigilang mapailing. Mabuti na lang secured ang building kung saan siya nakatira dahil sa dami ng camera at maayos ang security pero dapat nagla-lock pa rin siya ng pinto. Pero pabor sa akin na hindi niya nai-lock ang pinto dahil nakapasok agad ako pero pagsasabihan ko pa rin siya na ugaliing mag-lock. Mahirap na. Sa panahon ngayon, masyado ng matatalino ang masasama ang loob.
Dahan-Dahan akong pumasok sa loob ng apartment. I am trying my best not to make noise. Alam ko na hindi morning person si Gael kaya kapag wala kaming pasok sa school late na siya palaging gumising. Eight or nine na kasi siya ng umaga laging bumabati ng good morning sa akin kapag weekends kaya kabisado ko na ang oras ng gising niya.
Tahimik ang buong paligid siguro natutulog pa siya. Mabilis akong nagtungo sa kusina at binuksan ang cake na dala ko para ihanda. Iniwan ko muna sa mesa ang kape bago nakangiting humakbang patungo sa kwarto niya. Excited na akong makita ang magiging reaksyon niya. Siguradong magso-surprise iyon na makita ako ngayon dito ng ganito kaaga.
Today is our first monthsarry. Yes, monthsarry and I want to surprise him. Alam ko na sa tingin niya wala akong sweetness sa katawan pero ngayon nag-effort akong gumising ng maaga at bumili ng cake para sorpresahin siya. Alam ko na mababaw lang itong ginagawa ko pero wala kasi akong ibang maisip na pwedeng gawin. Basta gusto ko lang na ako ang una niyang makikita sa araw na ito.
Hindi ko mapigilang kiligin habang na-iimagine ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako.
Bitbit ang cake gamit ang dalawang kamay ko ay nakangiting nagtungo ako sa kwarto niya. Habang papalapit ako ay biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay kinakabahan ako, siguro dahil na-e-excite ako.
Napakunot ang noo ko ng makita kong nakaaangat ang pinto ng kwarto ni Gael. Nang mapatingin ako sa ibaba ay tuluyan nang nagsalubong ang kilay ko. Nakaa-angat ang pinto dahil sa sapatos na nakaharang dito pero hindi ito sapatos ni Gael. High heels.
Pakiramdam ko gustong sumabog ng litid sa sintido sa galit na nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang cake gamit lang ang isang kamay ko at pinulot ang sapatos na may mataas na takong bago pabalyang binuksan ang pinto.
Napangiti ako ng mapait ng makita ko ang gulat at bagong gising na mukha ng nobyo ko habang sa tabi nito ay may pupungas pungas na babaeng tila naantala sa pagtulong dahil sa lakas ng kalabog na nilikha ng pagkakabagsak ng pinto.
Wow, what a perfect surprise.
Ako dapat ang mangso-sorpresa sa kaya pero mukhang nabaliktad ang pangyayari.
Gusto ko silang sugurin at saktan pero napigilan ko ang sarili ko. Mahigpit na napahawak ako sa mga bagay na kasalukuyang nasa mga kamay ko, ang cake at sapatos na napulot ko. Hindi ako magpapakapalengkera at mang-aaway dahil sa nasaksihan ko. Galit ako pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong sayangin pa ang energy ko na awayin sila. Wala na rin namang magbabago. Niloko na ako.
Mabilis na napatayo si Gael dahilan para malantad sa harapan ko ang hubad na katawan nito. Nabawasan ang disappointment ko ng makita ko ang hinaharap niya. Hindi kawalan.
"R-ram..." Hindi nito alam kung ano ang sasabihin.
Ikiniling ko ang ulo ko bago siya tiningnan ng walang emosyon tila hindi pa nito napapansin na hubad at hubo ito sa harapan ko dahil sa kabang nararamdaman nito. Alam nito kung paano ako magalit at sa mga oras na ito, kahit pinipigilan ko ang sarili ko alam kong maari pa rin akong sumabog sa galit. At kapag nangyari iyon kahit siya hindi ako mapipigilan.
"You don't need to explain. Sapat na ang nakita ko." Sinubukan kong magsalita ng tuwid kahit na parang may bara ang lalamunan ko.
"It's not what you think, babe."
Lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Gusto pa yata akong pagmukhaing tanga.
"Look at me. Mukha ba akong tanga?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Mabilis naman itong umiling. "You are always doubting me. Lagi kang nagseselos sa lahat ng mga lalaking nakikita mong lumalapit sa akin tapos ikaw pala itong may ginagawang kalokohan. Wow, napakagaling mo naman. Akalain mo iyon? Naloko mo ako." Natawa ako ng pagak.
Lumapit ito sa akin at akmang hahawakan ako pero isinampal ko na sa kanya ang hawak kong cake bago pa niya ako mahawakan. Hindi ako papayag na dumapo ang mga kamay niyang alam kong naglabakbay sa katawan ng babaeng nasa ibabaw ng kama niya at tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan habang nahihintakutang nakatingin sa akin.
Kung makaakto siya palagi parang takot na takot siyang mawala ako. Iyon pala gumagawa siya ng milagro sa likod ko. Sa dami ng niloko niya ako pa talaga?
Pinahid nito ang cake na nasa mukha at muling nagtangkang lapitan ako at hawakan sa braso pero mabilis akong umiwas.
"Don't you dare touch me. You know me. Alam mo kung ano ang ayaw ko sa lahat. Manloloko at sinungaling kaya hindi mo na kailangan pang magpaliwanag. Tapos na tayo. Kung inaakala mong patatawarin pa kita nagkakamali ka. HINDI.AKO.TANGA."
Nangangalit ang mga ngipin na saad ko sa kanya. Tumingin ako sa ibabang bahagi ng katawan niya bago siya muling tiningnan.
"Mahina na nga ang ulo mo sa itaas, hindi ka pa pinagpala sa ibaba. Kaya magsama kayong dalawa, mga pota," may diin ang bawat salitang binitawan ko siya binato ng high heels na hawak ko. Tinamaan ito sa tiyan dahilan para mapa-igik ito.
Bigla akong napatingin sa babaeng nasa ibabaw ng kama niya na kanina pa tahimik. "Alam mo ba? Alam mo ba na may girlfriend na siya?"
Kinipkip nito ang kumot sa dibdib para takpan ang hubad na katawan. Marahan itong tumango bago yumuko. Tila naging hudyat ang sagot nito para tuluyan na akong sumabog. Joke lang pala na hindi ako mang-aaway. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinila ang buhok niya. Napasigaw ito dahil sa pagkakasabunot ko. Nagmamakaawa ito na bitiwan ko siya pero nabingi na ako.
Akmang aawatin kami ni Gael pero tiningnan ko siya ng masama." Subukan mong lumapit, puputulin ko iyang kaligayahann mo."
Tila bigla itong natakot dahilan para mapahinto ito at mapahawak sa pagitan ng mga hita nito. Saka lang yata nito narealize na kanina pa ito hubad.
Itinaas ko ang mukha ng babae habang mahigpit na hawak ang buhok niya. "Alam mo naman pala? Bakit pumatol ka? p****k ka ba? Hindi na sana kita papansinin e pero dahil sa pag-amin mo biglang gustong kumawala ng galit ko." Inilapit ko ang bibig ko sa may tainga niya. "Remember this. I will get even. I will make sure that both of you will suffer." Marahas na binitawan ko ang buhok niya. Magulo na ang hitsura nito habang umiiyak. Wala sa bokabolaryo ko ang salitang forgiveness.
Sigurado akong may pasa at sugat siya sa mga kalmot ko pero wala akong pakialam.
Humihingal na ako ng bitawan ko ito habang magulo na ang buhok nito at lantad na ang hubad na katawan dahil sa ginawa ko.
Bigalang dumako ang mata ko sa mga nagkalat nilang damit. Mabilis ko iyong pinagpupulot.
"Ram, what the hell are you doing?" Hindi alam ang gagawin na tanong ni Gael. Sa unang pagkakataon nagawa na nitong magsalita.
Lumapit ako sa bintana habang hawak ko ang mga damit at sapatos nila. Binuksan ko iyon bago tumingin kay Gael at ngumiti.
"What do you think?" nakangiting tanong ko bago inihagis sa labas ang mga damit nila.
Napatakbo si Ram para pigilan ako pero huli na. Nagliparan na pababa ang mga damit nila na alam kong pinagpipiyestahan na ng mga nakakakita.
"You're crazy."
Nginitian ko lang siya ng matamis.
Biglang napadako ang mata ko sa sahig. Nakita ko doon ang boxer ni Gael. Napatingin din ito sa tinitingnan ko. Tila mabilis itong naalerto dahilan para mabilis nitong lapitan ang boxer at parang si flash na sinuot iyon.
I can't help but to smirk with him. I looked at the woman he cheated with. Umiiyak ito sa isang sulok.
Nang muli kong tingnan si Gael ay may short na ito pero may bakas pa rin ng cake sa mukha nito.
"Ram, stop it. I will explain."
"No need."
Napasabunot ito sa sariling buhok.
"Ram, I didn't mean to-" mabilis akong lumapit sa kanya at sinapak siya. Tumama ang kamao ko sa mismong ilong niya dahilan para mapaatras ito. Napahawak ito sa ilong na tinamaan ng kamao ko.
I don't slap, I punch.
"You deserve more than that but it's a waste of time talking to you. So from now on huwag na huwag kang magpapakita sa akin kung ayaw mong mas malala pa diyan ang gawin ko sa iyon," pagbabanta ko sa kanya.
Magsasalita sana ito pero ipinakita ko dito ang isang kamay ko habang nakataas ang gitnang daliri ko at binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti. Kaya wala na itong nagawa nang talikuran ko na siya ng tuluyan.
Mabilis akong lumabas ng apartment ni Gael. Marahas akong bumuga ng hangin bago pumasok ng elevator. Sayang ang pag-gising ko ng maaga pero at least nagising ako ng maaga sa katotohanang walang kwenta ang binalak kong ipalit kay Nero. Kasalanan to ni Nero kung hindi niya ako palaging denededma hindi sana ako hahanap ng iba.
Ang kapal ng mukha Gael na iyon na lokohin ako. Siya itong nagmakaawa para maging kami tapos isang buwan pa lang kami mahuhuli ko na siyang may kinakamang ibang babae. Bakit ba ganoon ang mga lalaki? Manliligaw pero kapag sinagot mo hindi naman kayang panindigan ang mga pinangako nila. Sa una lang sila magaling. Tapos kapag umoo kana mawawalan na sila ng gana at hahanap ng iba. Anong akala nila sa amin? Laruan? Pero kung inaakala ni Gael na magpapakatanga ako sa kanya at papatawarin ko siya pwes hindi ako santa.
Siya ang nagloko. Hindi ko kawalan ang isang gaya niya. Masyado akong maganda para umiyak sa isang manlolokong, hindi naman pala daks. Bwesit siya.