Araw ng christmas party namin ngayon. Nagsasaya ang lahat sa mga pa-games pero nakaupo lang ako sa isang gilid. Wala ako sa mood makipaglaro sa mga kaklase ko tapos kendi lang naman ang prize sayang sa energy. Pero syempre iyong experience naman ang mahalaga hindi iyong premyo pero hindi lang talaga ako mahilig sa mga pa-games kaya nga nagbigay na lang ako ng mga pampa-prize kanina paka okay lang kahit hindi ako makisali sa kanila. "Ano? Magmumokmok ka na lang diyan? Walang energy?" ani ni Stella nang maupo siya sa tabi ko. Pawisan na ito dahil kanina pa ito nakikipag-rambulan sa mga kaklase ko para lang manalo sa games. Masyado itong competitive na kahit isang candy lang prize mahalaga manalo siya. Grabe nga siyang makatulak sa trip to Jerusalem na kahit lalaki naming kaklase tatalsik