Mas naging masaya ang naging travel ko hindi lang dahil kasama ko si Nero kundi dahil sinusulit naming dalawa ang mga araw na magkasama kami. He is acting like a my boyfriend to me. Sweet, caring and very gentleman. Minsan nga ako na ang nagte-take advantage sa kaniya pero malakas talaga ang self-control niya. I love teasing him. Siya iyong tipong palaging malapit nang bumigay sa mga paglalandi ko pero nagagawa pa rin niyang magpigil. Ang huling distinasyon namin ay ang Yasaka Shrine o mas kilala bilang isa sa pinakasikat na Love Shrines sa Kyoto. Bawat Shrine na pinupuntahan namin ay palagi akong nanalangin. Ang Yasaka Shrine ay isa sa pinakasikat na Shrine dito sa Gion District. Pinaniniwalaan dito ang kwento ng mag-asawang diyos na sina Sasano-no-Mikoto at Kushinadahime-no-Mikoto. A