Mabilis na sinundan ako ni Nero at pinigilan. "Ramona," masuyong tawag niya sa pangalan ko. Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kaniya kahit alam kong pilit lang iyon. "Are you angry?" tanong nito sa akin. Umiling ako sa kaniya. "Hindi. Naiintindihan ko naman. Pero parang ang daya lang kasi. Kung kailan pareho natayo ng nararamdaman saka naman kailangan kong mag-aral sa probinsya. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko kina papa sa sa province ko gustong mag-college," pagdadahilan ko sa kaniya. Ayoko namang sabihin sa kaniya na nag-o-overthink ako malala. Isa pa, hindi ko na mababawi ang sinabi ko dahil maging sina Ate Rob ay doon na ako pinapag-aral dahil nga sa kasalanang nagawa ko. Ayoko namang sabihin pa nila kina mama at papa na naglasing ako at muntik nang mapahamak kung