Bigla akong yumakap kay Nero at napasinghot ako dahil hindi ko mapigilang maiyak. Habang iniisip ko baka hindi talaga niya ako gusto, siya naman iyong future ko ang inisip niya. Hindi ko inaasahan na pareho kami ng nararamdaman pero ngayong narinig ko na iyon mula sa kaniya na gusto rin niya ako pakiramdam ko sulit lahat ng pagpapapansin ko sa kaniya noon kahit na iniiwasan niya ako madalas. "Hindi naman ako mabait, pero bakit ang swerte ko pa rin?" tanong ko sa kaniya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Natawa ito sa tanong ko. "Mabait ka naman. Pasaway ka lang talaga minsan." Humiwalay ako sa kaniya at sinamangutan ko siya. Bakit ba masyado siyang honest? Hindi man lang niya ako sang-ayunan. Bola-bolahin ba. Kapag siya pa naman ang nambola sa akin mabilis akong mauto per