CHAPTER TWO:

3490 Words
typos and grammatical error ahead!!! ⁂⁂⁂ EZEKIEL POV: ⁂⁂⁂ "EZ!!!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. "Kuya Travis." nagulat pa ako ng bigla siyang yumakap sa akin. "EZ, are you okay? Masakit pa ba?" magkasunod na tanong niya ng kumawala ng yakap sa akin at hinawakan ang pilat sa may nuo ko. Napatitig ako sa kanya. Puno ng pag aalala ang mga mata niyang nakatingin mismo sa pilat ko sa nuo na magaang pinasadahan ng daliri. "Sorry, wala ako ng saktan ka ni mama. Hindi man lang kita naipagtanggol sa kanya. Kasalanan ko. Kung hindi lang sana ako sumama sa business trip ng kompanya ay baka hindi ka nasaktan ng ganito." Iniwas ko ang ulo ko mula sa kanya at bahagyang lumayo. Isang kiming ngiti ang pinakawalan ko habang inayos ang buhok ko para takpan ang pilat sa nuo ko. Hindi na din naman masyado iyong halata dahil may ibinigay sa akin si Barbara na ointment pangtanggal ng pilat. Ang bait sa akin ni Kuya Travis. Kahit paano ay nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa tuwing nasa paligid lamng ito. Hindi kasi ako masyadong sinusumbatan ng tiyahin ko kapag nasa bahay ito. Lalo na kapag nakaoff ito sa trabaho. "Ayos lamang ako, Kuya Travis." mahina kong sagot dito. "Pasensya ka na talaga EZ, ako na ang humihingi ng tawad para sa kanila." kulong ng mga palad niya ang isa kong kamay. "By the way, Kumusta ang tito Efren." Napayuko ng maalala na naman ang tatay. "Wala paring pinagbago." Mahina kong sagot kay kuya Travis dahilan para magpakawala din ito ng malalim na paghinga. "Heto. Kunin mo ito. Dagdag mo sa pambili ng gamot ni tito Efren." Ibinigay sa akin ang halos sampung libong peso. Umuling ako. Hindi ko iyon tinanggap. "Itabi mo na lang iyan kuya Travis. O di kaya naman ay ibigay mo na lang kina tita. Kahit paano naman ay nakakapag ipon ako ng pera hanggang sa maubos na naman ang gamot na binili ko para kay tatay." "Just take it, EZ. Itinabi ko talaga ito para kay tito. Huwag mong inaalala ang maibibigay ko kina mama dahil iba iyon dito para kay tito Efrin." "Kuya Travis." Mahinang usal ko sa pangalan nito habang sa perang inaaabot ako nakatingin. Alanganing gumalaw ang mga kamay ko para tanggapin iyon. Napatingala pa ako kay kuya Travis ng mahigpit pa niyang hawakan ang mga kamay ko. May mga ngiti ito sa mga labi. Ilang sigundo din kaming nakatingin sa isa't-isa. Pumatong ang isang kamay sa ulo ko at magaang ginulo ang buhok ko. "Hanggat may trabaho ako ay makakaasa kang tutulong ako sa pagpapagamot kay tito Efrin. Kaya huwag mo sanang tanggihan ang pagtulong ko sa inyo." Tumango na lang ako bago isinilid sa bag ko ang perang ibinigay nito. Isang beses itong nagbibigay ng pera sa akin sa dalawang buwan at malaking tulong talaga iyon sa akin na makapag ipon pa ng malaking halaga bago maubos ang mga gamot ng tatay. "Salamat kuya Travis." pasasalamat ko na naman dito dahil iyon na lang ang alam kong sagot sa pagtulong nito. "Para saan pa na magpinsan tayo diba." Tumango na lang akong muli kahit na ang nasa isip ko ay sana gaito din mag isip ang mga magulang niya. Na hindi isinusumbat ang pagtulong nila sa akin. Hindi susundan ng mga masasamang salita matapos ang pagbibigay tulong. "Halikana. Sabay na tayong umuwi." pag aaya ni kuya Travis pagkalipas lamang ng ilang sandali. "Mauna ka na kuya Travis. Dadaan pa ako kina Barbara para ibigay itong kakanin na order niya." "Ganun ba? Sige.. basta huwag ka ng pagabi sa pag uwi. Hintayin kita sa hapunan para sabay na tayo, okay?" "Sige kuya Travis." nauna na akong tumalikod dito at itinuloy na ang naudlot kong pagtungo kina Barbara kanina. ººº "Ginabi ka yata masyado?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita sa may gilid ang tiyahin ko. "Ipinaubos ko lang po ang iba kong paninda tita." Mahina kong sagot dito kahit na ang totoo ay maaga ko namang napaubos ang mga paninda ko kanina. Nasarapan lang kami ni Barbara na magkwentuhan. Inilahad nito ang mga kamay. Alam ko na ang gusto nito. Ang kunin ang kinita ko ng buong araw. Kung magrereklamo naman ako ay isusumbat na naman sa akin ang mga naitutulong nila kaya wala akong magawa kundi ang ibigay dito ang ilan sa kinita ko. Mag iiwan ng kaunti para sa mga iniipon ko. "Heto po tita." Nakayuko kong ibinigay ang kaunting pera na kinita ko kanina. Agad akong tumalikod at mabilis na pumasok ng bahay para hindi na ako sitahin kung bakit kaunti lang ang naibigay ko. "Aray." Napaatras pa ako at muntik pa akong natumba. "Careful. Bakit ka nagmamadali?" Tanong ni kiya Travis na siyang nakabanggaan ko sa loob bahay. "Huh. Ah.. late na kasi ng gabi kuya Travis. Tapos nakalimutan ko ang dinner." pagsisinungaling ko na kahit ang totoo ay nagmamadali akong makalayo sa mama niya dahil ayaw kong makarinig na naman ng mga panunumbat nito. Ngumiti lang siya at hindi pinansin ang dahilan ko. He also pat my head. "Hindi pa naman masyadong gabi. And still waiting sa pagdating mo. Halika na, Kumain na muna tayo para deretso ka ng magpahinga mamaya." Tumango na lang ako para hindi na humaba ang usapan. Hindi ko matatagalan ang makasama si kuya Travis lalo na at ganito siya kabait sa akin. Lalong nahuhulog ang loob ko dito na hindi naman dapat dahil pinsan ko siya. Dinudungisan ko lang ang magandang pakikitungo niya sa akin. "Dayoff ko bukas. Mamasyal tayo bukas, may gusto ka bang puntahan?" Napaangat ang tingin ko mula sa kinakain ko kay Kuya Travis. Halos hindi ko malunok ang pagkaing nasa bibig ko dahil sa biglaang pagyayaya nitong lumabas. "Wala naman akong alam na puntahan kuya Travis. Saka magtitinda pa ako para may kikitain pa ako at maipon." Totoo namang sagot ko kahit na gusto kong tanggapin ang alok niya. Matagal ko na ngang gustong mamasyal kasama siya. Lagi nga akong nangangarap na balang araw ay makasama ko siyang mamasyal. "Isang araw lang naman. Saka pagpahingain mo naman ang sarili mo. Hindi iyong puro ka trabaho. Kaya nga tumutulong ako para may oras kang alagaan ang sarili mo. Huwag mong ibaon masyado ang trabaho mo. Hanggat nandito ako at may magandang trabaho. Tutulungan kita hanggang sa gumaling na si tito Efrin."Mahaba nitong saad. Nakatitig lang ako sa kanya. Nakatingin sa bawat paggalaw ng labi niya habang nagsasalita. Lihim akong napalunok. Aaminin ko sa sarili kong iba na naman ang tinatakbo ng isip ko. "P-pero.." "No more but's" putol niya sa sinasabi ko. "Here.." na sinundan ng paglagay ng ulam sa pinggan ko. "Salamat." tanging katagang lumabas sa bibig ko at muli na lang ipinagpatuloy ang pagkain ko. Hindi na nasundan ng usapin namin hanggang sa matapos na kaming kumain. "Goodnight. Matulog ka ng maaga para maaga tayong makalabas bukas." Tumango na lang ako bilang sagot bago ako tuluyang pumasok sa silid ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga matapos kong maisara ang pinto ng silid ko. Napasandal sa saradong pinto. Tuluyan kumawala ang pinipigilan kong ngiti simula pa kaninang nagyaya si kuya Travis mamasyal. Gusto kong humiyaw sa kilig na bumalot sa akin. Magkakasunod pa ang ginawa kong paghinga dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka nga hindi ko na mapigilang mapasigaw sa kilig ko. Ang landi ko na ba sa lagay na ito. Masama ba ang magka crush mismo sa pinsan ko? Sino ba naman ang hindi magkakacrush sa pinsan ko. Bukod sa napakabait niya ay sadyang napakagwapo pa ni kuya Travis at maraming nahuhumaling sa kanya na kinaiinggitan ko dahil sa naipapakita at naipaparamdam nila ang pagkagusto sa kanya habang ako ay hanggang pangarap na lang iyon. Hindi ako pwedeng magkamali sa kilos ko at maipakita na may gusto ako sa kanya lalo na at nasa paligid lamang ang tiyahin ko. Baka mas lalong mamuhi sa akin ang mga ito kapag nalaman nila iyon. Baka mas nakakatakot na mga salita na naman ang marinig ko mula sa kanila. Kaya triple ang ingat na ginagawa ko para hindi mahalatang may gusto ako mismo sa pinsan ko. ☆☆☆ MRS. PARKER ☆☆☆ Masaya ako. Oo. Masaya ako dahil mahal ako ng asawa ko. He promise to love me till death do as part. Iyon ang pangako niyang patuloy niyang pinapatunayan sa akin. Pero.. Hindi ko mapigilang magkaramdam ng agam-agam sa puso ko lalo na't hindi ko siya mabigyan ng anak. Sa siyam na taon naming mag asawa ay wala parin kaming anak dahil hindi ako mabuntis. Kuyom ang kamao kong nakahawak sa suklay habang nakatingin ako mismo sa imahe ko mula sa salamin. Hindi ko mapigilang pangilidan ng luha sa aking mga mata dahil sa kahabagang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang kakulangan ko bilang isang may bahay ng isang kilalang tao sa lipunan. He has everything maliban sa isa na siyang pinakaimportante at kukumpleto sa isang pamilya. Anak na dapat ako ang magbigay. Anak na siyang magpapatuloy ng kanilang henerasyong kailanman ay hindi ko maibibigay sa kanya. "Is there something wrong, honey?" Tanong mula sa taong laman ng isip ko na siyang nakapagpakislot sa akin mula sa kinauupuan ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko siya tinignan mula sa salamin. Nasa mga labi ang isang masuyong ngiti. Ang mga matang nagpapatunay na patuloy lamang ang pagmamahal niya sa akin kahit na mayroon akong pagkukulang sa kanya. Hindi kailanman niya iyon ipinaramdam sa akin. Umiling ako na sinundan ng isang ngiti bago ko siya nilingon. Ipinaikot naman niya ang inuupuan ko hanggang sa tuluyan akong mapaharap sa kanya. "May bumabagabag ba sayo?" May pagaalalang tanong niya kasabay ng pagluhod niya sa harapan ko. Siya na ngayon ang nakatingala sa akin. Masuyong humaplos ang palad sa pisngi ko. Napapikit ako at nilasap ang init na siyang nagmumula sa palad niya. Muli akong umiling. Umangat din ang mga kamay ko at hinaplos din ang magkabila niyang pisngi. "I love you." Pabulong na saad ko bago ko tinawid ang pagitan ng mga mukha namin at ginawaran siya ng mabilisang halik sa mga labi. "Hmmm, I love you too, honey." Mahina din niyang pagsagot sa akin na siya namang tumawid ng pagitan ng mga labi namin at hinalikan ako. Agad ko iyong tinugon. Mainit na halik na lagi naming pinagsasaluhan. Hindi iyon nagbago sa mga taong magkasama kami. Sa tagal ng pagsasama naming mag asawa ay hindi ko kailanman naramdaman na nanlamig siya pagdating sa bagay na iyon. "Are you okay?" Nagulat na naman ako ng bigla siyang magsalita. Itinigil na pala niya ang paghalik sa akin. Ganun na lang ba ako sinasakop ng pag aalala ko dahil hindi ko man lang namalayan na tapos na pala ang halik na pinagsaluhan namin? "Kahit na hindi mo sabihin sa akin ay nararamdaman ko na may bumabagabag sayo? Ano iyon?" Seryuso man may pag aalalang tanong niya sa akin. Tumayo mula sa pagkakaluhod sa harap ko. Hinawakan sa kamay at hinilang patayo at iginiyang paupo sa gilid ng kama. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Pinilit kong ngumiti at ipakita ditong walang bumabagabag sa akin tulad ng napapansin niya. Pero alam ko naman na hindi ko siya mapagsisinungalingan. Hindi siya titigil sa pagtatanong kung hindi ako magbibigay ng dahilan sa kanya. "Inaalala ko lang sina mama at papa." pagsisinungaling ko. "Ang tagal na kasi ng huli natin silang nadalaw." Kahit papaano ay totoo din naman iyon. Hindi nga lang iyon ang totoong dahilan ko atleast hindi din siya magaalala sa akin. Minsan na din kasi naming napag usapan ang usapin tungkol sa anak pero hindi naging maganda ang kinalabsab na siyang unang beses naming pinagawayan. Kaya naman simula noon ay hindi ko na binuksan ang usaping iyon. Siya naman ngayon ang nagpakawala ng isang malalim na paghinga bago ngumiti. Patting my head as always just to comfort me na talaga namang mabisa. Nasa tabi ko lang siya ay mapapanatag na ang loob ko. Ang mga pangako niya ay nawawala na agad ang mga agam agam ko. "Want to visit them? I will reschedule my.." "No need, hon." putol ko sa sasabihin niya. Masayadong malayo ang US dito sa pilipinas para sa dalawin sila. Hindi ko naman gustong makaanbala sa kanya dahil lamang doon. Binibisita naman namin ang mga magulang ko every Christmas at kung minsan naman ay sila ang bumibisita sa amin kung talagang hindi na nila mahintay ang Christmas. Alam naman nila kung gaano siya kabusy para makapagbakasyon. Halos wala na nga siyang pahinga basta maayos lamang ang kompanya niya. Ipinagpapasalamat ko na lang dahil may oras siya sa akin. May oras siyang inilalaan para sa akin. "But you said, you missed them?" "Yeah! Pero hindi ko naman sinabi na gusto ko silang puntahan. Malapit na din naman ang pasko kaya makakapamasyal din tayo sa kanila." "Okay! Basta magsabi ka lang sa akin kung may mga bagay na bumabagabag sayo. Alam mo naman na ayaw kong malungkot ka." Napatitig ako muli sa kanya na sinabayan ng pagtango. Siya lang ay sapat na at wala na akong ibang mahihiling pa sa buhay ko maliban sa magkaroon kami ng anak. "I love you, hon." Mga katagang hindi ko pinagsasawaang marinig mula sa kanya. Mga katagang tangi ko na lang pinanghahawakan na sa kabila ng pagkukulang ko sa kanya ay patuloy parin niya akong minamahal. "I love you too, hon." ⁎⁎⁎ DRAKE PARKER ⁎⁎⁎ Pinagmamasdan ang asawa ko habang mahimbing na natutulog. Kahit na nakapikit siya ay nakikita ko kung paano siya binabagabag ng kung ano man ang bagay na nasa isip niya. But one thing that I know is... ang kakulangan niya bilang may bahay. Hindi niya ako kayang mabigyan ng anak. Iyon ang alam kung bumabagabag na naman sa kanya kahit hindi niya iyon sabihin sa akin. Siyam na taon na kaming magkasama. And we did everything judt to have our own baby pero sadyang mapagkait ang tadhana sa aming dalawa. Noong una ay akala namin na baka hindi pa iyon ang mga taon na bibiyayaan kami ng anak. Hindi kailanman ako naghinala na wala siyang kakayahang magdalang tao. Iniwasan ko pa ang magpakita sa doctor just to make her comfortable but the thing is.. sadyang hindi talaga siya magdadalang tao dahil may problema mismo sa kanya. And she was very upset noong nalaman niya iyon. Simula noon ay lagi na siyang nalulungkot. Kahit na pilit ko siyang kinu-comfort at sinasabihan na huwag siyang magaalala tungkol doon ay hindi parin iyon sapat dahil palagi siyang ganito. Kahit na magdahilan siya ng iba ay alam ko na iyon at iyon parin ang problema niya. Minsan napagusapan din namin ang pagkakaroon ng anak through science pero hindi ako pumayag. Wala akong tiwala sa science kahit na sabihing marami ng nakasubok doon. At hindi ako makakasigurado kung malinis at maayos man ang eggcell na idodonate ng kung sino man. At kung sakali man balang araw ay makakapagpasya akong magkaroon ng anak ay gusto kong macheck ng husto ang background ng taong magdadala ng magiging anak ko dahil ayaw kong magkaroon ng anak na hindi ko nalalaman kung maganda ba ang background ng taong iyon. At gusto kong masilayan ang paglaki nito mismo sa sinapupunan ng magdadala sa kanya ng siyam na buwan kung sakali mang mapag usapan namin ng maayos ng asawa ko iyon. I want to open up with this things pero inaalala ko kung ano na naman ang magiging epekto nito sa kanya. Kung papayag ba itong may galawin akong iba just to make sure na magkakanak na kaming dalawa kahit na hindi siya ang magdala. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Perpekto na siya para sa akin bilang asawa kahit na wala kaming anak. Masasabi ko namang wala na akong mahihiling pa sa kanya maliban sa isang bagay. Ang magkaroon ng sariling anak sa taong mahal ko na siyang bubuo mismo sa pamilyang binuo ko. ººº "Good Morning, Vice-Chairman." halos sabay sabay na pagbati sa akin ng mga empleyadong nadadaanan ko pagpasok ko ng gusali ng kompanya ko. Vice-Chairman na susunod sa yapak ng aking ama na siyang Chairman ng kompanya. Masasabi ko bang napakaswerte ko dahil ako lahat ng magmamana ng yaman ng aming pamilya dahil nagiisa lang akong anak ng aking mga magulang? Siguro nga. Sikat ang ama ko pagdating sa industriyang ginagalawan namin. Bukod sa yaman ng aming pamilya ay kilala siya dahil sa mga nagkalat niyang mga kawang gawa. Mabait at talaga namang madaling lapitan ang aking mga magulang lalo na sa mga taong nagngangailangan ng tulong Kaya naman pilit kung sinusundan ang yakap nito para hindi mawala sa isipan ng maraming tao ang mga magagandang naitulong ng pamilya namin. Pagtaas ng bahagya ang kamay ko ang tanging naging tugon ko sa pagbati nila sa akin Tuwid ang tindig na nagpatuloy lang sa paglalaakad papasok ng elevator tuloy sa aking opisina. Kung ang takbo ng araw araw na gawain ko sa buhay ay ang maging busy sa trabaho na wala ni isa mang sigundo ang dapat masayang. Tulong ng isang magaling na secretary ko ay kahit papaano ay nagiging magaan naman ang mga trabaho ko dahil hindi ko na kailangan pang abalaing itama ang mga dapat pang itama kung may pagkakamali man dahil ito na mismo ang gagawa nun para sa akin. "Ito po ang report ng last meeting. Ito naman ang eschedule para sa susunod na linggo at ito naman ang schedule ngayong araw at sa susunod pang araw. At ito naman ang report tungkol sa pagbubukas ng library sa west side at mga plano para mas tangkilikin ng maraming tao." Napatingin ako sa mga folder na inilapag ng secretary ko sa harapan ko. "Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan pa kayo." Itinaas ko ang kamay ko bilang sagot na agad naman kumilos ito para lumabas. Ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mga report na ibinigay nito. And like what I expected. Malinis ang bawat report na ibinigay nito sa akin. Muli kong inabala ang sarili sa pagrereview ng iba pang mga dukumento na siya mismong nagpapalipasan ko ng aras hanggang sa dumating ang oras ng bago kong appointment. Matapos ang ilang oras ng pagbabasa sa pagaanalisa ko ng mga papel ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Napaangat ang tingin ko at napatingin sa maliit na salamin kung saan ko makikita ang ang secretary ko na tama namang patayo ito ng lapitan ng iba nitong kasama sa labas. Tatlong katok ang narinig ko sa pinto bago iyon bumukas. Lumapit ang secretary ko sa akin. "Tanghalian na vice-chairman, ano ang gusto niyong kainin ng maipabook ko kayo ng restaurant." tuwid ang tindig nito na pormal na nagtanong sa akin. "Ipagtimpla mo na lang ako ng tsaa." maikling sagot ko. "Bago ka sumama sa kanila para mananghalian." dagdag ko pa na sinulyapan ang labas ng opisina ko na doon naghihingtay ang iba. "Yes, vice-chairman." agad itong tumalima at agad na naghanda ng tsaa para sa akin bago ito tuluyang lumabas ng opisina ko. Napasunod na lang ang tingin ko dito at sa mga kasama niya. Dahil na rin sa tanghalian ay binuksan ko ang computer ko para i check lang ang mga kuha ng mga cctv sa buong kompanya hanggang sa mamataan ko kung saan kumakain ang secretary ko sa tuwing hindi ko ito kasama sa lunch. Madalas naman kasi kaming magkasama lalo na at nadadalas ang lunch meeting ko pagdating sa trabaho. Kunot ang nuo kong nakatingin mismo sa monitor ng computer ko at kung ano ang ganap sa kanila. "Who is he?" tanong ko habang nakatingin sa isang imahe sa kanila. Nagkakagulo sila habang may ibinibigay ito sa kanila. At dahil curiosity ko ay hindi ko napigilan ang tawagan mismo ang secretary ko para alamin kung ano ang nangyayari sa kanila. Ilang minuto lamang ay nasa harapan ko na ito. Nakayuko na tila ba malaking kasalanan na ang nagawa dahil sa napanuod ko mismo sa kuha ng cctv. "Anong kaguluhan doon?" agad kung tanong dito ng hindi ito nagsalita. "Pagpasensyahan niyo na vice-chairnam ang kaguluhang iyon. Masisigurado naman po na hindi iyon makakaapekto sa kompanya. Gusto lang naman po naming makatulong sa pinsan ng isa sa mga kasama namin ditong nagtratrabaho kaya sa kanya po kami bumibili ng mga lutong ulam para sa pananghalian. Sa kanya din po kami bumibili ng meryenda namin minsan." Mahaba nitong sagot at naging paliwanag na din. "Lutong ulam? Meryenda?" pang uulit ko pa. "Yes vice-chairman. Pinsan siya ni manager Bejarin na nasa kabilang branch. Dahil sa malayo ang kompanya kung saan siya nakabase ay nakiusap siya na tangkilikin ang paninda ng pinsan niya." Napatango ako. Hindi naman masama iyon. Gusto ko lang naman malaman dahil ito ang unang beses kong nakita ang tagpong iyon. "Okay. You may go." "Thank you vice-chairman." mabilis itong lumabas matapos makapagpaalam. Hindi naman ako nagdadamot sa mga gustong kumita ng pera at hindi ko ipagkakait sa mga ito ang nais nila basta hindi makakasira iyon sa imahe ng kompanya at sa takbo ng negosyo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD