CHAPTER ONE:

2304 Words
Typos and grammatical error ahead! ¤¤¤ Ezekiel POV: ¤¤¤ Napaigik ako ng tumama sa nuo ko ang inihagis na pinggan ng tiyahin ko. Hindi ko kasi napaghandaan iyon kaya hindi ako nakailag. Tigagal na nakatingin sa kamay kong may bahid nang dugo. "Wala kang silbi. Halimaw." Sigaw pa ng tiyahin ko sa akin. Ayaw ko sanang umiyak pero tuluyan ng tumulo ang aking mga luha hindi dahil sa sugat na natamo ko sa pagkakatama sa akin ng pinggan kundi sa sinabi nitong halimaw ako. Halimaw? Masasabi bang halimaw ako sa kalagayan ko? "Hindi ka man lang mapapakinabangan. Walang kwentang salot." Sa bawat kataga ng tiyahin ko ay sadyang napakabigat ng pakiramdam. Pero sanay na ako dahil sa halos araw araw naman nitong ipinapamukha sa akin na isa lamang akong sampid sa pamilya nila. At isang halimaw sa paningin nila. "S-sorry po. H-hindi ko lang po talaga kaya." Mahinang paghingi ko ng tawad sa hindi ko pagsunod sa gustong ipagawa sa akin. Sabihin ba naman na ibenta ko na lang ang katawan ko sa mga mahihilig sa mga baklang pinagpaparausan. Sinubukan ko naman pero sadyang hindi ko kaya ang ipinapagawa nila. Bakla man ako pero hindi iyong tipong papatol sa mga ganung bagay. Kahit ganito ako ay may pinanghahawakan akong paninindigan na hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng buhay ko. Hindi ako magpapagamit sa kung sino lang para magkapera. Pero para sa kanila ay iyon lamang ang paraan para makatulong sa kanila ng malaki. "Walang kwenta ang kasosorry mo. Ang gusto namin pera. Pera lang para may pakinabang ka naman sa amin." Sabay duro pa sa sintido na malapit sa tinamaan ng pinggan kanina. Nawala pa sa isip ko ang sugat sa nuo dahil sa mga masasamang salitang natanggap ko na naman mula sa tiyahin ko. Nahihilo na din ako at nanlalabo na ang paningin ko. Kung hindi pa ako kikilos ay baka tuluyan na akong maubusan ng dugo at mawalan na ng malay na baka ikamatay ko pa. Kaya kahit na kinakausap pa ako ng tiyahin ko ay nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay nila. Walang gamot sa bahay kaya ang tanging paraan na lang ay ang lakarin ang ilang bahay na pagitan mula sa isa sa kaibigan ko na tanging natatakbuhan ko sa mga ganitong pagkakataon. "Saan ka pupunta. Bumalik ka dito hampas lupa." Patuloy sa pagmumura ng tiyahin ko na hindi ko na pinansin. Pupungas-pungas na akong naglakad. Nahihilo na talaga pero pilit na pinatatag ang loob ko para makahingi ng tulong. Patuloy lamang ako sa mabagal na paglalakad. Wala ding naglalakas loob na tulungan ako sa mga nakakasalubong ko dahil sa takot na pagbuntunan ng bunganga ng tiyahin ko. Ang kaibigan ko na lang ang tanging nangangahas na tulungan ako at hindi natatakot sa mga sasabihin ng tiyahin ko. "Ezekiel." Gulantang na agad akong dinaluhan ni Barbara ng mapagbuksan ako ng gate nila. "Anong nangyari sayo?" Tanong pa nito sa akin habang nakaalalay na sa akin papasok ng bahay nila. Wala siyang kasamang mga magulang maliban sa yaya niya na tanging bantay niya sa bahay. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang niya at may kaya sa buhay. "Yaya Melda tulong po." Malakas na tawag ni Barbara sa kasama na agad din namang dumalo sa amin. Tinulungan nito si Barbara at ipinahiga ako sa sofa nila. "Bilisan mo yaya Melda. Baka maubusan siya ng dugo." Si Barbara. Ang boses niyang may kalakasan habang tinatanong ako kung anong nangyari ay hindi ko na maintindihan dahil paunti unti ng binabalot ng kadiliman ang kamalayan ko hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. ¤¤¤ "Huhuhu!." Naiiyak si Barbara habang kinakausap ako pagkagising ko mula sa mahabang pagkakatulog. Mahigit anim na oras din akong nakatulog na bihira kong maranasan dahil na rin sa tiyahin ko na gustong magbanat ako ng buto 24/7 para lamang may maitulong daw ako sa kanila. Nasubok ko na halos lahat ng pwedeng maging trabaho pero ang gusto ni tiyahin ko ay iyon ang hindi ko kaya. "Ang sarap mong pagbabatukan, alam mo ba iyon?" Panimula ni Barbara na halos iyon naman ang lagi din nitong sinasabi sa akin kapag nandito ako at humihingi ng kaunting tulong sa kanya. "Maganda ag maging mabait pero pangit naman ang sobrang bait. Bakit di mo ipaglaban ang sarili mo sa hayop mong tiyahin. Idagdag pa ang tiyuhin mo na walang hiya. Mabuti at hindi madalas ang tiyuhin mong umuwi sa inyo. Jusko Ezekiel, kaya mo pa ba ang maging mabait?" Mahaba haba na naman nitong sumbat sa akin at pagpapaalala. "Sorry." "Bakit ka naman magsosorry? Dapat ang mga hayop mong mga kamaganakan ang magsorry sayo. Lumayas ka na lang kaya sa inyo. Total lagi ka naman nilang inaagrabyado." "Barbara, kung ganun lang sana kadali. Pero alam mo naman ang kalagayan ko ngayon. Wala akong matutuluyan habang nagiipon ng pera para sa pagpapagamot ng tatay ko." Nagpakawala ng buntong hininga si Barbara. Gusto nitong tumira ako dito sa bahay nila pero noong sinubukan ko iyon ay palaging nanggugulo ang tiyahin ko kaya kahit na gusto niya akong tulungan ay limitado lamang ang maitutulong niya sa akin. Sa katunayan ay ang dami ko ng utang dito. Hindi lang pera kundi utang na loob na siyang palaging nagbibigay sa akin ng perang pangbayad ko sa hospital para lamang sa maintenance ng tatay. Kahabaghabag man balikan ang mga nangyari kung bakit nasa hospital si tatay ay palaging bumabalik sa isipan ko ang mga iyon. Nasunugan kami ng bahay 3 years ago na ikinakitil ng buhay ng nanay at dalawa kong kapatid. Habang ang itay ay nagtamo ng 4th degree burn sa halos buong katawan na idagdag pa ng pag atake ng highblood nito kaya naging kumplekado ang lahat para dito na ngayon ay patuloy sa pagpapagamot dahil tuluyan ng hindi na nito maigalaw ang kalahati ng katawan dahil sa pagkakastroke nito. Pasalamat na lang ako dahil hindi ako nadamay sa kanila dahil wala ako ng gabing iyon dahil sa may trabaho ako sa parlor bilang sideline ko pagkatapos kong magaral sa umaga. But now.. natigil ako sa pag aaral. Nawala lahat sa amin. Hindi naman kami ganun kahirap noon at nakakaya naman namin ang mabuhay ng maayos. Kumain ng tatlong beses sa isang araw. Sapat lamang ang kinikita sa pang araw araw para maitawid ang gutom paea sa aming lahat na minsanang gumuho dahil sa sunod. Malaking naitulong ng tiyahin ko na kapatid ng nanay pero anim na buwan pa lang noon ang nakakalipas ay nagbago na ito ng pakikitungo sa akin. Sa amin ng tatay. Isinusumbat na sa amin ang tulong na naibigay nila. Naging palamunin na daw kami. Mabigat na daw sa bulsa nila ang pagtulong sa amin kaya heto ako ngayon.. patuloy na nagbabayad ng utang na loob sa kanila. Patuloy parin naman silang tumutulong sa akin pero kapalit ng walang tigil na panunumbat sa akin. Hindi ko na lang ipinapaalam kay tatay iyon dahil ayaw kong lumala pa ang sakit nito. Dahil patuloy parin akong umaasa na balang araw ay gagaling si tatay at muli kaming babangon sa hirap ng buhay na tinatamasa naming dalawa. "Iyon na nga. Kung may sarili lang din sana akong pera at hindi umaasa sa mga magulang ko ay gusto pa kitang tulungan." "Malaking tulong na ang mga nagagawa mo Barbara. Maraming salamat dahil hindi ka nagsasawang tumulong sa akin." "Kaibigan kita kaya tutulong ako hanggat may maitutulong ako. Kung hindi lang talaga demonyo ang tiyahin mo.. naku." "Okay lang ako, Barbara. Kaya ko pa naman." "Pero sumusobra na talaga sila. Kung mas mayaman lang talaga kami ako na mismo ang magbabayad ng mga perang nagagastos nila para sa inyo." May ngiti man sa labi ko pero hindi iyon abot sa mga mata ko. Masaya nga ako dahil may kaibigan akong katulad niya pero hindi nasasapat iyon sa kalagayan ko ngayon. "Lumabas ka dyan, Ezekiel." Sigaw mula sa labas na nakapagpalingon sa aming pareho ni Barbara. Ang tiyahin ko iyon na galit na galit ang tinig. "Salamat ulit sa pagtulong, aalis na ako baka kung ano pang eskandalo ang gagawin ng tiyahin ko." "Pero.." "Kaya ko pa, Barbara. Maraming salamat ulit." Kahit na medyo nahihilo parin ako ay pinilit kong magpakatatag. Isang sulyap na lang ang naiwan ko para kay Barbara bago ako tuluyang lumabas ng bahay nila. Hindi pa man ako tuluyang nakakaapak sa labas ng gate nila ay mabilis na akong nilapitan ng tiyahin ko at hinila ang buhok ko. "Aray.. tita, tama na. Sasama naman ako sa inyo." "Wala ka na ngang silbi pinupwerwesyo mo pa ang ibang tao." Galit na saad nito kaysa pansinin ang pakiusap ko. Mas hinila ang buhok ko kaya napapasunod na lang ako dito para hindi ko maramdaman pa lalo ang sakit ng pagsabunot sa buhok ko. Luhaan na naman akong walang imik habang tinatamasa ang walang sawang pagmumura sa akin ng tiyahin ko hanggang sa makauwi kami sa bahay nila. "Umayos ka Ezekiel. Hindi porket tinutulungan ka ng kaibigan mong iyon huwag ko lang malalaman na nagsusumbong ka sa mga pulis." Galit na sigaw nito sa akin matapos akong itulak papasok sa loob na sinamahan pa ng pagsipa sa tagirilan ko ng mapaupo ako sa sahig. Minsan tuloy naisip ko, napakalupit ng mundo sa akin. Nawalan na nga ako ng nanay at mga kapatid at patuloy parin akong nagsusuffer dahil ang tatay ay nasa hospital na pilit kong pinapagamot para lamang hindi ako tuluyang maging ulila. Patuloy sa mga patalak na masasakit na salita ang tiyahin ko na may kasamang hampas at sipa na pilit ko na lang iniinda. Ganito na ba ang kabayaran ng mga naitulong nila sa amin ng tatay? Ang patuloy na magsuffer sa mga pananakit nila sa akin? Parang gusto ko ng sumuko. Gusto ko na ding mamatay para hindi maranasan ang pangaalipusta nila akin ng ganito. Ito na ba ang kabayaran ng pagkakaligtas ko sa sunod. Kung ganun mas gugustuhin ko na lang na sana... sana isa na lang ako sa nadamay sa sunod at namatay. Wala na din namang saysay ang buhay ko kung patuloy na ganito na lang at inaapi ako ng mga kamag-anak ko. "T-tama na. T'tama na." Mahinang pakiusap ko na halos ako na lang mismo ang nakakarinig. Wala na ba akong karapatang mabuhay ng mapayapa kahit na wala akong pera? "T-tama na." Iyon na lang ang tanging mga katagang nasasabi ko habang patuloy na iniinda ang pisikal at mga maimosyunal na sakit dahil sa masasakit nitong pananalita. "Wala kang silbi. Wala kang kwenta. Halimaw." Mariing ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Tinakpan ng mga kamay ko ang tainga ko para kahit papaano ay mabawasan ang lakas ng mga naririnig ko. Naghintay na lang kung hanggang kailan ito titigil sa pananakit sa akin. ¤¤¤ "Are you okay?" Si Barbara habang sinasamahan akong naglalakad habang nagtitinda ng kakanin. Isang linggo ang matuling lumipas simula ng araw na muli na naman akong sinaktan ng tiyahin ko at naghilom na din ang ilan sa mga pasa ko kahit na araw araw parin iyong nadadagdagan. "O-oo naman." Halos pumiyok ako. Gusto ko na namang umiyak kapag nararamdaman ko ang tinig nitong naawa sa akin. Kahit na sasarili ko ay naawa ako na hindi ko man lang alam ipagtanggol tulad ng sinabi sa akin ni Barbara. Para kasing wala na akong karapatan sa bagay na iyon kung pilit naman na ipinapaalala sa akin ang utang na loob ko sa kanila. "Sabi ko naman sayo na..." "Kaya ko pa." Pagputol ko sa gusto nitong sabihin. Alam ko na muli na naman nitong sasabihin na layasan ko na sila. "Ezekiel.." tumigil ito sa paglalakad. Nakatitig sa akin na tila may gusto pang sabihin. "Halika na nga. Kaunti na lang ito. Paubos na natin para makapagtinda na naman ako ng iba." "S-sige." Kahit siguro hindi kumbinsado sa siglang ipinapakita ko ngayon dito ay hindi na niya ako kinontra. Sumunod na lang sa akin at muli akong tinulungan sa pagtitinda ko ng kakanin hanggang sa mapaubos na nga namin lahat iyon. ¤¤¤ "Maraming salamat manong guard." Nakangiti kong pasasalamat kay manong guard na siyang mabait na nagpapapasok sa akin sa kompanyang pinagtratrabahuan nito. Pasalamat din ako dahil mababait ang ilan pang empleyado sa nasabing kompanya dahil sila ang mga suki ko sa mga itinitinda kong lutong ulam. "Walang anuman iyon Ezekiel, ang sarap kasi ng mga lutong ulam mo kaya hinahanap namin." Nakangiti din nitong sagot sa akin na inihatid pa ako sa kung saan ko hihintayin ang ilang empleyado para sa pagbili nila ng paninda ko. Sa ganitong paraan lamang ay may kaunti na akong naiipon. Kahit na kaunti lamang ay mas gusto ko ang ganito dahil marangal kaysa sa gusto ng tiyahin ko na pumasok na lang daw ako sa mga club ng prostitution. "Hi! Ezekiel." "Hala, namiss namin ang luto mo. Bakit ngayon ka lang." "Pakbet sa akin huh." "Igado naman sa akin." "Adobo naman sa akin." Nawala ang mabibigat na nasa isip ko ng tuluyan ng nagsilabasan ang mga empleyado dahil breaktime na. Mabilis na naubos ang paninda ko. Nawawala ang pagod ko sa tuwing ganitong nakakapaubos ako. Malaking tulong sila para sa akin. "Maraming salamat po." Maluha-luha na naman akong nagpasalamat sa kanila bago ako tuluyang nagpaalam. "Salamat ulit manong guard." Muli kong pasasalamat sa guard ng makalabas ako. "Sa uulitin, Ezekiel." Isang kaway ang ipinabaon nito sa akin. Magaan ang bawat hakbang kong palayo sa nasabing gusali. Mabibisita ko ng maaga ang tatay sa hospital ngayon dahil nakuha ko na ng maaga ang kita ko para ngayon araw. Dala ang basket na pinaglagyan ko ng paninda ko kanina ay deretso na ako ng hospital. May maganda na naman akong maikukwento kay tatay kahit na tanging sagot na makukuha ko mula dito ay ang mahinang paggalaw ng daliri nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD