TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!
DRAKE POV:
Napabuntong hininga ako bago ko siya hinila at niyakap. Binuksan niya ang paksa tungkol sa pag aampon ng bata at hindi ko sinang-ayunan. Hindi naman ako madamot sa mga batang matutulungan ko kung mag aampon kami pero mas gusto ko pa ding magkaroon ng anak na sa sarili kong dugo. Kaya naman ngayon ay masama na naman ang loob niya sa akin dahil sa isinagot kong iyon sa kanya.
"Just once, hon. Kung talagang gusto mong magkaroon tayo ng sarili nating anak pumayag ka sa gusto ko." magaan ang tuno na dagdag ko pa para lang tanggapin ang plano ko.
"Pero...ayaw kong may iba kang hahawakan maliban sa akin. Ayaw kung mayroon kang ibang hahalikan maliban sa akin."
Hinalikan ito sa nuo. "Kung iyan lang ang inaalala mo, huwag kang mag alala. Hahawak man ako sa iba ay hindi basihan iyon na pareho ng paghawak ko sayo. At pagdating sa halik.. hindi ko iyan ibibigay sa iba." Pagpapaliwanag ko. Kung sa s*x lamang ang paguusapan ay maibibigay ko sa kung sino ang mapili ko kung papayag ito. Pero hindi ko i oofer ang halikan kung sino man ang makakatalik ko.
Gusto kong ako mismo ang bumuo ang magiging anak ko at magmamana ng lahat ng ari-ariang naipundar namin ng asawa ko. Kahit isa lang ay masaya na ako basta magkakaroon kami ng anak ng asawa ko basta manggagaling iyon sa akin.
May lungkot sa mga mata niyang napatitig sa akin. Kahit na hindi niya sabihin ay alam kung nagdadalawang isip siya kung papayag pa siya sa sinasabi ko.
"Hindi mo kailangang magmadali, hon."
Yumakap siya sa akin na wala ng ibang salita. Hinayaan mo na lang siya sa kanyang pananahimik. Pero kung ipagpipilitan niya parin ang pag aampon, ipagpipilitan ko din ang gusto ko.
ººº
"Are you sure?" si Gabrie l na isa sa mga kaibigan ko pa nung college. Kasama ko ngayon sila sa Casino Gem na pag mamay ari niya. Matapos ang business meeting naming apat ay nagkayayaan kaming maglaro ng poker kaya heto kami ngayon.
Ngayon lang ako nag open up sa kanila dahil napapadalas na ang pagtatalo namin ni Matilde sa bagay na iyon.
"Hindi naman masama ang balak ko, diba?" tanong ko pa na kumukuha ng simpatya nilang tatlo.
"Hindi naman talaga iyan masama kaso masama iyan para sa asawa mo." si Kent. Habang nag uusap ay patuloy parin kami sa paglalaro. Naging bonding na namin ang ganito sa tuwing may oras kaming pare-pareho.
"Sinabi mo pa." Si Jeff. "At para sa asawa mo ay isa iyang malaking kawalan sa kanya. Kahit na siguro pumayag siya ay hindi mo masisiguradong tratratuhin niya ang anak mo na tunay din niyang anak."
"Mas lalo na kung mag aampon naman kami. Atleast kung anak ko ang bata sa iba ay mas aalagaan niya kaysa sa anak ng hindi namin kilala. At hindi naman ganun si Matilde, mabait siya." pagtatanggol ko sa asawa ko.
"Mabait siya, oo. Pero bud... Makakanti ang pagkatao niya sakaling magkakaanak ka sa iba at hindi iyon galing sa kanya. Kaya mas gusto niya ang mag alaga ng anak ng iba kaysa ang magakaanak ka sa iba." -jeff
"At kung ikaw ang nasa kalagayan niya. Ipagpalagay natin na ikaw ang walang kakayahang buntisin ang asawa mo.. Naisip mo ba na gagalawin siya ng ibang lalaki para lang magkaanak kayo?" -Gabriel.
Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko yata lubos maisip na may ibang kaniig ang asawa ko maliban sa akin. Hindi ko iyon papayagan.
"Tama ako diba? Dahil hindi mo gugustuhing may ibang aangkin sa asawa mo. At ganun ang nararamdaman ng asawa mo sa tuwing ipagpipilitan mong magkaanak sa iba."
"Saka, bakit hindi mo na lang subukan ang nagagawa ng science." -Kent.
Umiling naman ako sa sinabi nito. Hindi ako fan ng nagagawa ng science pagdating sa paggawa ng mga bata. Sa natural na paraan nga maraming nagiging kumplikasyon ang bata sa isang tube pa kaya.
"No. Wala akong tiwala sa science. Saka kung magkakaanak ako ay gusto kong masilayan ang paglaki nila sa sinapupunan ng magdadala ng magiging anak ko. Iparamdam na kahit nasa sinapupunan pa lang siya ay mararamdaman na niya na mahal na mahal ko siya."
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas baba ng mga balikat nila at pagpapakawala ng malalim na paghinga.
"Then, you must do your best to convince your wife." -jeff.
Ako naman ang nagpakawala ng buntong hininga saka ako tumingin sa baraha ko. "I won." sabi ko sabay baba ng baraha ko dahil nauna silang nagbaba ng kanila.
Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi gawin ang lahat ng makakaya ko para lang makumbinsi ang asawa ko. Dahil iyon lang ang tanging paraan para magkaroon kami ng anak.
"f**k. You always win." reklamo nila ng makita ang baraha ko.
"Hmmm, paano ba yan. Gusto niyo pa bang maglaro?" tanong ko saka ko sila nginisian.
"Yeah! ng makabawi naman kami." si Kent na muling binalasa ang baraha.
"At habang naghihintay ka ng sagot sa asawa mo, simulan mo ng maghanap ng magdadala ng magiging anak mo. Para kapag pumayag na siya ay sunggaban mo agad bago magbago ulit ang isip niya." si Jeff.
Tama ito. Habang naghihintay nga akong mapapayad ang asawa ko ay dapat may prospectuve na ako kung sino ang karapat-dapat na magdala ng magiging anak namin ng asawa ko.
"Tama si Jeff, bud. Kailangan mo ng planuhin iyon sakali mang magbago ang isip ng asawa mo."
Tumango ako. Iyon na nga ang gagawin ko para madali na lang ang lahat at hindi na ako maghahanda pa dahil planado ko na ang lahat.
"Yeah! You are right." tanging tugon sa mungkahi nila.
"Okay! I won this time." nakangiti namang ibinaba ni Kent ang baraha ng maibaba na namin ang amin.
Naging maganda na ang naging palitan namin ng usapan. Ang laro ay nagpatuloy habang nagkukwentuhan kami.
ººº
Kahit na abala ako sa kompanya ay hindi ko ipinagsawalang bahala ang mungkahi nina Kent sa akin. Lihim akong nagpapahanap ng babaeng pwedeng pwedeng magdala ng magiging anak namin ng asawa ko. Kakausapin at mas mabuting agad na magkakasundo kung magugustuhan ang offer ko.
Hindi ako nag aksaya ng oras. Nag utos ako ng taong mapagkakatiwalaan para lamang sa bagay na iyon. At sa paglipas ng isang linggo ay madami na itong naipakitang larawan na may mga magagandang backround.
Naisip ko na kausapin sila ng masinsinan kaya naman naglaan ako ng araw para dun. Kahit isang buong araw lang at ako na mismo makakasaksi kung willing ba sila sa gusto ko.
At heto ako ngayon nasa isang sulok habang nakikinig sa mga napag usapan namin ng katiwala ko.
"Bakit mo gustong magkaanak?" tanong ni Herson sa unang babaeng dumating para sa interview. Hindi ako magpapakita kapag hindi ko nagustuhan ang isasagot ng mga babaeng prospective ko.
"Kailangan ko ng pera. Kung malaking halaga ang ibabayad sa akin, bakit hindi ko pa sunggaban diba?" deretsang sagot ng babae sa kanya.
Lihim na napatingin sa akin si Herson saka naman ako umiling. Kahit na sabihing maganda ang backround nito pagdating sa estado sa sarili ay hindi maganda ang pananalita nito para sa akin. Hindi mapagkakatiwalaan.
"Tatawagan na lang kita kung ano ang magiging pasya ng boss ko sa sagot mo." sabi nito sa babae na agad namang nagpaalam dito. Dalawang minuto pa ang hinintay namin bago dumating ang isa na namang prospective.
At tulad ng nauna kanina ay ganun din ang tanong niya at wala ding ipinagkaiba sa sagoty ng nauna kahit na magaan naman itong magsalita. Oo nga naman. Lahat naman yata ng nasa listahan ko ay pawang pera lang ang kailangan pero hindi naman maganda ang dahilan kung bakit nila iyon kailangan.
Sa mga sumunod pa ay wala akong napili kahit na isa sa mga nasa listahan. Nakakawala ng pag asa. Hindi din naman ako basta na lang kukuha ng magdadala ng magiging anak ko. Kailangan ko ding makasiguro na mapagkakatiwalaan din ang babaeng iyon kung sakali.
"Sa susunod ulit, Herson."
"Okay, lang kayo boss?" tanong pa nito.
Tumango na lang ako. "Lets go." aya ko na dito para bumalik na ng kompanya. Sadya lang siguro na hindi sila ang magdadala ng magiging anak ko kaya wala akong nagustuhan sa kanila. Kung kaya lang talaga akong bigyan ng anak ng asawa ko ay hindi ako magaaksaya ng panahon sa ganitong bagay.
"Need to find more."
"Sige boss. Ako na ang bahala dun."
Tumango na lang ako. Naghiwalay na kami ng marating namin ang parking area. Babalik ako ng kompanya habang ito ay maghahanap ulit ng mga babaeng pwedeng pagpilian.
ººº
Habang naghihintay na gumalaw ang trapiko ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang imahe na minsan ko ng nakita. Ang lalaking nagtitinda ng ulam at meryenda sa mga empleyado sa kompanya.
Hindi ko na ito nakita pa sa kompanya simula ng araw na nakita ko ito sa CCTV. Hindi naman ako nag abala ng oras na tanungin ang mga empleyado kong bumibili sa kanya kung bakit hindi na ulit ito nagtinda pa.
"Atleast marunong siyang maghanap buhay." nasabi ko habang nakasunod lang ang tingin ko sa lalaki. Ang hula ko sa edad nito ay nasa 20 or something na mas bata pa dun.
Naipilig ko ang ulo ko at binawi na ang tingin kong nakasunud dito. Ibinalik ang paningin sa kalsada dahil umusad na ang trapiko.
Pero palampas na ako sa lalaki ng bigla itong natumba na lang sa kinatatayuan. Nagkagulo ang ilan sa nakakita at may sumaklolo na dito. Dahil wala pang sasakyan ang gumigil para tumulong dito ay nagpasya na akong ipagilid ang kotse ko at ako na mismo ang magtatakbo sa hospital.
Dahil sa pagkakabagsak nito sa simento ay tumama ang ulo niya dito kaya naman nay dugo ng umagos mula doon.
"Fuck." hindi ko mapigilan ang mapamura dahil doon. Mabilisan kong isinakay ito sa kotse ko kasama ng babaeng kumalong sa kanya kanina para may humawak sa kanya.
Ilang minuto din ang itinakbo ng kotse ko bago marating ang hospital na agad naman kaming sinalubong dahil naitawag ko na habang nasa daan pa lang kami.
Agad siyang inasikaso ng doctor.
"Pasensya na po. Maari na po siguro akong umalis." ang babaeng isinama ko kanina.
"Huh!" diba dapat ako ang unang magpaalam dahil hindi ko naman as in na kilala ang lalaki.
"May trabaho pa kasi ako. Kailangan ko ng umalis baka tuluyan akong malate." paliwanag nito.
Tumango na lang ako bilang sagot. Kusang kumilos ang kamay ko na bunutin ang wallet ko at naglabas ng limang daang piso at ibinigay dito.
"Pang taxi mo na lang ng hindi ka malate sa trabaho mo." sa una ay nagdalawang isip itong kunin ang ibinibigay pero kalaunan ay kinuha din nito at nagpasalamat sa akin.
Maayos naman ang rason nito kaya ako na lang siguro ang maghihintay hanggang sa kumabas na ang doctor na umasikaso sa lalaki.
Habang naghihintay ay naalala ko na pinsan pala ito ni Manager Bejarin kaya naman nagpasya na lang akong tawagan ito.
"Yes, vice-Chairman. Papunta na po ako." sabi nito ng masabi ko ang nangyari sa pinsan niya. Hindi naman kawalan ang isang buong araw kung magleave ito sa kompanya dahil ako na din naman mismo ang tumawag dito.
"Kayo po ba ang guardian ng pasyente, sir?" tanong ng doctor ng lumabas na ito sa ER
"Hindi, doc. Ako lang ang nagdala sa kanya dito. Anong lagay niya, doc?" tanong ko naman dito.
"Over fatigue, sir. Kailangan niya ng mainam na pahinga. At hindi lang iyon ang nakita ko sa kanya dahil maraming pasa sa kanyang katawan."
"Huh! Anong pasa, doc? Dala ba iyan ng pagod niya sa sarili?" hindi ko mapigilan ang tanungin iyon.
"Hindi, sir. Galing iyon sa pagmamaltrato sa kanya ng masama."
"Huh!" kunot nuo akong napatitig sa doctor. Tama ba ang dinig ko?
"Ganun na nga, sir. At ang payo ko ay kailangan niyang manatili dito dahil sa may isang bagay pa akong nakita sa kanya. Kung mamarapatin ay..."
"Kumusta ang pinsan ko?" hindi na naituloy ng doctor ang sinasabi ng dumating na si Manager Bejarin.
"Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?"
Tumango si Manager Bejarin bilang sagot.
"Nasa mabuti na siyang kalagayan. Kailangan lang niya magpahinga. Mauuna na muna ako sa inyo habang inaayos ko ang kaso niya. Ipapatawag ko na lang kayo kapag ayos na ang lahat para makausap ko kayo sa kalagayan niya. Ipapalipat ko na din siya ng silid."
Halos sabay pa kaming tumango ni manager Bejarin bago umalis ang doctor.
"Ano pang sinabi ng doctor, vice-Chairman."
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na paghinga bago ito hinarap.
"Alam mo na na minamaltrato ang pinsan mo?" tanong ko sa seryusong tinig. Wala naman akong pakialam dun pero may responsibilidad ako tungkol doon.
Isa akong abogado kahit na hindi ko iyon kinarir dahil mas natuon ang oras ko sa mga kompanya ko. Pero pagdating sa bagay na iyon... Hindi ko iyon kayang palampasin dahil isa iyon sa concern ko bilang isang lesensyadong abogado.
"Vice-Chairman." hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok nito.
"Did you...?"
"No! Hindi po ako ang nagmamaltrato sa kanya Vice-Chairman. At wala akong balak na saktan ang pinsan ko. Kahit na gusto ko siyang bantayan ay hindi ko magawa dahil sa trabaho ko."
"Pero alam ong minamaltrato ang pinsan mo? at ang tanong sino?" nakaramdam ako ng galit dahil doon. Alam nito pero hindi gumagawa ng paraan para ilayo ang pinsan niya sa pagmamaltrato sa kung sino mang hayop na gumagawa nun dito.
"Pasensya na po, vice-chairman. Pero personal na po ang bagay na iyon.."
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Manager Bejarin. Kilala mo ako. At alam mo ang magagawa ko sa bagay na iyan. Kung hindi ang mga taong nagmamaltrato sa kanya ang makukulong, malamang ikaw ang manangot dahil pinagtatakpan mo ang mga taong iyon." paliwanag na may pagbabanta sa tuno ng boses ko dito
"Nagsasalita ako ngayon hindi bilang boss mo sa kompanyang pinapasukan mo Mr. Bejarin kundi nagsasalita ako bilang isang abogadong concern sa kaso ng pinsan mo." Pagpapaalala ko dito.
"Vice-Chairman." tanging iyon lang ang naging tugon nito. Nakitaan ko sa mga mata nito ang pagkabalisa na sa ikinikilos nito ay kilalang kilala nito ang nananakit mismo sa pinsan niya.
"Mag isip ka, Manager Bejarin. Isa lamang iyang paalala. Sa susunod ay dederetso na ito sa husgado."
"Pasensya na Vice-Chairman. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maprotektahan lang nag pinsan ko."
"Mabuti naman kung maliwanag sayo ang mga sinabi ko. Take this day as your day off." sabi ko.
Nagpasalama ito sa akin ng magpaalam na ako. Maayos namang nagpaalam din ito sa akin. Pero hindi agad ako umuwi dahil dumeretso ako sa opisina ng doctor na tumingin sa kanya.
"narito ako para malaman ang iba pang detalye sa pasenteng inasikaso niyo kanina. May sinasabi kayong hindi niyo naituloy kanina. By the way. This is my business card." Saka ko ibinigay dito ang calling card ko bilang isang abogado. "It's my concern to know kung ano ang mga tungkol sa kanya."
Wala naman sana akong balak pang makialam pero parang may nagtutulak sa akin na alamin pa ang lahat tungkol dito. Lalo na sa kalagayan ng pagmamaltrato dito.
"Tulad ng sabi ko, Atty. Parker ay over fatigue ang ikinahimatay niya kanina kasama na din ang mga natamo niyang mga pasa sa katawan. marami ding latay sa likod niya. Maari niyo siyang i counsel para sa bagay na iyon."
"Iyon ang gagawin ko, doc."
"And one thing..."
"About what?"
"Atty. Parker. That guy had a strange condition. Rare lang sa isang bilyo-bilyong tao sa mundo ang kalagayan niya. Dahil sa nakitaan ko ng mga pasa kanina sa katawan ay nagpasya na akong kunan siya ng X-ray at ultrasound. And..."
"And what?"
"May bahay bata siya sa katawan"
"Huh! Are you sure, doc?" sa pagkarinig ko ay talagang hindi ako makapaniwala. At sino ang maniniwala na sa isang lalaki ay may bahay bata ito sa katawan na pwedeng magdala ng anak.
"Kahit ako man ay nagulat, Atty. Parker. Nadouble check ko na din ang ultrasound niya at hindi ako pwedeng magkamali. Totoo lahat ng sinabi ko."
"Okay, doc. Hold him in this hospital for further examination. And I want you to be his personal doctor from now on. I will tell you the rest of my concern for the other time." seryusong sabi ko dito. Hindi ko pa man sigurado ang nasa isip ko ay gusto kong makasiguro sa lahat bago ako magpasya para sa mga plano ko.
"Kung sa ibang concern niya sa pasyente atty. Parker, makakasa kayo."
"Thank you, doc. Mag se-set ako ng araw kung kailan tayo ulit pwedeng mag usap. At sa pinag usapan natin ngayon. Umaasa ako na tayo lang ang dapat nakakaalam."
"Makakaasa kayo Atty. Parker."
At sa maging usapan namin ng doctor ay nagkakaintindihan kami sa mga gusto kong mangyari.