TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!
ºººEZEKIEL POV:ººº
Nakatingin lang ako sa lalaking nagpapaliwanag sa akin kung bakit siya ngayon nandito at nagbungaran kong siya lang mag isa sa silid kung saan ako nakaconfine dalawang araw na ang nakakalipas simula ng mawalan ako ng malay sa gilid ng kalsada.
Ipinapaliwanag nito ang tungkol sa tiyahin at tiyuhin kong pinagbubuhatan ako ng kamay. Kahit na sabihin ko na hindi nito kailangang gawin iyon o makialam ay pilit na sinasabi nito ang karapatan ko at hindi maganda ang ginagawa nila sa akn.
Tama naman ito at alam ko iyon pero....
"You are so kind that they can easely hurt you Mr. Castillo. Try to fight to them para iparamdam sa kanila na hindi ka nila basta naapi. Hindi sa lahat ng bagay ay lagi kang mabait. Kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo."
"A-alam ko." Mahina kong sagot habang nakatingin ako dito ng deretso. "Muli po akong magpapasalamat sayo dahil sa pagtulong mo sa akin nung nakaraan. Pero hindi mo na po kailangan gawin ito para sa akin. Hindi po ako magsasampa sa kanila ng demanda." Matatag kong sagot dito dahil sa nais nitong kasuhan ko ang tiyahin ko.
"Kung inaalala mo ang perang magagamit sa pagdedemanda mo ay hindi mo na kailangang alalahanin iyon dahil ako na ang bahala sa bagay na iyon."
Umiling ako. Ayaw kong tuluyang humantong sa pagkamuhi nila sa akin ng tuluyan kung kakasuhan ko sila. Mabuti na iyong nasabihan na sila ngayon tungkol sa pagmamaltrato nila sa akin at hindi na uulitin iyon sa akin.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagpapakawala nito ng buntong hininga dahil sa pagtanggi ko pero buo na ang pasya ko na hindi ako magdedemanda. Ipagpapalagay ko na lang sa malaking naitutulong sa akin ni kuya Travis kaya kahit iyon lang ay mabayaran ko ang kabutihang loob niya sa akin.
"Well, hindi na kita pipilitin sa bagay na iyon kung buo na ang pasya mo tungkol doon. Pero may isang bagay akong gustong i-tanong sayo at hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."
Muli akong napatitig dito. Hindi naman ako sumagot basta naghintay na lang ako sa susunod nitong sasabi
"Alam ko ang kundisyon mo. At gusto kitang alukin sa bagay na iyon. Kapalit ng malaking halaga, carry a child for me." walang kagatol gatol na sabi nito sa akin.
Mas naging matatag ang naging titig ko dito dahil sa narinig ko. Halos hindi ako mapakurap dahil sa kabiglaan.
"Alam ko na mabibigla ka sa inaalok ko sayo kaya uulitin ko. Gusto kong magdala ka ng bata sa sinapupunan mo para sa akin kapalit ng malaking halaga." pang uulit nga nito na mas naging malinaw na sa pandinig ko at naging malinaw na ang ibig nitong sabihin para sa akin.
"Kaya ba tinutulungan mo ako?" hindi ko mapigilang langkapan ng patuyang tanong dito.
"Sa una ay wala akong balak sabihin ang sinabi ko sayo dahil wala naman akong kaalam alam sa kundisyon mo. Ang gusto ko lang ay ang tulungan ka sa pananakit sayo ng tiyahin mo. And then, the doctor told me about your condition at tamang nangangailangan ako ng taong pwedeng magdala ng magiging anak ko." Mahaba nitong paliwanag sa akin.
"Hindi." matatag na pagtanggi ko sa inaalok nito. "Hindi ko matatanggap ang alok mong iyan sa akin dahil hindi ko kailanman ginusto ang kundisyon ko."
"Hindi kita minamadali, Mr. Castillo. Pag isipan mo ng maayos ang alok ko. Alam kong makakatulong ang malaking halagang ibabayad ko sayo." Sa pagkakasabi nitong iyon ay sinabayan na nito ng pagtayo. Inayos ang damit na bahagyang nagusot at umayos ng tayo na nakatingin parin sa akin. "Naibigay ko na sayo ang contact number ko na kung sakaling magbago ang isip mo ay tawagan mo lang ako. Hindi na ako magtatagal pa. Have a good rest, Mr. Castillo."
Hindi na ako sumagot pa at tanging ang tingin ko na lang ang naisunod ko sa paglabas niya sa silid ko. Wala akong maapuhap ng salita sa mga sinabi nito. At ang tanong, sa dami ng babaeng pwedeng magdala ng bata para sa kanya ay bakit ako pa?
Ako naman ngayon ang nagpakawala ng buntong hininga dahil sa magkakahalong bagay na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko naman mapangalan ang iba dahil sa dami na siyang gumugulo sa isipan ko.
Nag inat ako at binalak na bumaba na sa kamang kinauupuan ko. Hindi naman ako totally mahina pero hindi parin ako pinapauwi ng doctor dahil na rin sa mga psa ko sa katawan. Saka na lang ako pwedeng lumabas kung titally heal na daw ang mga pasa ko.
Kaya naman sa pananatili ko dito sa hospital ay nababantayan ko kahit papaaano ang tatay. Kahit na nag aalala ako sa bill na babayaran ko ngayon sa hospital ay wala naman akong magagawa dahil mas mahohold daw ako dito sa hospital kung ipagpipilitan kong lumabas.
Pero kailangan ko paring magbanat ng buto para may ipambayad ako sa bayarin para kay tatay. Hindi ko kailangan ang magpahinga ng matagal dahil mas magkakasakit ako sa kakaisip kong saan pa ako kukuha ng perang pangtustos sa mga gamot ni tatay.
"Saan ka pupunta?" bahagya pa akong nagulat ng pagbukas ng pinto ay iniluwa doon si kuya Travis. Agad itong umalalay sa akin.
"Pupuntahan ko sana si Tatay." sagot ko naman na nagpagiya akong pabalik sa loob ng silid at naupo sa maliit na sofang nasa gilid.
"Kagagaling ko lang doon at mahimbing ang tito sa pagkakatulog. Magpahinga ka na lang muna hanggang sa magising siya ulit.
Kahit na gusto ko man sanang pumunta parin ay hindi ko na ipinilit pa. Inilabas ni Kuya Travis ang prutas na dala sa supot at binaghimay niya ako.
"Tungkol sa boss mo kuya Travis?" sabi ko ng maalala ang boss nito na kakaalis lang.
"Bakit? Nakasalubong ko siya sa hall way kanina at sinabi niyang galing siya dito? May problema ba sa boss ko?" tanong naman ni kuya Travis na tila wala namang alam sa kung ano ang napag usapan namin ng boss niya. Wala bangh ideya si Kuya Travis sa mga nasabi sa akin ng boss niya?
"W-wala naman kuya Travis. Sinabihan lang kasi ako tungkol kina tita."
"Sorry for that, EZ. And.. anong sinabi mo sa boss ko tungkol sa bagay na iyan? Hindi naman kita pipigilan kung ano ang balak mo. Kung magsasampa ka man ng kaso sa kanila ay hindi kita pipigilan dahil karapatan mo naman talaga iyon."
"K-kuya Travis."
"Look at me, EZ. Pinsan kita at ayaw ko din naman ang ginagawa nina mama sayo. Gusto man kitang protektahan sa kanila ay hindi ko naman magawa dahil sa trabaho ko. Hindi naman kita mabantayan ng maayos dahil doon."
"Huwag kang mag alala kuya Travis dahil hindi ko naman sila sasampahan ng kaso. Ipagwawalang bahala ko na lang para sayo dahil narin sa mga malaking naitulong mo sa akin."
"EZ." nagkasalubong ang mga mata namin. Kita ko ang ko kung paano mangislap ang mga mata niya. Ilang sigundo din naman kaming nagkatitigan hanggang sa yakapin niya ako.
"Salamat,EZ. Kahit na hindi maganda ang naging trato sayo nina mama ay hindi mo parin sila idinimanda."
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. At gaya ng sabi ko kanina ay ipagpapalagay ko na lang sa kanya dahil sa mga naitulong niya sa amin ni Tatay.
ººº
Matuling lumipas pa ang tatlong araw. Tuluyan na akong nakalabas ng hospital. Wala nga akong binayarang bill sa pananatili ko sa hospital dahil na rin sa ang boss ni kuya Travis ang nagbayad ng lahat. Hindi na din ito bumalik pa ng hospital simula ng huli itong nakipag usap sa akin.
Bumalik ako sa dating takbo ang buhay ko. Ang magtinda para may maipon ako sa pagpapagamot ko kay tatay. Naging abala na naman ako gaya ng dati. Ang ipinagkaiba lang ay ang naging tahimik na ang buhay ko sa loob ng bahay ng tiyahin ko. Hindi na niya ako sinasaktan dahil na don sa banta ng boss ni kuya Travis na kung maulit pa ang pananakit nito sa akin ay tuluyan na itong makukulong kahit na hindi ako magsampa ng kaso.
Hindi ko alam kung natakot lang ba talaga ang tiyahin ko dahil doon o may iba pang dahilan kaya tuluyan itong nanahimik. Ang kaibahan lang ay ang tuluyang lumayo ang loob sa akin at iniiwasan na ako. Pakiramdam ko tuloy ay tuluyan akong naitatakwil sa bahay nila sa hindi nila pagpansin sa akin. Pero mabuti na siguro iyon, hindi ko na kailangang mag alala pa na muli akong sasaktan ng tiyahin ko.
"Pagbilan po." napakurap ako ng tumigil sa harapan ko ng bata.
"Anong bibilhin mo?" may ngiti sa labing tanong ko dito. Tatlong klase kasi ang tinda kung kakanin kaya may pagpipilian sila.
"Isa po dito at isa dito." turo niya sa dalawang. Agad ko naman itong binigyan pagkatapos inabot ang bayad nito sa akin. Tahimik na umalis ang bata ng makabili na ito.
Kahit na paunti unti lang ang napagbebentahan ko ay nakakaubos naman ako. Pagkatapos akong makabenta ng meryenda ay saka naman ako magluluto ng ulam para sa tanghalian.
Ipinapasyal ko ang tinda ko at hindi ako pumipermi sa isang lugar lang para mabilis akong makapaubos. Kahit na nakakapagod ay kinakaya ko parin.
Sa pagalalakad ko ay doon ako nakatanggap ng tawag mula sa hospital. Hindi ko pa man nasasagot iyon ay bkinabahan na ako dahil bihira naman silang tumawag sa akin kung walang nagyaring masama sa tatay.
"Hello?" kinakabahan man ako ay pilit na pinatatag ko ang boses ko. Naglakad ng patungo sa sakayan para tumuloy na agad ako ng hospital. Habang kausap ko ang nurse ay tuluyan na akong naiyak dahil sa ibinalita nito.
Inilipat daw sa ICU ang tatay dahil sa biglaang pagtaas ng dugo nito ng magising. Naging kumplikado daw ang paghinga kaya inilipat sa ICU para mamonitor ng mga doctor.
"Tatay, kumapit ka lang. Kailangan mong lumaban. Huwag mo akong iiwang mag isa." dasal ko habang lulan na ako ng tricycle papuntang hospital.
Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo ng makarating ako ng hospital at ngayon ay nakatunghay ako sa bintana sa harap ng ICU kung saan ngayon ang tatay.
Nanlulumo ako dahil wala man lang ako magawa sa kalagayan ng akin itay. Nakakapanghina ng loob lalo na at naiisip ko na baka hindi na magtagal ang tatay.
No! Huwag naman sana. Huwag pa ngayon hanggang kaya ko pang kumita ng pera pangpagamot sa kanya.
"Doc. kumusta ang tatay ko?" pumiyok pa ang boses kong tanong sa doctor ng lumabas ito sa ICU.
Nagpakawala ng malalim na paghinga ang doctora bago ako sinagot. Sinabi nitong hindi maganda ang lagay ng tatay at kailangang mailipat sa mas makalidad na hospital para mas mapagtuunan ng mabuti ang kalagayan nito.
Nanlumo na naman ako dahil doon. Kung ililipat pa ng ibang hospital ang tatay ay mahihirapan ako. Ibig sabihin nun ay mas malaking halaga ang kakailanganin ko para lang maipagamot ito.
"Wala na bang ibang paraan doc?"
"Iyon na lang ang tanging paraan Mr. Castillo."
Wala akong mapuhap na ibang sasabihin. Tuluyang nablanko ang isip ko. Nanlulumo akong napatras at napaupo sa waiting chair sa gilid. Sa pagkakatulala ko ay hindi ko na din namalayan ang pagpapaalam sa akin ng doctor hanggang sa ako na lang mag isa ang naiwan sa labas ng ICU na unti unting nawawalan ng pag asa.
○○○DRAKE POV:○○○
Hindi nakaligtas sa paningi ko ang panginginig niya habang nakatayo mismo sa harapan ko dito sa opisina ko. Sinadya niya ako ngayon dito dahil may sasabihin daw siya.
Hindi na ako magtataka dahil simula ng malaman ko ang kakaiba niyang kundisyon ay may tao na akong itinalaga dito para bantayan siya at doon ko nalaman na kailangang mailipat ng mas maganda at mas di kalidad na hospital na kumpleto sa gamit para da kalagayan ng kanyang ama ngayon.
Nabuhayan ako ng pag asa na matutupad na ang isa sa mga pangarap ko. Ang magkaroon ng sariling anak ng malaman ko ang kalagayan ng kanyang ama.
Hindi naman sa nagagalak ako dahil doon kundi nakikisimpatya pa nga ako para dito pero dahilan na iyon para lumapit siya ngayon sa akin.
Hindi man nito bigkasin ang pakay nito ngayon ay alam ko na ang ipinunta nito para kausapin ako. Ang humingi ng tulong sa akin para magkaroon ng katuparang mailipat ang tatay nito sa mas maayos na hospital.
"Anong maipaglilingkod ko sayo Mr. Castillo?" Tanong ko parin dito kahit na gusto ko na itong deretsahin patungkol sa pagdadala niya ng magiging anak ko na siyang magiging kundisyon ko ngayon sa pagtulong ko dito.
"N-nakikiusap ako." Mahina iyon na halos hindi ko na marinig pero hinayaan ko na lang. Hindi mapakali ang mga kamay niyang nakahawak sa laylayan ng damit niya na tila nagdadalawang isip pa sa paglapit sa akin. "G-gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyo."
"Anong tulong ang maipagkakaloob ko sayo Mr. Castillo?" Muli kong tanong. "Chin up Mr. Castillo." Pautos ko dito dahil kanina pa ito nakayuko.
"W-wala akong alam na malapitan maliban sa inyo. Alam kong mabait kayong tao kaya naglakas ako ng loob ngayon na kung maari ay makahingi ako ng kaunting tulong galing sainyo."
"Go."
"K-kailangan daw ng tatay ko ang mailipat ng hospital. Iyon mas makalidad na hospital dahil nagiging kritical ang buhay ng tatay ko kaya sana po matulungan niyo ako."
"Well, I want to help you. I really want too." Panimula ko. "At hindi ko gustong magpaligoy ligoy pa. If you really need my help for your father.. tanggapin mo ang alok ko sayo. Carry my child in nine months at masisiguradong maililipat ng magandang hospital ang tatay mo. At ako na mismo ang bahala sa lahat ng gagastusin niya sa hospital."
Doon na siya napaangat ng ulo at napatitig na naman sa akin gaya na lang ng pagtitig niya sa akin nung una kong buksan ang paksang iyon.
Hindi ako madamot at kaya ko itong tulungan sa anong paraang pero ngayon lang ako mag aalok ng ganito dahil gusto kong magkaroon na ng anak. Anak na masasabi kong sariling akin.
"Iyon lang ang kundisyon ko Mr. Castillo. Pag isipan mo ng mabuti. Hindi kita matutulungan kong hindi mo matatanggap ang kundisyon kong iyon. Maililipat ang tatay mo sa magandang hospital at magagamot siya ng maayos plus 50 milyon pesos kapag tuluyan mong mailuwal ang anak na kailangan ko."
Katahimikan ang naging tugon niya sa mga sinabi ko habang nakatitig parin siya sa akin. Nag iisip ba siya ng maayos o mas nanaisin bang tanggihan ang alok ko dahil ayaw niyang magbuntis dahil sabi niya ay hindi niya ginusto ang special na kundisyon niya.
"Hindi magbabago ang alok ko hanggang sa makapag isip ka ng maayos. Kaya ang payo ko sayo ay pag isipan mo ng mabuti ang alok ko."
Napansin ko ang paglunok niya at patuloy na hindi napapakali ang mga kamay na patuloy sa paglalaro ng laylayan ng damit niya.
"Kung wala ka pang mafiging sagot sa alok ko ay pwede ka ng umalis na muna dahil marami pa akong ginagawa."
Pinindot ko ang intercom na konektado sa sekretarya ko para sabihin samahan ito sa paglabas na gad namang sumagot ng oo. Tamang pagpasok ng sekretarya ko ng magsalita ito.
"O-okay. P-papayag na ako."
Lihim ang naging ngiti ko. Ngiti ng tagumpay.
"Are you sure?" Pang uulit ko parin kahit na gusto kong sabihin na dito na wala ng bawian ng sagot.
Pagtango lang ang naging sagot nito. Sinenyasan ko ang sekretarya ko na muling lumabas at muli kong hinarap ito.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at lumapit dito.
Tumingala pa ito sa akin ng matapat ako dito.
"Ipapalipat ko ngayon din ang tatay mo sa magandang hospital. At habang inililipat ang tatay mo ay kailangang maging malinaw ang magiging kasunduan natin."
Hindi pa din ito nagsalita kaya nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag dito. Ipinaliwanag ang magiging papel niya bilang magdadala ng magiging anak ko ng siyam na buwan at ang mga kasunduang nais ko para sa ikakabuti namin lahat.