Noreen's POV Nakangising pinahiran ko ang luhang kumalat sa aking pisngi. Ngunit napangiwi ako pagkatapos ng masipat ko ang aking mukha sa compact mirror. Nagkalat ang eyeliner sa ilalim ng aking mata. Kumalat ito pababa na nagbigay ng pangit na itsura sa akin. Damn! Baka pinagtatawanan ako ng Planeta na 'yon kanina ng palihim. Mukha akong manikang pinahiran ng grasa sa mukha. Ew! Hmpt! Di bale, bawing-bawi naman ako sa mga pinaggagawa ko kanina. Alam kong nasaktan siya ng todo sa tagpong nakita niya sa amin ni Crayon. Kita-kita ko 'yung sakit na nadarama ko sa kanya. Alam kong mas doble pa iyon sa nararamdaman ko ng malaman kong nagsasama na sila ulit ni Crayon. Maayos na ang kanilang relasyon at may balak ng magpakasal. I hate hearing those hearsays. Nasasaktan ako. Akala ko nga rum